🌹 Chapter 38 🌹

1.2K 57 0
                                    


" Ms. Estrella-- "
" It's Former Ms. Estrella, she's now Mrs. Spadien " mabilis na pagtatama ni G sa tinawag sakin ng isa sa kliyente kong si Mr. Cortez at dahil sa natural dito ang pagiging mapride nh matanda at hindi tumatanggap ng kahit maliit na pagkakamali ay ---

" I don't think this man has a right to get into our meeting, get this cheap guard of yours out of this room Ms. ESTRELLA " lihim kong kinatuwa ang pagpupumilit nito at nang di gumalaw sa kinatatayuan niya si G ay ako ang binalingan ko na kinailing ko nalang, saka tinignan ng makahulugan si G
Yumuko ito ng bahagya at umalis

" sorry for that Mr. Cortez " magalang at pormal kong ani na kinairap lang nito at kinatikhim ng ilang miyembro ng board at ilang kliyente hanggang sa makita kong bumaba ang tingin ng matanda sa kanang kamay ko na nakaangat sa table at kitang kita ko ang paninigkit ng mga mata nito nang makita ang isang singsing
di ko tuloy makalimutan ang itsura ko nang magising ako kanina na suot na ang singsing na ito at hindi na ko nagtanong kung sino ang naglagay nito dahil sigurado akong si Unggoy ang may pakana, nakakatawa dahil nauna ang kasal bago ang singsing pero wala naman sakin yun lalo pa't di naman ganun kahalaga sakin ang bagay na hanggang ngayon ay hindi ko kayang tanggapin

" So it is true, that you're already married " nakangiting usyoso ni Ms. Carpio hanggang sa nagsunod sunod na ang usyoso ng iilan na sinagot ko lang ng ngiting aso
" who's the lucky man " tila nang aasar na turan ng isa sa myembro ng board

Hindi ako sanay na makipag usap tungkol sa bagay na ito kaya laking tuwa ko ng umextra ang tandang Cortez  " Ladies and gentlemen can we just proceed and get back to our meeting " pormal na turan nito na kinabuntong hininga ko nang lahat ay mag sinang ayon
Inabot din ng oras ang papepresent ng latest list and progression of sales and production at iba't iba pang bagay na tungkol sa negosyo tulad nang pinropose ni Mr. Cortez na project tungkol sa exposing convention na gusto niya for our latest mark brand vehicles na bagong disenyo ng kompanya na sinang ayunan ko naman lalo pa't malaking tulong ang pag eexpose ng mga bagong labas na sasakyan sa publiko para mas makilala at maibenta pero ang pinoproblema ko lang ay isasagawa ito sa kilalang vacation spot sa Pampanga dala narin ng suggestion ng iba pang miyembro

" You need to be there, Im really expecting ... You " ngiting aso lang ang naisagot ko kay Mr. Cortez nang lapitan ako nito matapos ang meeting saka nilipat muli ang pansin sa suot kong singsing
" Who is he " bigla nitong tanong

" u-mm "
" What kind man is he? Ms. Vivian, I've been always inviting you to visit our house right? pero kahit kelan hindi mo pinaunlakan ang paanyaya naming mag asawa " naiiling ko itong pinagmasdan dahil alam kong kaya ako patuloy na kinukulit dahil gusto ako nito para sa nag iisa nitong anak na lalaki, nakilala ko na ang anak niya at sa totoo lang yun ang nakasayaw ko nung gabing dalawin ako ni Boggy monkey
Siya ang kasayaw ko nun bago ako agawin ni unggoy para isayaw at syempre ... Sirain ang gabi kong yun

" Mr. Cortez tulad ng nadinig niyo kanina, I am already married so--- "

" Who is he? tell me mas mayaman ba? we can fix this, I have so many connections pwede nating pabilisin ang proseso ng annulment papers " hindi makapaniwala ko itong tinignan, nakakatawa, oras na malaman niya ang totoong dahilan ng pagpapakasal ko, magawa pa kaya nitong sabihin sakin ang mga salitang lumalabas sa bibig nito?

" sorry, I still have so many things to do in office Mr. Cortez " akmang magsasalita pa ito nang mabilis na akong lumabas pero hindi ko pa naman tuluyang nabubuksan ang pinto ay naunahan na ko ni G

" Salamat " tumango ito saka kami dumiretso sa opisina para balikan ang ilang trabaho at syempre ang ilang kaso na dapat kong ireview at pag aralan

Naiiling kong binabasa ang kasalukuyang kaso na pinahawak sakin
Isa na namang tao sa gobyerno ...

" Lady, sorry for the disturbance but you have a call from the Boss " buntong hininga kong binitiwan ang ilang papeles at kinuha ang iniabot niyang phone

Ang Tigasin Kong Maria Clara ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon