Kabanata 25

93 3 3
                                    

KABANATA 25

SA CAFETERIA NG UNIBERSIDAD AY NAROON ANG MGA ESTUDYANTE na magmamartsa sa Graduation Day. Binigyan sila ng pahinga pagkatapos ng paulit-ulit na ensayo nila. Kumakain sina France at Rene sa lamesa samantala nakapila si Cris upang bumili ng panghimagas nila. Nang natapos na kumain sina France at Rene ay may inabot na paper bag si Rene kay France. 

"Ano 'yan?" nagtatakang tanong ni France. 

Ngumiti si Rene, "France, komedyante ka na, ah! Paper bag, ano pa ba?" 

"Ikaw nga 'tong komedyante, eh! Ang ibig kong sabihin para saan 'yan? Bakit mo ako bibigyan niyan? Hindi ko naman kaarawan." sagot ni France sa binata. 

"Wala lang, gusto ko lang." ang nakangiting sabi ni Rene, "Bakit hindi ba puwedeng magbigay ng regalo kapag hindi mo kaarawan? Sige na kunin mo na, nangangawit na'ko, eh!" 

"Aba, nagreklamo pa!" ngumiti si France at kinuha ang paper bag, "Salamat. Hindi ka na dapat nag-abala pa." 

Nakatitig si Rene kay France, "Gusto ko 'yan ang suotin mo sa Graduation Day natin, ah!" 

Pagbukas ni France ng paper bag ay kinuha niya ang laman nito at inilabas. Simple ngunit eleganteng bestida ang binili ni Rene para sa kanya. 

"Aba ang ganda!" nawika ni France. 

"Nagustuhan mo ba? Binilihan kita niyan kasi baka ang suotin mo sa Graduation Day natin ay pantalon at maluwag na T-shirt. Magpapauso ka na naman!" sabay tumawa si Rene. 

"Ang kapal mo!" sinuksok ni France ang damit sa loob ng paper bag, "Ang sama ng ugali mo!" ang asar na sabi niya sa binata. 

Tumawa si Rene, "Mahal kita..." sabay nginitian si France. 

Nang tumawa si France at namula siya, "Mukha mo!" sabay saglit na nilabas ang dila. 

"Ba't ka namumula? Uuuy!" tukso ni Rene. 

"He!" pinalo ni France si Rene sa braso nito, "Ikaw ha!" tatawa sana siya ngunit nakita niya si Kaye sa kabilang lamesa kasama sina Daphine at Divine. Kitang-kita niya ang pagseselos nito sa mukha. 

"Bakit?" tanong ng binata kay France. 

Tumingin si Kaye ng makahulugang tingin kay Rene, tumayo siya at umalis. Napako ang tingin ng dalawang magkaibigan sa magkapatid na Daphine at Divine. Dumating si Cris dala ang binili niyang tatlong saging con yelo at nagtaka ito nang maabutan ang dalawa sa ganoong hitsura. 

"Bakit ganyan ang hitsura ninyong dalawa?" tanong ni Cris sabay napalingon siya at nakita sina Daphine at Divine, "Kaya pala... Nakakita kayo ng dalawang demonyita. Mabuti hindi nila kasama si Kaye." 

Humarap si Rene kay France, "Mabuti pa, kumain na lang tayo." 

Umupo si Cris at inilapag ang pagkain nila sa lamesa at itinabi ang tray, "Oo nga! Pakialam ba natin sa kanila!" 

Huminga ng malalim si France, nagsimula na silang kumain ng kanilang panghimagas at nagkuwentuhan

Malapit nang lumubog ang araw nang natapos ang pag-eensayo ng mga estudyante. Lumabas na ang tatlong magkakaibigan sa gate ng unibersidad nang may huminto na kotse sa harap nila. 

"Si Will..." wika ni Rene at tumingin siya kay France. 

Bumukas ang pinto ng kotse at si Will nga ang lumabas sa kotseng iyon. Lumapit si Will sa tatlong magkakaibigan. 

"Musta?" ang nakangiting bati ni Will sa mga ito, "Gusto niyo ba ihatid ko kayo?" tumingin siya kay France at kay Rene. 

Nagtinginan magkakaibigan sa isa't isa sabay ngumiti at pagkatapos ay sabay tinanguan nila si Will. Ngumiti si Will at binuksan ang dalawang pinto ng kotse. Sumakay ang magkakaibigan sa kotse ni Will, katabi ni Will si France samantalang nasa likod nila sina Cris at Rene. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 15, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Friends 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon