🌹Chapter 2🌹

3K 140 4
                                    

" Lalo ka atah ganda habang tagal ah " Pang bobola ng Intsik kong boss na nasa lagpas singkwenta na ang edad. naiinis man ay di ko magawang umalis ay lalo pa't malaki laki rin sya kung magpasahod bukod pa dun ang natatanggap kong bonus tuwing may espesyal na kaganapan

sya ang may ari ng restaurant na pinagtatrabahuhan ko, Culinary ang tinapos ko sa kolehiyo kaya pagiging Chef ang kinuha kong trabaho, wala man akong alam dati na Chinese food na lutuin pero mabilis ko naman yung natutunan hanggang sa  tumagal  at na master ko na pero hindi lang naman puro Chinese food ang isine-serve namin pwede ring magrequest ang customer ng kung paanong luto na gusto nito sa putahe

" Boss, baka pwedeng isama nyo ko dun sa raket nyong Cattering? " Pakikiusap ko, kasi naman di nya ako sinasama sa Cattering Services nya dahil daw mas okay na nasa loob lang ako ng resto nya magluto, kita ko agad ang di nya pagsang ayon, sa mga kislap  ng mata palang nya kaya naman kahit nadidiri akong gawin ay -

" Boss Lee. marami kasing utang ang Mamang ko sa sugal kaya naman dapat akong kumayod ng kumayod kaya naman sige na. payagan nyo na akong magkaroon ng Extrang kita " malambing kong sabi

malanding hinawakan nya ang braso ko saka hinaplos haplos na kinatayo ng balahibo ko sa buong katawan...


Bwisit!

Ang landi talaga ng intsik na toh!


" Bakit kasi ayaw mo pa tanggap offer ko? Kaya kita bigyan malaki kita. alam mo naman patay aking asawa gusto ko ikaw na- " agad ko akong naglagay ng malaking espasyo sa pagitan namin

" no thanks Boss. nga pala Boss Lee ito na yung para sa Table 3 " saka bigay sa order

anak ng tokwa't baboy gusto pang makaiskor ang Intsik na balot na toh ah! Kinikilabutan talaga ako. Di bale na hahanap nalang ako ng Raket mag isa


" Pero Isip mo yun ha! " pahabol pa ng Gurang na kinainis ko lalo


" Gag0 " bulong ko

Napa upo nalang ako sa tabi nang makapag break ako. seryoso ang problema ko sa mga utang ni Mamang sa Sugal. di naman na kasi simpleng saklaan nalang ang pinagsusugalan ni Mamang ... Casino na

Hayyyssstt ang hirap talagang mag alaga ng magulang. pero dahil mahal ko sya di ko naman kayang pigilan lalo na kapag nakikita ko na syang malungkot o umiiyak, Isa yun sa pinaka ayaw ko at kahinaan ko

naramdaman ko bigla ang pagtabi sakin ni Elena, kasamahan ko sa trabaho, isa syang waitress sa umaga pero sa gabi Isang PROSTI. pero kahit ganun sya masasabi kong mabait sya, kaya nga nasusuntok ko ang mga nambabastos sa kanya dahil sa trabaho nya na di naman nya kinakahiya

" Vince,  may baon akong salad gusto mo? " malambing nyang sabi sakin habang hinahaplos ang braso ko, Walang gana ko syang tinignan saka ngumiti

" Lalaki ako pero di isang Lesbiana " na kinabusangot nya

" hayyyy Vince, lagi mong sinasabi na Lalaki ka pero never kang pumatol sa isang Babae? " natawa nalang ako saka sya nginisian

" baliw, di tayo talo " na mas kinabusangot at kinahaba ng nguso nito

" Kung sa bagay sa ganda mo sayang ka kaya mas okay na maging babae kana lang " ani nito na tila ay nag iisip kaya naman di na ako nag aksaya ng oras at kinurot ang tagiliran nito

" Siraulo ka talaga ano! " na siyang kinahalakhak nya

" narinig ko ang usapan nyo ng gurang na intsik ah, mukang malaki nga ang problema mo pagdating sa pera ah " tumango lang ako saka pinatong ang Baba ko sa balikat nya

Ang Tigasin Kong Maria Clara ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon