Kabanata 10

56 1 0
                                    

KABANATA 10

NAKAHIGA SI RENE SA KANYANG PAPAG, MALALIM ANG INIISIP NIYA. Sa labas ay malakas ang bagyo kaya suspendido ang kanilang klase. Isang linggo din niyang dinadala ang sama ng loob sa mga pangyayari lalo na't tuluyang nawalan na sila ng komunikasyon ni France, kung mag-uusap man sila ay tungkol lang sa pag-aaral. Hindi naman ito nahahalata ni Kaye dahil halos ang atensyon nito ay nasa kanya na lang at nakita na rin niya kung gaano siya kamahal nito lalo na kapag nagkasakit siya. Konting ubo't sipon lang kung mag-alala ito ay parang ikamamatay na niya 'yon at madalas pa siyang makatanggap ng sermon 'pag nakakalimutan niyang uminom ng vitamins niya. Ngunit kahit anong gawin ni Kaye ay si France pa rin ang tinatawag ng kanyang puso. Bakit ba kailangan siyang magdusa? Hindi naman kasalanan ang magmahal para isiping parusa itong nangyayari sa kanya, sa kanilang dalawa ni France. 

"Siguro nga hanggang dito na lang tayo, France..." 

Naisip ni Rene kailangan na niyang magpatuloy sa buhay, halos sumusuko na ang kanyang mga mata sa kaluluha. Mas mabuti nga kung huwag pilitin pa baka lalo lang siyang masaktan.

Kinabukasan sa campus ng unibersidad ay mag-isang nakaupo si Kaye sa bangko at tinitignan niya ang mga larawan nila ni Rene sa cellphone niya. Hindi niya napansin na may umupo na pala sa tabi niya. 

"Hindi ko alam na marami pala tayong larawan sa cellphone mo..." 

Pagkalingon ni Kaye ay napangiti siya dahil si Rene pala ang nagsalita sa tabi niya, "Ay...nakita mo?" at namula ang mga pisngi. 

"Mas guwapo pala ako sa larawan kaysa sa personal." ang nakangiting sabi ni Rene. 

"Hindi, ah!" tutol ng dalaga, "Mas guwapo ka sa personal." sabay ngumiti kay Rene. 

Natawa si Rene, "Dahil d'yan, bibigyan kita ng isang kahong donut!" sabay naglabas siya ng isang kahon ng donut mula sa kanyang bag. 

"Wow, donut! Paborito ko yan." ang natutuwang sabi ng dalaga. 

Nang inabot ni Rene ang isang kahon ng donut ay masayang kinuha ito ni Kaye at tumitig sa binata. 

"Pero teka...bakit mo ako binilihan nito?" itinaas ni Kaye ang kanyang kilay, "Siguro hihingi ka ng pabor o kaya may atraso ka sa'kin, ano? Madalas, binibilihan mo lang ako ng dalawang donut. Kapag isang kahon naman para sa'ting magbarkada." 

Tumawa si Rene, "Hindi naman. Simbulo 'yan ng ihahayag ko sa'yo." 

Tumawa rin si Kaye, "At ano naman 'yang ihahayag mo?" 

Sa totoo lang ay may ideya na si Kaye sa gustong ipahayag ng binata ngunit gusto niyang makasiguro at gusto niyang marinig mula sa bibig ni Rene. Hindi pa man nagsasalita ang binata ay tumatalon na sa tuwa ang puso ni Kaye habang nakatitig sa binata. Samantala si Cris at France ay naglalakad patungo sa kinaroroonan nilang dalawa. Habang nagkukwentuhan sina France at Cris ay may nakasalubong silang dalawang lalaki 

"Hi, Coach!" ang nakangiting bati ng dalawang lalaki. 

"Hi, Troy! Hi, Boyet!" nakangiting tugon ni France. 

"Hi!" bati ni Cris habang kumakaway 

"Uy, kamusta kana Cris?!" ang sabi ni Troy sabay inakbayan si Cris. 

"Hello, Cris!" bati ni Boyet. 

"Grabe, mga guwapo talaga kayo!" sabay kumindat si Cris. 

"Ang landi mo ha!" sabay nilabas ni France ang kanyang dila saglit. 

"Grabe ka naman. Pumuri lang, eh!" sabay tumawa si Cris. 

Nagpaalam na sina Troy at Boyet samantala tumuloy na ang magkaibigan sa paglalakad patungo sa kinaroroonan nila Rene at Kaye. Nginitian ni Rene si Kaye samantalang abot tainga ang ngiti ni Kaye habang nakatitig kay Rene. 

Friends 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon