🌹Chapter 19🌹

1.6K 74 1
                                    

" So Ganun nga, pagkatapos kong magperform sumunod si Violet pero dahil di naman sya ganun kaganda at kagaling gaya ko ay mas napili parin ako as a Star of the Night " pagtatapos nito sa kwento nito habang sabay kaming nag aalmusal

" ganun ba, muka ngang naging masaya nga ang gabi mo " ngiting ngiti itong tumango habang patuloy sa pagkain na niluto nya, balak ko sanang ako na mismo ang nagluto pero nagulat ako nang mas maaga pa sya nagising sakin

" Ahh Elena, kasi napag isip isipan ko na magtrabaho dahil ayokong- " natigilan ako nang marinig ko ang pagkabasag ng kung ano at nakita ko ang basong hawak nya na ngayon ay nasa sahig at pira piraso

Nag aalala kong tingnan kong natalsikan iro ng bubog at laking pasasalamat ko na di naman sya nasaktan " b-bakit? " nauutal na tanong nito na para ring wala sa sarili

" ano bang sinabi mo diyan " natatawang sabi ko habang nililinis ang pira piraso ng bubog sa paanan nya

" bakit kailangan mo pang umalis na naman! ayaw mo na ba dito? boring ba akong kasama? hindi ba ako masarap magluto? " nafafrustrate nitong sunod sunod na tanong

" Elena hindi naman sa ganun "

" EH ANO! BAKIT MO PA KAILANGANG  UMALIS! " nagulat ako sa biglang pagtaas ng boses nito at mukang napansin din nya yun

" s-sorry Vince k-kasi b-bakit kailangan mo pa nun wag ka ng lumabas para magtrabaho dito kana lang " mahinahon at nakangiti na nitong saad

Di ko alam pero, nawiwierduhan na ko sa kilos nya, maninigaw at ngingiti?

" Elena di naman ako aalis " mahinahon kong sagot na halatang kinahinga nito ng maluwag

" kasi ayoko ko lang maging pabigat sayo, gusto kahit papano nakakatulong naman ako sayo lalo na sa gastusin " tinignan ako nito ng ilang segundo saka tumango tango

" pano mo gagawin yun, eh hinahanap ka nga nina Lucas diba? " di ko alam kung ako lang ba o parang binanggit nya ang pangalan ni Lucas na para bang namumuhi sya rito

Ano bang nangyayari kay Elena?

Oo tama baka epekto ng labis na pagod at puyat

" yun na nga, kaya naman gusto kong magtrabaho sa isang lugar na alam kong di nila ako masusundan " huminga ito ng malalim saka may tinawagan

" Oo, ganun ba, mabuti, sige " dinig kong sagot nito saka dumako na pabalik ang tingin sakin at bumalik ang matamis na ngiti nito

" may alam ako na trabaho para sayo at wag kang mag alala sigurado akong magiging lihim din ang pagtatrabaho mo dun " excited na turan nito

Mabilis pero ang tanong ano naman kayang trabaho ang tinutukoy nya

" ano naman kayang trabaho naman yun? sigurado kaba na pasado ako dyan baka mapahiya lang kita " umiling iling ito

" alam kong magiging magaling ka sa trabahong ito " tiwalang tiwala na saad nito

" ano naman ang gagawin ko dun? " ngumisi ito na tila ay tuwang tuwa sa naiisip

" wala kang dapat gawin kundi mambugbog ng mga pasaway at alam kong magaling ka roon " napahinto ako sa sinabi nya

.Siguro dati tiwala ako na makapagpatumba ng kahit sinong loko pero napatunayan ko ng di ako ganun kalakas at kagaling para sa lahat

nagsimula yun nang makaharap ko ang isang nilalang na masasabi kong pinaka malakas na tao- este hayup na nakilala ko

Si Unggoy

" Vince? " natigil ako sa pag iisip nang mapukaw ako sa tawag sakin ni Elena

" a-ahh ano ba yung trabaho na yun? " curious na tanong ko

Ang Tigasin Kong Maria Clara ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon