Kabanata 15

51 1 0
                                    

KABANATA 15 

KINABUKASAN NG UMAGA SA CAMPUS NG UNIBERSIDAD AY NAKAUPO SA bangko sina France at Kaye. Magkahawak ng kamay ng magkaibigan, nakahilig ang ulo ni Kaye sa kanang balikat ni France. 

"Haaay! Grabe noh? Ang daming mga gawain. Iba talaga 'pag matatapos ka na sa kurso mo." 

"Kamusta na nga pala kayo ni...Rene?" ang 'di mapigilang itanong ni France. 

"Ayos lang kami." sabay ngumiti si Kaye, "Alam mo aliw na aliw sa'kin si Itay kagabi. Sa sobrang pagkaaliw n'ya sa'kin ay hindi na siya nakipag-inuman sa mga kumpare n'ya." sabay tumawa, "'Di ba ang saya?" 

Ngumiti si France at tumango, "Mabuti kung ganon." 

Maya-maya ay tumunog ang bell. Binitawan ng magkaibigan ang isa't isa, kinuha ni Kaye ang kanyang shoulder bag na nasa kanyang kandungan at tumayo. 

"Pasok na ako sa klase ko, F1." 

"Sige." 

Nagbeso-beso ang magkaibigan at tumuloy na si Kaye sa kanyang pupuntahan. Naiwan si France na nakatunga-nga at halos hindi na maipinta ang kanyang mukha. Nagulat na lamang s'ya nang may tumambad na isang tulip sa kanyang harapan at pag-angat ng kanyang paningin ay nakita niya si Rene. 

"O, bakit hindi maipinta 'yang mukha mo?" ang pansin ni Rene, "Natalo ka ba sa lotto?" sabay umupo sa tabi ni France. "Para kang naluging intsik pero hindi ka naman intsik." dugtong pa n'ya at ngumiti. 

Hindi na pigilan ni France na bumunghalit sa tawa pagkatapos ay kinuha niya ang bulaklak na hawak ng binata. 

Tumawa rin si Rene, "Ayan... Eh, 'di maipipinta na 'yang mukha mo!" 

"Bakit pintor ka ba?" sabay ngumiti.  

"Ah, ako pa hinamon mo?! Ako pa?! S'yempre...hindi! Tumugtog ng gitara at gumawa lang ng program ang alam ko eh!" 

Pinalo ni France ang braso ng binata, "Ikaw talaga!" 

Ngumiti si Rene, "At mahalin ka..." 

Hindi alam nina France at Rene na nakaupo si Divine sa kabilang bangko na nasa harapan nila at kinukuhanan sila ng video gamit ang cellphone nito.

Palubog na ang araw, nakatayo sa harapan ng gate ng unibersidad sina Cris at Rene habang sila'y nagtatalo. 

"Cris, mas mabuti na 'yung ganito." wika ni Rene, "Para walang gulo. Pag-aaralan ko na lang mahalin si Kaye." 

"Teka lang ha! Teka lang ha! Ipaliwanag mo muna kung bakit mo binigyan ng bulaklak si France. Pinaglalaruan mo ba sina France at Kaye?!" 

"Anu ka ba, Cris?!" 

"Bakla ako! Bakla ako! Bakla ako!" naiiritang sagot ni Cris. 

"Gusto ko lang naman mapagaan ang loob ni France. Yun lang yun!" 

"Hay Naku! Rene, gamitin mo naman yan utak mo." sabay umirap si Cris. 

"Wag mo na lagyan ng malisya yun, Cris!" 

"Ewan ko sa'yo! Bahala ka sa buhay mo! Uuwi na'ko at marami pa aketch gagawin. Batsi nako! Babuuu! Hmmmp!" 

Naaasar na iniwan ni Cris si Rene sa lugar na iyon. Nahihirapan na talaga siyang intindihin si Rene. Alam niyang nalilito pa rin ito pero inaasahan niya na gagawin ng kaibigan ang nararapat na gawin samantala napahinga na lang ng malalim si Rene, pumasok siya sa loob ng unibersidad at dumiretso papunta sa parking area. 

"Hi, Baby!" tawag ni Kaye kay Rene at kumakaway pa ito, "Tara, mamili na tayo!" ang sabi nito pagkalapit n'ya sa kasintahan. 

"Sige."sabay ngumiti si Rene. 

Pumasok ang magkasintahan sa loob ng kotse at nagsimulang bumiyahe papunta sa mall. Nanood sila ng isang romantikong sine, kumain sila sa mamahaling restoran at masayang namili ng mga gamit. Gabi na nang maihatid ni Kaye si Rene sa tirahan nito. 

"Grabe! Ang saya-saya ng buong araw ko!" nakangiting sabi ni Kaye. 

Natawa si Rene, "Tuwing magkasama tayo ganyan naman lagi ang sinasabi mo." 

"Bakit ayaw mo ba akong makitang masaya?" 

Ngumiti si Rene, "Uy, wala akong sinasabing ganyan, ah! 'Kaw ang may sabi n'yan." 

"Hmmp! Ganyan ka naman, eh!" tumawa ang dalaga at yumakap kay Rene, "Baby, madami pakong tatapusin ngayon." 

"Ayos lang." wika ni Rene sabay niyakap ng saglit si Kaye. 

Nakangiti si Kaye habang tinititigan si Rene, "Mahal na mahal kita!" ang buong lambing na bigkas niya. 

Ngumiti si Rene, "Ako din... Ingat sa pagmamaneho ha!" 

Tumango si Kaye at biglang humalik s'ya saglit sa labi ni Rene at ikinagulat ito ng binata. Pagkatapos ay mabilis na pumasok sa loob ng kotse si Kaye at nakangiting kumaway. Ngumiti na lang si Rene at kinawayan ang dalaga. Pinaandar ni Kaye ang kotse paalis sa lugar na iyon. 

Sa biyahe ay abot tainga ang ngiti ni Kaye, nag-uumapaw sa kaligayahan ang puso niya at hindi na s'ya makapaghantay na ikuwento ang mga nangyari sa kanila ni Rene sa kanyang matalik na kaibigan kaya naisipan niya na dumaan muna s'ya sa bahay ni France.

Nakaparada ang kotse ni Kaye sa tapat ng bahay nila France. Sa salas ay nakaupo sina Kaye at France, sila ay nagkukwentuhan habang kumakain ng tinapay at umiinom ng juice. 

"Binilihan pa n'ya ako ng ipit, oh!" ipinakita ni Kaye ang ipit na nakalagay sa ulo niya. 

Tumawa na lang si France kahit ang totoo ay naiiyak siya, "Mukhang ang saya-saya mo sa piling ni Rene." 

"O, bakit parang naiiyak ka d'yan?" pansin ni Kaye. 

Tumawa na lang ulit si France, "Masayang-masaya ako!" at 'di na n'ya napigilang lumuha, "Kasi ang saya-saya mo na. Malaki na ang pinagbago mo at mas masaya kana ngayon kaysa sa dati." 

"Aww..." pinunasan ni Kaye ang luha sa pisngi ni France, "Mahal na mahal mo talaga ako." sabay niyakap ang kaibigan. 

"Para sa'yo, Kaye. Pipilitin kong kalimutan si Rene." wika ni France sabay niyakap ang kaibigan.  

Nagpatuloy sa masaya nilang kuwentuhan ang matalik na magkaibigan habang yakap nila ang isa't isa.

Friends 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon