🌹Chapter 3🌹

2.7K 104 2
                                    


" Umamin nga kayo Mang! Akala ko ba sugal lang kayo adik, wag nyong sabihing?! Mang naman! kala ko ba ayaw mo sa ganun? pinagkamalan mo pangang User at pusher sina Pekto tapos kayo pa ang- Awww! " daing ko nang batukan nya ko

Matapos ng mahabang usapan nina Mamang at nung lalaki kanina Umalis na din sila. di ko man narinig ang pinag uusapan nila pero naiinis parin ako dahil iniwan nyang umiiyak si Mamang nung umalis sya tapos ang lakas pa ng loob nyang titigan ako sa mata!

Pepektusan ko talaga yun pag naglakas pa ng loob na bumalik!

Poknat nya lang ang walang latay sakin!

well kahit na di pa sya nakakalbo? pang aalaska ng pesteng utak ko

" Tigilan mo ko VIVIAN TEAR VELASCO! " ani nya saka dumiretso sa kwarto at saka kami nagkatinginan nina Lucas,saka naman nagsimulang magdada si pekto

" sino ba kasi ang mga taong yun? May mga baril sila! Umamin ka nga samin Pards? May koneksyon kayo sa mga teroris- " bago nya pa matuloy ang sasabihin nya ay Pinatahimik ko na sya

" Ang aga matulog ni Pekto ahhh hahaha " dagdag pang pang aalaska ni Martin na kinatalim ng tingin ko rito

" Chill lang Pards, maaga pa ayoko ko pang magbeauty sleep tulad ni Pekto "

hayyy wala na talaga akong makukuhang matitinong sagot sa mga toh

" may malaking tyansa na isa sya sa mga pinagkakautangan ni Tita " napalingon ako kay Lucas

May Point sya...

hayy salamat buti nalang may matino pang natitira, pero kung tama sya mas malala na nga ang lahat dahil kung isa nga yun sa pinagkakautangan ni Mamang pano kung sumugod silang lahat dito?

sa nakita ko kanina mukang di iyon ang magiging huling pagpunta nila rito


" kailangan kong makahanap ng Paraan. Kailangan kong mabayaran ang - " napahinto ako nang may tumapik sa balikat ko

" I can help you " walang pag aalinlangang sabi nya na mas kinakonsensya ko. marami na nga kaming utang sa Anti nya pati nga sa kanya may mga utang pa ako kaya hindi pwedeng dagdagan ko pa ang atraso ko sa tukmol natoh, may hiya at pride pa naman ako kahit papano

" hindi na " halata sa kanya ang di pag sang ayon sa sinabi ko


" Vivian alam mo namang- "

" Sinabing ayoko sa pangalan na yan! " inis kong sabi, na kinailing at kinabuntong hininga nya nalang na para bang iniintindi nalang ang desisyon ko

" okay... basta if you change your mind. don't hesitate to call me. im always here for you " na kinangiti at kinatango ko

" I know... I know. Lucas "

" sweet! kainggit naman " Matinis na sabat ni Martin at Pekto


Mga baliw talaga...




*
*
*
*
*
*
*


" INGAT KA DAAN AH! BAKA BAWAS MAGANDA MUNDO PAG IKAW - " kinawayan ko nalang si Boss saka naglakad pauwi ng gaya ng lagi kong ginagawa. halos di pa ako nakakalayo ay may narinig na akong pamilyar na boses ng babae

" SINABING AYOKO EH! " di ako pwedeng magkamali at nakita ko nga si Elena na hinaharas ng dalawang lalaki

" PWEDE BA! STOP BEING HARD TO GET! KILALA KA NAMIN AT ILANG BESES KANA RIN NAMING NATIKMAN KAYA SIGURO NAMAN NAG ENJOY KA DIN KAYA SUMAMA KANA LANG! " walang tao sa paligid at halos walang makakapansin sa kanila dahil nasa isang madilim na eskinita sila

Ang Tigasin Kong Maria Clara ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon