🌹Chapter 6🌹

2.2K 96 2
                                    


Mamatay kelan? saan? at paano?

Di ko kailangan pang itanong kung bakit at sino dahil alam kung mamatay ako ng walang kabuluhang at sa kamay ng baliw na may rabbies na unggoy

Teka? pano pag nangyare yun? pano na si Mamang ko?

nasa kanya ang desisyon kung hanggang saan nalang ang buhay ko

" Vince okay ka lang ba? " napukaw ako nang marinig ko ang boses ni Elena



" o-oo naman! b-bakit naman ako di magiging okay para namang may taning este may mabigat akong problema well meron naman talaga at yun ay ang utang ni Mamang at di n-na bago y-yun diba? " tinitigan ako nito saka hinawakan ang kamay ko


" Kung okay ka lang edi sana alam mong di piniprito ang sandok  hindi isinasabit ang manok sa sabitan ng sandok " mahinahon nitong sabi na syang kinamilog ng mata ko



" s-sorry " paghingi ko ng paumanhin


" Vince okay kalang ba? ano bang nangyayare sayo ah? " nag aalalang tanong nito

anong nangyare sakin?

well naging saksi lang naman ako ng isang murder --- mali massacre pala at may taning na ang buhay ko

Hayy kung pwede ko lang yung sabihin


" Vince sumagot ka, okay kalang ba? " tumango ako at ngumiti ng pilit


" oo naman stress lang toh pero kaya ko naman "

Stress nga lang

Isang nakakatakot na Stress

At sabi ng stress na yun tatawagan nya ako tuwing kailangan nya ako sa di ko malamang paraan o dahilan


' Krrriiinngg '


Napatalon ako sa gulat saka napapikit ng mariin

Wag naman sana


" Vince yung phone mo " anang ni Elena

Oo alam ko pero pano kung si Unggoy ang tumatawag


" Vince? " nawiwierduhang sabi ni Elena kaya napalitan akong kunin ang phone ko sa bulsa at laking pasasalamat ko nang nakitang si Lucas yun ay agad ko itong sinagot


' he- '

' labas ka ' napakunot ang noo ko sa sinasabi nya

' at bakit naman... busy ako ' akmang papatayin ko nang-

' nandito ako sa labas ' natigilan ako ng ilang segundo saka wala sa sariling nabitawan ang hawak kong sandok saka dumaan sa likod

" Hi Babe " nakangiting sabi niya habang hawak parin cellphone at kumakaway


Anong ginagawa nito dito?

" Babe- " pinandilatan ko ito saka luminga linga

" anong ginagawa mo rito? mananagot ako sa intsik na yun kapag - " Inakbayan ako ng tukmol saka ngumiti ng maharot


" Di mo ba ako namiss? ilang araw din akong nawala " nakangising sabi nito saka ako may napagtanto

" ibig sabihin hindi mo alam ang nangyare sa kaibigan mong si Grem " nawala bigla ang ngiti nito at naging seryoso ang muka nito

" I know at inaalam ko kung sino ang may gawa nun " mabilis na tumambol ang dibdib ko sa kaba

Ang Tigasin Kong Maria Clara ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon