Kabanata 23

50 1 0
                                    

KABANATA 23

MABILIS NA LUMIPAS ANG PANAHON PERO HINDI PA RIN UMUWI ANG Itay ni Rene ngunit nananatili siyang matatag dahil nasa tabi niya si Cris at ang babaeng pinakamamahal niya na si France. Hindi pa rin bumabalik si Kaye sa kanilang piling, ilang ulit na rin kinausap ni Cris ito pero talaga yatang nasulsulan na siya nina Daphine at Divine. 

Sa unibersidad ay nilabas na ang pronouncement papers para sa mga magtatapos na mga estudyante pagkatapos ipamigay ito ay dumagsa ang mga estudyante sa Cafeteria para mananghalian. Magkasama ang magkakaibigan sa pagkain nila ng tanghalian. 

"Sa wakas tapos na tayo sa ating kurso!" ang buong siglang sabi ni France. 

Ngumiti si Rene, "Oo nga. Sa wakas at nagbunga na rin ang pinaghirapan natin." 

"Mga kaibigan, ako ay sabik na sa Graduation Ball natin! Masaya 'to at marami akong makikitang macho-gwapito!" ang sabik na sabi ni Cris at pumalakpak pa ito. 

Napatingin si France sa kanilang paligid at nakita niya na kumakain sa kabilang lamesa si Kaye kasama sina Daphine at Divine at masaya silang nagkuwentuhan habang kumakain. 

"Mas masaya sana kung kasama natin si F2..." nawika ni France. 

Napatingin sina Cris at Rene sa kabilang lamesa na tinitignan ni France at biglang naglaho ang saya sa kanilang mukha. 

"Babalik din siya sa'tin... Matatauhan din 'yan." wika ni Cris. 

"Pa'no kung 'di na siya bumalik? Pa'no kung 'di siya matauhan?" ang sabi ni France. 

"Masakit man pero kailangan nating tanggapin na hindi na siya sasama sa'tin." ang malungkot na sabi ni Rene. 

Tumitig si France kay Cris, "Tinanong ng Fame Dancers kung Friends 4 pa rin ba ang dapat ita---" 

"Friends 4 pa rin... Walang magbabago." sagot agad ni Cris. 

"Walang pwedeng pumalit sa kanya. Kahit wala na na siya sa piling natin. Buhay pa rin sa'ting tatlo ang ala-ala na kasama natin siya..." ang sabi naman ni Rene. 

"Grabe, ang drama naman." inalis ni Cris ang luha sa gilid ng kanyang mga mata gamit ang kamay, "Naiyak tuloy ako." 

"Ano? Puwede na bang maging prinsipe ng drama?" sabay kumindat si Rene, "Mag-artista na kaya ako? Tutal, macho na ako at gwapo pa!" 

Tumawa sina Cris at France, nagpatuloy sila sa pagkain habang tuloy ang pagsasalita ni Rene ng mga biro niya sa mga ito.

Hapon na nang umuwi si France galing sa unibersidad, pagpasok niya sa gate ay may humintong kotse sa tapat ng gate nila. Paglingon niya ay nakita niya na ang bumaba sa kotse na 'yon ay si Kaye. 

"Kaye?" at mabilis na lumabas sa gate si France. 

Binuksan ni Kaye ang likod ng kanyang kotse at may kinuha siyang isang malaking kahon. Napansin ni France ang malaking teddy bear na kulay rosas na nakalagay sa malaking kahon. Binili niya 'yon, tanda ng pagiging magkaibigan nilang dalawa at nakita rin niya ang stuff toy na aso na binili naman niya noong nagdebut si Kaye. Kumunot ang kanyang noo sa kanyang pagtataka. Lumapit sa kanya si Kaye dala ang malaking kahon na ito. 

"Kumpleto 'to... Lahat ng binigay mo sa'kin mula sa mga regalo mo hanggang sa pinakamaiksi mong sulat sa akin. Ayokong may makita akong mga bagay na makakapagpaalala tungkol sa'yo." 

Pilit na inaabot ni Kaye ang malaking kahon kay France pero nakatitig lang ito sa kanya. Nainis si Kaye kaya binaba niya ang mabigat na kahon sa lupa, sinundan naman ng tingin ni France ang kahon. 

Friends 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon