Kabanata 8

42 1 0
                                    

KABANATA 8

NANG SUMAPIT ANG UMAGA AY NAGTUNGO SA ISANG PLAZA SI RENE, MAG-ISANG SIYANG nakaupo sa bangko. Nakakita siya ng isang grupo ng mga estudyante sa basketball court, nag-eensayo sila ng sayaw at musikang Hip-Hop ang sinasayaw nila. Naalala niya si France at ang kanilang sitwasyon dahil ilang linggo na silang 'di nakakapag-usap. Kakausapin lamang siya nito pagtungkol sa pag-aaral ang paksa ng usapan maliban dun ay hindi na siya pinapansin o iniimik ng dalaga. Hindi na siya nangahas na tumawag pa dahil mas gusto niyang magkausap sila ng harapan at hindi na rin niya sinubukan na puntahan ito sa bahay nila at baka pagtaguan lang siya. 

Maya-maya ay natanaw na niyang paparating si France, may dala itong bagpack, nakasuot ng puting T-shirt at pulang jogging pants. Nakasuot din siya ng dalawang itim na wrist band, nakasuot siya ng sumbrero na kulay itim. Hindi gaya ng dati tinatago niya ang kanyang mahabang buhok gamit ang sumbrero pero ngayon ay itinali na lamang niya ito. Nakasuot siya ng rubbershoes na puti at puting medyas. Napangiti si Rene, alam niyang magtuturo siya ng sayaw sa nakita niyang grupo ng estudyante na nag-eensayo dahil isa sa mga ito ay pinsan ni France. 

Hinahangaan niya si France sa galing nitong sumayaw. Kahit anong sayaw ay kaya niyang sayawin mula sa katutubong sayaw hanggang sa pinakamoderno o usong sayaw. Para talaga siyang propesyonal na mananayaw. Pagdating sa pagtuturo ng sayaw ay ibang klase ang pasensiya ni France sa mga tinuturuan niyang parehong kaliwa ang paa. Himala pa nga niyang nagagawa na magaling na mananayaw ang mga hindi marunong sumayaw. 

Ilang beses na rin nanalo ang grupo ni France sa mga patimpalak ng pagsasayaw sa unibersidad nila. Dahil ang galing niyang magturo kahit sa Cheer Dance siya pa rin ang nagtuturo. Simula nang siya ang nagtuturo laging nananalo ang unibersidad nila sa Cheering Competition laban sa ibang unibersidad. Kaya simula noon ang tawag na sa kanya ng mga tinuturuan niya at pati na rin ang mga estudyanteng mahilig sumayaw ay "Coach". 

Nang makita ni France si Rene ay halatang nasorpresa ito, tumayo si Rene at binigyan niya ito ng matamis na ngiti. 

"Anong ginagawa niya dito? Ang alam ko nasa trabaho siya ngayon ah." pagtataka ni France. 

Nang sinubukan ni France na lumihis ng daan ay pilit na hinabol siya ni Rene at nahawakan siya sa kanyang kaliwang braso. 

"Ba't 'di mo pagbigyan ang pag-ibig ko? Tapat naman ang puso ko sa'yo, France. Sana bigyan mo ako ng pagkakataon. Lahat ay gagawin ko para sa'yo. Patutunayan ko na mahal kitang totoo, France." wika ni Rene. 

Nagulat si France, hindi niya inaasahan na sasabihin nito ang mga salitang binitiwan ng binata. Alam niyang tapat ito sa kanya kahit sumasama ito kay Kaye. Kaibigan niya si Kaye, walang dapat magbago sa pakikitungo nito sa kanyang matalik na kaibigan. 

Huminga ng malalim si France at hinarap si Rene, "Sige, bibigyan kita ng pagkakataon." ang sagot ni France. 

Natuwa si Rene sa kanyang narinig parang walang pagsidlan ang tuwang nararamdaman niya, "Salamat, France." 

"Ligawan mo si Kaye..." 

Nagulat si Rene sa narinig, hindi siya makapaniwala sa hiling ng dalaga sa kanya, "L-Ligawan si Kaye? Ba-Bakit ko liligawan si Kaye? Bakit ko s'ya liligawan? France, ikaw ang liligawan ko." 

"Dahil mahal na mahal ka ni Kaye! Gusto kong mahalin mo si Kaye katulad ng pagmamahal mo sa'kin o higit pa." 

"A-Ano? Mahal ako ni Kaye?!" nakakunot-noong sabi ni Rene. 

"Oo. Hindi mo ba naririnig ang mga sinasabi ko?" 

"France, kapag ginawa ko ang gusto mo parang pinatay ko na rin ang pag-ibig ko sa'yo." ang tutol ni Rene. 

Friends 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon