🌹 Chapter 27 🌹

1.4K 70 0
                                    


Tulad ng inaasahan ay dito nga ang uwi ko pero may isang bagay akong di inasahan

Ang kasal nina mamang na natuloy kahit pa labis ang tutol ko at di na ko magtataka kung sa susunod na araw o kahit ngayon Estrella na ang nakalagay sa  birth certificate ko pero tulad ng pinangako ko sa sarili ko haharapin ko na ito at hindi na muling tatalikuran

" bakit ba nandito na naman kayo Mang gabi na, hahanapin na naman kayo ng gurang na iyon " konyareng inis na turan ko rito pero imbes na sumagot ay kinurot lang naman ang pisngi ko ng sobrang diin na siyang lihim kong mura

" Mang!  pagaling palang ito tapos nakuha nyo pa akong maltratuhin " pagmamaktol ko pero imbes na bitiwan ay mas lalo pa nitong diniin ang pagpisil na siyang kinadaing ko

" peste kang bata ka! Alam mo ba kung sino sinong santo ang tinawag ko ah! at dahil sayo nadagdagan pa ang stress ko kaya halos maubos ko ang pera ng gurang na yun at isa pa ngayon ko lang nagawa toh dahil pagaling na yan kaya bibigyan kita ng bago nang matuto ka  " natatawa kong iniimagine ang kakulitan niya habang wala ako at mukang si gurang ang sumalo ng stress na dati rating dala dala ko sa kasutilan ni mamang

" Vivian " dinig na dinig ko ang kaseryosohan sa tono ng pananalita nito

" bakit mang aalis na kayo? " natatawang tanong ko habang hinihimas himas ang pisngi na nabugbog na naman

" Kamusta na kaya si Lucas " nawala ang ngiti sa labi sa nadinig sak naalala na higit sa isang linggo na pala ang nakalipas mula nang makita ko sina lucas at makadalaw sa kanya  at di na ko nagtataka na kung bakit

" masamang damo yun kaya sigurado akong magaling na yun " kibit balikat kong turan

" ang batang yun talagang halos kulang na sa tulog sa kakahanap sayo kasama ng dalawang tukmol  mahanap ka lang" napa iwas ako ng tingin sa tinuran nito pero alam kong mas mabuti natoh kesa madamay na naman sila sa gulo ko

" Mang di na dapat pang pinag uusapan ang mga taong di na magiging parte ng buhay ko " malamig kong ani, kita ko ang gulat sa muka nito

" Vivian! akala ko ba mahalaga sila sayo at sila ang sumagip ng buhay mo - "

" trabaho nila na gawin yun kaya wala akong utang na loob sa kanila " halata ko sa kanya na hindi niya nagustuhan ang lahat ng lumalabas sa bibig ko, kahit din naman ako hindi ko gusto pero mas mapapadali kung ganito

" Hindi ko nagugustuhan ang lumalabas sa bibig mo Vivian " diretso ko itong tinignan sa mata at pinanatili ang malamig na tingin para maitago ang totoo kong nararamdaman

" Mang baka hinahanap na kayo ni tanda " pag iiba ko ng usapan

" anak, napapansin ko na ang pag iiba mo simula nang sumasama ka sa gurang na yun sa trabaho niya at hindi ko nagugustuhan ang pagbabagong yan " strikto niyang turan

maging ako Mang...

maging AKO...

Ilang araw palang ay ramdam ko na ang bigat ng responsibilidad ng trabahong gustong iatang sakin at isa pa hindi ako sanay na dumalo sa iba't ibang sosyalan at makisama o mas magandang sabihin makipag PLASTIKAN




***



" I finally meet the precious gem of Estrella " swabeng ani ng isang lalaki na basta nalang nanghila para daw sumayaw na di ko matanggihan dahil daw anak ng isa sa mga kaibigan KUNO ni tanda

At di nakaligtas sakin ang pasimpleng hipo nito lalo pa't manipis na saplot ang binigay ni Alice para daw isuot at dahil sa kailangan kong magpakabait ay nagawa kong ngitian ng peke ang tukmol na siyang kinalawak ng ngiti nito

Ang Tigasin Kong Maria Clara ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon