Kabanata 12

42 1 0
                                    

KABANATA 12

SI FRANCE AY NASA KUWARTO NI KAYE, SABAY SILANG HUMIGA SA kama habang nagtatawanan. Masayang-masaya ang dalawa sa pagkukwentuhan. 

"Hay..." kumuha si Kaye ng unan at niyakap ito, "Ang sarap talaga ng pakiramdam kapag nililigawan ka ng taong mahal mo!" 

Pilit na ngumiti si France, "Ka-Kamusta naman?" 

"Hmmm..." tumingin si Kaye sa kisame, "Dalawang buwan na n'ya akong nililigawan. Sagutin ko na kaya siya?" sabay tumingin kay France, "Sa tingin mo?" 

Biglang bumangon si France sa kama, "Sira ka ba?! S-Sasagutin mo kaagad s'ya? 'Di ba usapan natin pahihirapan natin ang mga manliligaw mo?" 

"Bakit di pa ba pwede?" nagtatakang tanong ng kaibigan niya.

"Hindi!" ang sabi ni France sabay umiling ito. 

"Bakit pa? Mahal ko naman talaga s'ya. Kailangan ko pa bang magpakipot?" katwiran ni Kaye. 

"Beauty Queen ka sa unibersidad natin. Gusto mo bang tignan ka nila bilang mababang uri na babae?" 

Hindi na nga nakatutol pa si Kaye dahil may punto si France. Noong nanligaw si Rhyan sa kanya'y kalahating linggo lang ay sinagot na niya ito dahil baliw na baliw siya sa lalaking ito. Hindi lang naman s'ya nahiya kay Maria Clara sa sobrang kagaslawan n'ya. Pinag-usapan s'ya sa buong campus na s'yang pinag-awayan nilang magkaibigan. 

Tinaas ni Kaye ang dalawang kamay, "O sige na nga!" 

Tumitig si France kay Kaye, "Pangako!" 

"Pangako nga, eh!" ang sabi ni Kaye. 

Biglang hinila si Kaye si France pahiga sa kama at biglang nauntog ang kanilang ulo sa isa't isa sabay silang umaray ng malakas. 

Nakapikit ang isang mata ni Kaye, "Araay! Ang sakit, F1!" 

Hawak ang ulo ni France, "Matigas pala talaga ng ulo mo!" 

Nagtinginan ang dalawa sa isa't isa at sabay tumawa ng malakas. May kumatok sa pintuan at sila'y natigil sa pagtawa. 

"Senyorita, nasa pool na po ang miryenda ninyo!" sabi ni Ginoong Mayor na nasa likod ng pinto. 

Bumangon si Kaye, "Sige po!" ngumiti siya at tumingin kay France sabay tumawa siya. 

Nakahiga si France at sinabing, "Hindi ko gusto ang tawa mo!" 

"Anong gusto mong suotin two piece o one piece?" patuksong tanong ni Kaye. 

Sumimangot si France kumuha siya ng malaking unan at binato n'ya ito kay Kaye ngunit nasalo naman ito ni Kaye. 

Bumangon si France, "Wala! T-shirt at short lang." 

Inilagay ni Kaye ang unan sa upuan na katabi ng kama, "Aww... Sige na, magsuot kana ng swimsuit!" 

Dumila si France kay Kaye, "Ano ka hilo?!" 

Sumimangot si Kaye, "Hay Naku! Halika nga!" sabay hinila si France.

Nakasuot ng bathrobe ang magkaibigan nang pumunta sa indoor pool. Sa kaliwa ng pool ay mayroong lamesa at naroon ang pagkain nila. Nakahanda na ang isang pitsel ng orange juice, limang baso at limang plato ng homemade burger. Nakita nilang may lumalangoy sa pool, isang lalaki. Pag-ahon nito sa ilalim ng tubig ay nakilala nila ito, si Will pala at nakasuot ng trunks na kulay itim. Maganda pala ang katawan nito, payat ngunit macho at may abs pa. Kung nasa beach resort sila ay malamang na pinagkaguluhan na si Will ng mga babae. Kahit naman nakasuot ito ng damit ay talagang malakas ang dating nito sa mga babae pero hindi ito tumatalab kay France. Matagal na n'yang nararamdaman na may gusto ito sa kanya pero noon pa man ay kaibigan lang ang tingin n'ya dito. Nagpapasalamat s'ya nang malaman n'ya na hindi natuloy ang balak n'yang paglipat sa unibersidad nila dahil kung hindi ay siguradong kukulitin siya nito. 

Friends 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon