Kabanata 16

36 1 0
                                    

KABANATA 16

MAAGANG PUMUNTA SI FRANCE SA KANILANG UNIBERSIDAD, PAGPUNTA niya sa campus ay may kakaiba siyang pakiramdam sa mga taong nakapagilid sa kanya. Kakaiba ang kanilang tingin sa kanya at ang iba ay nagbubulungan pa. Iniisip niya kung ano kaya ang nangyayari sa mga taong nasa paligid niya. Nginingitian na lang niya ang mga ito habang siya ay naglalakad pero talagang nababagabag siya sa kakaibang kilos ng mga tao sa paligid niya. 

Tahimik siyang umupo sa bangko pagkatapos ay kinuha niya ang kanyang cellphone sa kanyang bag at pinagmasdan n'ya ang wallpaper ng kanyang cellphone. Larawan nilang dalawa ni Kaye ang ginamit niya bilang wallpaper maya-maya ay biglang tumunog ng tatlong beses ang kanyang cellphone. May natanggap s'yang isang mensahe at dalawang videos mula kay Cris. Una niyang binuksan ang mensahe ni Cris sa kanya.

Asan ka? Nsa OJT pko mag 

ingat ka sa skul nagklat ng 

tsimis ang bruhang c 

Daphine na mlandi ka dw dhl 

nila2ndi mo c Rene. My ibdncya 

cya un ung 2 videos na pnadla 

ko sau. Narecb mo na b? Pnasa 

lng skin 2 ng clasm8 ko. Ang 

sabi nya pnaklat ng bruha sa 

buong skul ang mga videos!

Nanlaki ang mga mata ni France at tumingin siya sa kanyang paligid. Nakita n'ya na pinagtitinginan siya ng mga estudyante biglang tinamaan s'ya ng nerbiyos. Binuksan n'ya ang dalawang videos na ipinasa sa kanya ni Cris. Ang unang video ay noong nasa parking area sila ni Rene at nakuhaan ng video ang paghawak nila ng kamay sa isa't isa at ang pangalawang video ay noong binigyan s'ya ni Rene ng paborito n'yang bulaklak at naganap 'yon sa mismong puwesto n'ya ngayon. 

"Hi, France!" 

Umalingawngaw ang boses na 'yon sa tainga ni France. Naisip niya na parang pamilyar na pamilyar ang boses na 'yon at hindi maganda ang kanyang pakiramdam. Nang inangat niya ang kanyang paningin mula sa screen ng kanyang cellphne ay nakita niya sina Daphine at Divine na nakangiti sa kanya. Kumulo ang dugo ni France, tumayo siya at agad n'yang nilapitan si Daphine. 

"Tsismosa ka talaga!" pasinghal na sabi ni France, "Talaga bang wala kayong magawa sa buhay ninyo kaya kami ang pinagdidiskitahan ninyo?!" sabay dinuro niya si Daphine. 

Natawa si Daphine sa inasal ni France, "O, bakit umuusok ang tainga't ilong mo? Bakit tagos ba?" sabay tumawa ng malakas, "Nagagalit ka sa'kin dahil totoo na malandi ka't nilalandi mo si Re---" 

Sinampal ni France si Daphine, nagulat si Divine. Sumama ang tingin ni Divine at sinampal naman niya si France. 

Ngumiti si Daphine, "Hindi ko akalaing marunong ka pa lang manampal. Ang alam ko kasi suntok ang alam mo." sabay tinaas ang kilay nito. 

"Bakit? Gusto mong makatikim ng suntok?!" nanggagalaiting wika ni France. 

Tumawa si Daphine, "Pasensiya na. Hindi ako pumapatol sa tomboy!" sabay tinulak si France. 

Muntikan nang mabuwal si France sa ginawa ni Daphine, mabuti na lang at nabalanse niya agad ang kanyang sarili. Nakita n'yang pinagtitinginan s'ya ng mga estudyanteng nakapaligid sa kanya. 

"Francheska, baka nakakalimutan mo na nandito tayo sa unibersidad." wika ni Divine habang nakataas pa ang kilay nito. 

"Ikaw rin baka magkita kayo ni Directress dahil wala pa naman din si Dean ngayon." nakangiting tuya ni Daphine. 

Friends 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon