Kabanata 17

448 1 1
                                    

KABANATA 17

PUMASOK SA CAFETERIA SI FRANCE, UNANG NAKITA NIYA SI KAYE NA nakaupo sa harap ng isang mesa at ito'y naglalagay ng make-up. Naisip tuloy niya kung masama pa ba ang loob nito sa kanya. Gusto niyang si Kaye na lang ang lumapit sa kanya para sigurado siyang hindi na masama ang loob nito sa kanya pero wala siyang pagpipilian dahil gusto ni Cris na sabay silang apat na mananghalian. Nakita niyang mahaba ang pila sa kahera at nakita rin niyang nakapila sa dulo sina Cris at Rene. Nilingon niya ulit si Kaye at nakita niyang naglalagay ito ng eyeshadow sa kaliwang mata niya. Huminga siya ng malalim para makabuwelo at nilakasan ang loob sa paglapit sa kinaroroonan ng kanyang matalik na kaibigan. 

"H-Hi..." ang nakangiting bati ni France sabay umupo siya sa harap ni Kaye. 

Tumigil si Kaye sa kanyang ginagawa, "O, bakit ngayon ka lang? Kanina pa kami naghihintay sa'yo." 

"Nagpaphotocopy pa kasi ako ng notes. Natagalan ako dahil sa haba ng pila." paliwanag ni France. 

"Ganun ba? Si Cris na ang bibili ng pagkain mo." 

Tumango si France at bumalik naman sa paglalagay ng make-up si Kaye. Pinagmamasdan ni France si Kaye, iniisip niya kung itatanong kaya niya kung ayos na ba talaga sila. Napansin siya ni Kaye, nilingon siya at nakakunot ang noo nito. 

"O, bakit? Pangit ba ang make-up ko? Masyado ba makapal?" tanong nito. 

Natawa at umiling si France, "Kaye..." 

"O?" tumigil si Kaye sa paglalagay ng mascara. 

"Masama pa ba ang loob mo?" 

Ngumiti si Kaye at hinawakan ang kamay ni France, "Ayos na... Kalimutan na natin 'yon. Alam kong nagpapapansin lang sina Daphine." 

Natuwa si France sa narinig niya mula kay Kaye para siyang natanggalan ng isang malaking tinik sa kanyang dibdib. 

"Pero tanungin lang kita... May gusto ka ba talaga kay Rene?" 

Nagulat si France sa itinanong ni Kaye, ang tanong na iyon ay parang karayom na tumagos sa kaloob-looban niya. Nagbigay siya ng magandang ngiti, "Si Rene? Ang totoo niyan may paghanga ako sa kanya pero hanggang doon lang 'yon. Alam ko naman na mahal ka ni Rene." 

Napatango si Kaye, "Mabuti na 'yung malinaw." at ngumiti siya kay France, "Upo ka dito sa tabi ko. Lagyan kita ng make-up kasi parang ang putla mo." 

Napangiti si France, "Sige." sabay tumayo siya at umupo sa tabi ni Kaye. 

Humarap si France kay Kaye, nilagyan ni Kaye ng foundation ang mga pisngi nito at hindi nila namalayan na dumating na sina Rene at Cris. 

"Uy! Mukhang ayos na ang lahat, ah!" ang nakangiting sabi ni Rene habang bitbit ang tray na may laman na pagkain. 

"Ay! Tapos na ang drama!" ang nakangiting sabi naman ni Cris nang nilapag niya ang binili niyang mga pagkain sa mesa. "Mamaya na 'yang pagpapaganda at unahin muna ang tiyan." 

"Yes, Mama!" ang sabay na sinabi nina France at Kaye sabay tumawa pa. 

Nilapag ni Rene ang mga pagkain na binili niya sa lamesa at umupo, "Kainan na!"

At nagsimula na silang kumain ng tanghalian habang nagkukulitan sa isa't isa.

Nang sumapit ang hapon, sa campus ng unibersidad ay pinag-uusapan ng grupo nina France at Rene sa defense nila sa kanilang Thesis. Nakaupo sila sa bangko na may kasamang mahabang lamesa kung saan nakakalat ang mga gamit nila. Hindi makatuon si Rene sa kanyang ginagawa, alam niya na ang gustong makita ng kanyang mga mata ay France. Gusto niyang itong tabihan pero nakaupo siya sa gitna nina Thessa at Jema. Mabuti na lang at may pasok pa si Ralph kung hindi parang linta na naman ito kung makadikit kay France at baka hindi na niya mapigilan pa ang sarili niya. 

Friends 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon