Kabanata 7

154 1 0
                                    

KABANATA 7

NAKASAKAY ANG MAGKAKAIBIGAN SA MAGARANG SPORTS CAR NA MINAMANEHO NI KAYE. Nasa tabi lang niya si France samantalang nasa likod sina Cris at Rene. Nakabukas ang stereo kaya habang nagmamaneho si Kaye ay kumakanta ito, nakadungaw naman sa bintana si France at minamasdan ang kanilang nadadaan na lugar samantalang si Cris naman ay aliw na aliw na nilalaro ang mga nakalagay na laro sa bagong cellphone ni Kaye at si Rene naman ay nakatitig maigi kay France. Ilang sandali pa'y nakarating na sila sa isang mall, pumasok ang kotse sa parking area, pagkaparada nila ay bumaba na sila agad sa kotse. 

"Yun! Pagkatapos ng sampung taon! Sa wakas nakabalik ulit tayo dito! Sabik na talaga ako mga kapatid!" tuwang-tuwa nasabi ni Cris. 

Tumawa si France, "Grabe ka naman, Cris! Dalawang taon lang tayo hindi nakapunta dito!" 

"Anu ba Teh! Parang ganun na din yun sa sobrang tagal. Ang tagal nating di gumimik eh!" 

Natawa sina France, Kaye at Cris samantalang ngumiti lang si Rene. 

Tinapik ni Kaye si Rene, "Rene, anung problema? Bakit kanina ka pa tahimik d'yan?" 

Ngumiti si Rene, "Wa-Wala...Wala lang akong masabi eh." 

"Saan?" tanong ulit ni Kaye. 

"Sa...galing mong magmaneho." 

Tumawa si Kaye, "S'yempre, ako pa!" sabay hinila niya si Rene, "Pasok na tayo!" 

Sabay hinila naman ni Cris si France, "Sugod na tayo!"  

Pumasok na ang magkakaibigan sa loob ng mall. Hindi iniimik ni France si Rene magmula pa kanina sa biyahe nila. Ang dahilan kaya sobrang tahimik si Rene ay iniisip niya kung bakit siya hindi pinapansin nito. Hindi kaya dahil sa nangyari kahapon? Pero alam niyang hindi galit si France sa kanya dahil kilala niya magalit si France. Kapag may lakad ang grupo, hindi siya sasama kapag kasama ang kagalit niya sa grupo kahit anong pilit at lambing pa sa kanya. Pero sumama si France, ibig sabihin hindi siya galit sa kanya pero bakit nga hindi siya iniimik nito? 

Humawak si Kaye sa braso ni Rene, "Ano ba ang una nating gagawin? Ano sa tingin mo?" 

"Ah...sine?" ang nakangiting sagot ni Rene. 

Nang makita ni France na magkadikit si Kaye at Rene ay pakiramdam niya ay sasabog s'ya sa selos. Nagpasalamat na lang siya dahil nakapagpigil siya, hinila na lang niya si Cris papuntang elevator, "Sakay tayo sa elevator!" 

Sumakay sa elevator ang mga ito at nagpunta sa sinehan. Bumili ng ticket sina Rene at Cris samantala bumili ng popcorn at inumin sina Kaye at France. Naunang pumasok si Cris sa loob ng sinehan sumunod sina Rene at Kaye at nasa hulihan si France. Tuwing kasama ni Kaye si Rene napapansin ni France ang ibang klaseng kaligayahan ng matalik niyang kaibigan. Humugot ng malalim na hininga si France at ngumiti na lang. Maraming tao sa sinehan, dismayado si Rene nang makita niyang malayo si France sa kanya. Nakatabi niya si Kaye at si Cris naman ang katabi ni France. Habang nanonood sila ay tumitili si Cris, kilig na kilig sa mga eksena ng pelikula. Pinagtatawanan naman siya ni France at Kaye samantala hindi naman nasisiyahan si Rene, pasulyap-sulyap siya kay France ni hindi siya kumuha ng popcorn na hawak ni Kaye, si Kaye lang ang kumakain. Gusto niyang kausapin si France kung anong problema sa kanilang dalawa. May kutob siya na gusto din siya nito pero hindi lang talaga sinasabi sa kanya. Nang matapos silang manood ng sine ay pumuntang palikuran ng sinehan ang dalawang babae. Naiwang nakaupo sa malambot na bangko sina Rene at Cris. 

"Grabe! Hay Naku! Sagad hanggang buto ang kilig ko!" wika ni Cris na halatang kinikilig pa rin. 

Ngumiti lang si Rene at napataas ng kilay si Cris. Naiintriga na si Cris kung bakit ganyan ang asal niya ngayon. Dati kapag lumalabas naman silang grupo ay makulit itong si Rene at isa pa ay napapansin din niyang 'di sila nag-uusap ni France simula kanina pa. 

Friends 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon