Kabanata 19

35 1 0
                                    

KABANATA 19

KATATAPOS LANG NG KLASE NI RENE, NAGLALAKAD SIYA SA PASILYO nang matanaw niya si France na may dalang mga tulips. Naisip niyang galing na naman ang mga iyon sa asungot na si Will at hindi niya mapigilang maasar sa lalaking 'yon. Mabilis niyang pinuntahan si France at tinitigan niya ng maigi ang dalaga. 

"O, Rene?" ang nasabi ni France. 

Nakatingin si Rene sa mga bulaklak, "Bigay ni Will?" 

Hindi agad nakasagot si France sa halip ay tinignan niya ang hawak niyang mga bulaklak. Biglang hinablot ni Rene ang mga bulaklak kay France, nilamukos niya hanggang magkaluray-luray mga ito at itinapon sa tabi. Nabigla naman si France sa ginawa ni Rene, ngayon lang niya nakitang umasal ng ganoon binata. Alam niya kasing pasensiyoso at mahinahon itong tao pero iba ang nakita niyang Rene ngayon. 

"Alam kong galing 'yan sa mayabang na Will na 'yon! Kahit hindi mo sabihin sa'kin!" pasinghal na sabi ng binata. 

"A-Ano bang problema mo?!" ang iritang tanong ni France. 

"Ano ang problema ko?! Ikaw, ang problema ko! Tayong dalawa ang pinuproblema ko!" sabay hinawakan ni Rene ang dalawang braso ni France, "France, hindi ko na kayang magpanggap pa!" 

"Rene, ano ba? Bitawan mo nga ako!" nagpupumiglas na sabi ng dalaga. 

"France, pakiusap... Tama na ang pagpapanggap pa! France, mahal kita at hindi ko kayang makita ka sa piling ni Will!" 

"Rene, ano ba?!" 

Napansin ni France na maraming tao ang nakatingin sa kanila at nagsimula siyang kabahan sa mga nangyayari, "Rene, pakiusap. 'Wag kang mag-iskandalo dito." 

Samantala masiglang pumasok si Kaye sa Locker Room nang may nakasalubong siyang mga estudyante na nag-uusap. 

"Uy, may drama daw sa pangalawang palapag sa gusali ng Computer Science?" ang tanong ng isang babae. 

"Oo, sina France at Rene daw." sabi ng kasama nito. 

Nang marinig ni Kaye ang usapan nila ay nagmadali siyang lumabas ng gusali at pumunta sa gusali ng Computer Science. 

"France, mahal na mahal kita!" biglang niyakap ni Rene si France ng mahigpit. 

"Rene, hindi kita mahal!" sagot naman ni Rene habang nagpupumiglas sa bisig ng binata. 

Lalong hinigpitan ni Rene ang yakap niya sa dalaga, "Hindi ako naniniwala! Nararamdaman ko na mahal mo rin ako!" 

Halos hindi makagalaw si France sa bisig ni Rene at walang lumalabas na salitang pagtutol mula sa kanya laban sa mga sinabi ng binata dahil alam niya sa sarili niya na tama ang binata. 

Samantala si Cris ay nagsusuklay ng kanyang basang buhok. Umupo siya sa kanyang kama at tinitigan niya ang larawan nilang barkada na nakalagay sa photoframe at nakapatong ito sa drawer. Nadama niya na matagal na rin ang kanilang samahan, tatlong taon na pala. Naputol ang kanyang pagninilay nang marinig niya ang katok sa pinto at sabay bumukas ito. 

"Kuya!" ang nakangiting tawag ni Dolly, "Nailabas ko na sa kabinet ang mga kailangan mo sa pagluluto." 

"Ah, sige. Salamat!" sabay kumindat siya sa kapatid niya. 

"Hmmm... 'Di ba kaya ka magluluto ng marami kasi kung 'di ako nagkakamali ngayon ang ika-tatlong annibersaryo ng Friends 4." 

"Oo, kapatid! O, 'di ba ang tagal na namin? Isa lang ang paborito naming cartoons, ito ay Fantastic Four 'yon kaya Friends Four ang ipinangalan namin sa aming samahan." 

Friends 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon