" kumain ka ng kumain para bumalik ang lakas mo " nakangiting utos ni mamang na magana ko namang sinunod nang may maalala
" sinong nagligtas sakin sa pagsabog? " usyoso ko na agad namang sinagot ni Pekto
" sino pa edi si Lucas, galing niya noh? alam mo pards malaki laki na talaga ang utang mo sa kanya sa pera at panibagong buhay, sa totoo lang " wala akong nasagot pabalik totoo naman ang sinabi ni Pekto
" kung inaalala mo naman yung mga tao dun eh --- " naagaw agad ni Martin ang pansin ko sinasabi nito
" wala namang namatay maliban nalang sa iba na malubha ang kalagayan pero base sa nadinig ko eh, ligtas naman na lahat " kuyom kamao kong tinatak sa ulo ko ang itsura ng governor na yun, paniguradong siya ang may kagagawan ng pagsabog na nangyare
" hahanapin ko ang siraulong yun at pagbabayarin " ngitngit ko nang maramdaman ko ang paghawak ng kamay ko ng kung sino
" mang-- "
" Vivian, wala ka ng oras para gawin iyan isa pa, sa susunod na linggo ay aalis na tayo ng bansa " napa iwas ako ng tingin sa kanya dahil iba ang sinasabi ng ngiti niya sa kislap ng mga mata niya
Mahal niya si Tanda kaya hirap parin siyang tuluyang iwan ito, hinding hindi kayang itago yun ng lungkot sa mga mata ni mamang pero tulad ko alam ko na iniisip niya na ito nga siguro ang mas nakakabuti para sa lahat
" pwede bang magtanong kung nasan tayo? " si Martin na ang sumagot sa pagkakataong ito
" nasa Isla tayo ng pagmamay ari ng pamilya ni Lucas at nasa Cabin nila tayo " napabuntong hininga ako dahil hindi ko lubos maisip na mas malaki pala ang tinatago ni Lucas sa pagkatao niya
Hindi biro ang magkaroon ng isang sariling Isla at hindi din biro ang laki ng kailangan para dun, kaya ba nakayang ilayo kami ni Lucas sa dalawa pero kung ganun nga ay ang tanong na gumugulo sakin ay kung ano bang talagang klaseng tao si Lucas bago ko pa siya makilala bilang pamangkin ni aling bebang at anak ng mga OFW sa ibang bansa
Tila ay nabasa nina pekto ang nasa isip ko kaya sila sumagot " kung gusto mo malaman dapat sa kanya mo mismo itanong " saad ni pekto na lihim kong kinasang ayon
Tama siya, siguro naman ay sa pagkakataong ito ay sasagutin na ni Lucas ang mga katanungan ko
Lumipas ang isang araw hanggang naging dalawa, tatlo, apat at hanggang naging isang linggo ay tuluyan na rin akong unti unting nakarecover at nakakatayo pero kahit halos malibot ko na ang buong isla ay hindi parin nagpapakita si Lucas mula ng umalis ito kahit na anino nito ay wala
" Vince " hindi ko nilingon si Pekto pero alam kong nasa likod ko siya dahil kasabayan namin siya ni Martin na lumalangoy ng ganitong oras sa dagat kaya ang maputi kong balat ay medyo nagkulay ginto na, kahit ilang beses ako nasaway ni mamang ay hindi ako nagpa awat na lumangoy na namiss ko dahil siguro, pakiramdam ko naging malaya ulit ako pero kahit anong saya na nararanasan ko, hindi mawala sa isip ko ang maikling panahon na nakasama ko ang matagal ko ng kinamumuhian
Dati pa naman ayoko na sa kanya dahil madilim nitong awra at mabagsik nitong pag uugali pero iba ang nakasama kong unggoy dahil para bang nakasanayan ko na ng hindi ko napapansin ang mabigay nitong presensya at ang matulog at magising itong nakayakap sakin ng mahigpit na para bang pwedeng kahit anong oras ay mawala ako sa kanya
" Vince " si Martin naman ang nadinig ko sa pagkakataong ito
" alam niyo bang nadalaw ko si Intsik " pag iiba ko ng usapan pero nanatili ang taimtim na titig ng mga ito
" namimiss mo siya? " biglang tanong ni Pekto na kinakunot ng noo ko
" sino " patay malisyang tanong ko habang sa dagat parin nakatoon ang pansin, binundol nito ng mahina ang braso ko saka tumawa
" Siguro may bago ng pinalit yun sayo " natigilan ako sa sinabi nito at dinagdagan pa ng isa
" panigurado sa mga oras natoh nagpapakasaya yun sa kandungan ng iba " biglang bumaon ang mga daliri ko sa buhanginan
" ano bang sinasabi niyo--- "
" sa ganda ba namang lalaki nun kahit mala halimaw magalit eh, hindi lang isa o dalawa ang papayag na makama ng isang tulad niya " walang malisyang sabi ni pekto na sinang ayunan ni Martin
" tama ka, di siya manghihinayang lalo pat masarap maging binata at malaya bilang-- " kusa akong tumayo at mukang alam na nila ang binabalak ko kaya mas mabilis pa a alas kwatro itong nagsitakbuhan
" mga gag* kayo bumalik kayo rito! " singhal ko sa mga tukmol pero sinagot lang ako ng mga halakhakan ng mga singaw
" kung ganun, nainlab na ang pusong mamon ng tigasin ng tondo? " chismosong tanong ni Pekto na mabilis kong nahabol at sinubsob ang muka sa buhangin
" kung ganun bakit hindi mo balikan " napalingon ako kay Martin kaya napahinto ako sa ginagawa ko kay pekto habang hawak ko parin sa kanang kamay ko ang ulo nito
"Hmmmmm! " kusang napabitaw ako sa pagkakasabunot ko sa isa na naghahabol ng hininga
" P*ta sama ng lasa ng buhangin dito " dinig kong reklamo kay Pekto pero kay Martin parin nakatuon ang atensyon ko" dahil ito ang nararapat " simpleng sagot ko at aalis sana nang muli itong magsalita
" hindi dahil nagsimula sa maling paraan ay kailangan ng magtapos, kadalasan pag nagkakamali imbes na iwanan eh,mas tamang itama at harapin ang kung ano ang naging mali ng isang bagay " makahulugan nitong sabi saka ko nadinig ang pang aalaska ni Pekto
" Hanep Martin, Concusshion ikaw ba yan? " natatawang asar ni Pekto na tinama ng Isa
" Ul*l Confucius hindi concusshion! "
" Nagmarunong kapa, salacious, shoes, delicious iisa lang yun! " banat ni Pekto saka naghabulan ang dalawa na parang bata
Pwede nga kaya?
Akmang tatawagin ko sina Pekto nang may humablot ng bewang ko
" Gotcha "
BINABASA MO ANG
Ang Tigasin Kong Maria Clara ( COMPLETED )
FanfictionBihira na nalang sa panahon ngayon ang mga Maria Clara pero kahit kelan di sila nawawala Yup, may iba't ibang klase ng mga Maria Clara na nabubuhay sa henerasyon ngayon Una, ang Original Version na may mahinhin at may pagkakonserbatibong manamit na...