🌹 Chapter 35 🌹

1.3K 66 0
                                    

" I already told you di ka pwedeng sumama "

" Im Lady's assistant and secretary, I must always with her all the time! "

nakakakuliling man sa tenga ay hinayaan ko nalang silang mag usap o mas tamang sabihing mag bangayan tungkol sa mga bagay bagay

Papunta kami sa bahay, at ang ibig kong sabihin dun ay sa totoo kong bahay, pinakiusapan ko si G na pumunta muna sa bahay dahil gusto kong makita si mamang

At mula pa sa opisina hanggang sa byahe ay walang tigil na sa bangayan ang dalawang ito

" sandali " parehong natigilan ang dalawa, tanaw ko na ang gate ng bahay mula dito

" Mistress/ Lady! " mabilis akong lumabas at hindi pa ako nakakalapit ay may sumalubong na saking tauhan ni Tanda

" Lady, welcome back " pormal na bati ng mga ito saka yumuko ng bahagya, dahil sa pagmamadali ay hindi ko sila nagbigyan pa ng pansin at pumasok na ng tuluyan

" Welcome Back Lady " pare parehong bati ng mga kasambahay at tauhan sa mansyon

" si mamang? " tanong ko sa mga ito at akma sana silang sasagot nang may maunang hudyo ang nanguna

" What are you doing here " inis ko itong hinarap at pigil singhal na sumagot

" hindi ikaw ang pinunta ko rito tanda at nasan si Mamang? gusto ko-- "

" you should always with your husband, you must be the best and responsible wife for him at dapat ka ng umuwi, wag mong ipapahiya ang pangalan ng pamilya... Vivian " seryosons turan nito na siyang kinasimot ng pasensya ko

Pamilya?

Ang lakas ng loob niya para sabihin ang salitang yun, samantalang pinahamak niya ang sariling anak para sa pangangalaga ng mahal niyang pangalan, sasagutin ko sana ito nang madinig ko ang pamilyar na boses na tumawag sakin

" VIVIAN! " patakbo itong bumaba at mahigpit akong niyakap, ganitong ganito ang aasahan sa totoong taong totoong nagmamahal sayo

" mang -- " inihiwalay ako nito saka sinipat mula ulo hanggang paa

" anak, may ginawa ba sayong masama ang taong yun ha? " hindi ako magaling magsinungaling pag kaharap o kausap si mamang, kaya imbes na sumagot ay pinili kong manahimik nalang at niyakap siya ng mahigpit

" miss na kita mang " pabulong kong ani rito

Alam kong isang araw palang pero tuwing kasama ko ang unggoy na yun at pakiramdam ko isang taon na ang tinatyaga ko sa piling ng hayup na yun

" hindi kana Aalis dito, kakausapin ko ang mga gurang na yun "

" MERCEDES hindi ka pwedeng mangialam! " saway ni Tanda na siyang parehong kinasalubong ng kilay ni mamang

" anong sinasabi mong Gurang ka ah! hahayaan mo ang anak natin sa puder ng taong yun! " galit na bulyaw niya rito pero agad ding sumagot si Tanda

" alam mo ang batas, buhay ang kapalit sa pagsuway " diretso at malamig na turan ni Tanda na siyang kinawala na parang bula ang natitirang pag asa na meron ako

Umiiyak na umiling si Mamang " kasalanan mo to! kung hindi mo sana kami dinala sa buhay mo ay hindi mapapahamak ng ganito ang anak ko! " pilit ko mang magpakatatag ay nabuwag din ang depensa at pagpapanggap ko, hindi ko kayang makitang ganito si mamang, mas gusto ko pa siyang makitang galit at syempre masaya kesa makita siyang malungkot at walang magawa gaya ko

" wala na tayong magagawa " walang gana kong tinapunan ng pansin si Tanda

" kahit kelan talaga hindi mo kayang maging ama sakin, siguro kaya mo kami hinanap para may mapasahan ka ng paghihirap mo diba? " di ko alam kung paano niya pa nakukuhang tignan ako sa mata sa lahat ng nagawa niya

Ang Tigasin Kong Maria Clara ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon