🌹Chapter 14🌹

1.8K 98 0
                                    

" Too weak "

" Weak "

" it's that all you've got "


" come on Pet! learn to bite I mean fight "

Di ko alam kung ilang minuto o oras nya na akong iniinsulto dahil talagang di ko sya magawang matamaan

Kung kanina ay tuwang tuwa ako ng bigyan nya ko ng instructions at yun ay suntukin sya pero hindi pala ganun yun kadali dahil parang napakadali para sa kanya umiwas sa bawat atake ko na talagang inaamin kong nakakainis pero nakakamangha

Pinagising ako ng unggoy natoh ng napaka aga dahil daw mag eehersisyo daw itong siya at talagang kailangan kasama ako?

Anong tingin nya sya si Pacquiao at ako ang alagang aso na bubuntot sa  kanya habang nag eexercise?

Nakakaasar, kahit sarili ko nagagawa ko ng insultuhin dahil hindi pumapaltos ang laging panliliit at pang iinsulto nito kapag magkikita kami

At heto kami ngayon, Ako naliligo na sa pawis at sya na halos parang di naman pinawisan

Bwisit!

" p-pwede bang m-mag break muna? " hinihingal na ani ko at laking pasasalamat ko nang pumayag ito saka ako napahiga sa sahig sa pagod

" get up, malamig ang sahig " biglang sabi nito at nang di ako makinig ay ito na mismo ang nagtayo sakin

Wait? concern ba ang unggoy natoh?

" and your way too dirty for my floor mat" dagdag nito na syang kina ikot ng mata ko

Sabi ko nga, Bakit ko ba naisip na magkakaroon ito ng bagay na tinatawag na ' Konsensya '

" you know what, your useless "

Kung dati naiinis ako sa tuwing iinsultuhin nya ko, ngayon medyo- Medyo nasasanay na ang tenga at puso ko sa matalim na tabas ng dila nito

Dahil pinapakalma ko pa ang katawan ko ay di na ko nakasagot pa, well sino ba niloko ko kahit naman na gustuhin ko pa di ako makakasagot sa unggoy na kaharap lalo pa't napatunayan kong di ko sya kaya

At dahil dun mas napatunayan kong di talaga sya tao !

Unggoy sya na hybrid dahil di pangtao ang bilis nya

" I thought you could make me sweat but you can't even give me a warm-up that I need " sikmat nito na lihim kong kinairap

Edi Wow ...

Basa na ng pawis ang T- shirt na suot ko, mabuti nga at Sweat pants at T-shirt na ang binigay nila sakin kanina dahil nakakahiya naman dun sa bestida kung pang eexercise ko yun

" G " tawag nito at saka parang kabute na sumulpot ang isang lalaki na pamilyar sakin, siguro dahil kasama sya sa pag abduct sakin pero di sya kasama sa mga unggoy na humabol sakin nung una kong naingkwentro si Unggoy

" Yes Boss " pormal na sagot nito

tulad ni Unggoy ay naka sweat shirt din ito kaya bakat na bakat ang mga muscles nito sa dibdib at masasabi kong pareho sila ni Lucas na parang pang gym ang katawan pero si Unggoy

Mas kita ko ang pagka flex ng bawat muscles nito lalo na sa tiyan at mga ugat nito na bumabakat sa malaki nitong braso

Pwede na silang mag endorso ng Brief sa kanto, saka ko inimagine ang mga itsura nila na yun lang ang suot at rumarampa sa ukay ukay ni Aling Tinay

Ang Tigasin Kong Maria Clara ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon