🌹 Chapter 30 🌹

1.4K 75 0
                                    


VIVIAN

Parang tulad lang ng dati, kung pwede nga lang na ganito nalang palagi

Naalala ko na dahil madalas kaming mapaaway at palaging dito napapahinto para magpahinga kahit na di kaaya aya ang nakikita at naamoy ay iba parin ang dating lugar natoh saming magkakaibigan

" Matagal tagal nadin diba? " napabaling akp kay Lucas na nakangiti at may hawak na

Teka Balot ba yan?

" p-para sakin yan? " natatakam kong tanong na mabilis nitong tango kaya hindi na ko nagpa tumpik tumpik pa ay inumpisahang lantakan

Busy ako sa pagkain nang mamalayan  na kami nalang pala ni Lucas ang nandito

Nasan naba ang dalawang yun?
" masaya kaba? " rinig kong biglang tanong nito

Nilingon ko siya at nakita kong sa malayo parin ang tingin niya
" ano bang sinasabi mo, syempre Oo, kasama ko si Mamang " ani ko saka saglit na napahinto at napangiti

" kahit pa  na ang  masyadong nakakainis ang gurang na yun ay gusto ko rin ang nangyareng nagkakilala kami " nanigas ako nang biglang may kung sinong gumulo ng buhok ko na madalas kong dating kinaiinisan pero ngayon kahit papano palalagpasin ko ito nang may mapagtanto

" Teka! kumain ka rin diba! pasimple punas kang dugyot ka! " paparusahan ko sana ito pero mukang mabilis niyang nahulaan ang kahahantungan niya kaya bago ko pa siya mahawakan ay nakatakbo na siya

" Lucas bumalik ka rito! " mabilis itong umiling at nang aasar na ngumisi

Hinihingal akong napahinto at namalayan ko nalang na nasa harap ko ito at sasamantalahin ko sana ang pagkakataon nang magsalita ito

" don't let anyone take your happiness, Lady Vivian " nakangiting turan nito

sasagutin ko sana ito nang biglang tumunog ang cellphone ko nang tignan ko ay si Alice yun
" sandali lang " paalam ko kay Lucas at sinagot ito

" what is it " bagot kong tanong kay Alice

" Master want your presence with the the council's invitation for you " naging mariin ang paraan ng paghawak ko sa phone saka sumagot

" I'll be there " matapos kong sumagot ay hindi ko na siya hinayaan na makasagot

" Lady? " napapikit ako nang marinig ko ulit ang paraan ng pagtawag nito sakin, huminga muna ako ng malalim saka siya muling hinarap ng wala ng ngiti

" let's go to the main firm " pormal kong ani at hindi na hinintay pa siyang makasagot at nauna ng magtungo pabalik sa Van

Ilang sandali pa ay sabay na nakasakay ang tatlo at kita ko pa ang balat ng shell ng balot sa gilid ng labi ni Pekto na lihim kong kinailing, hula ko minadali ang pagkain at si Martin na pasimpleng umiinom ng soft drinks na naka straw

Parang dati lang, siguro masyado akong natuwa pero masaya ako dahil kahit saglit  ay pakiramdam ko bumalik ako sa dating ako

Ano bang sinasabi ko, alam kong imposibleng mangyare yun dahil sa ayaw at sa gusto ko kailangan kong sumunod sa dapat na maging kilos ng isang ESTRELLA at syempre para wala ng gulo

Ilang sandali pa ay nandito parin kami sa kalsada dahil sa walang kupas na dahilan

Traffic...

Hayyy pilipinas ay talagang pilipinas wala na talagang pinag iba, sa squatter na ko nakatira o kahit sa isang subdivision ay ito parin ang sitwasyon sa kalsada at mas ikinakainis ko pa ay ang patuloy na pang ring ng phone ko

Kung mga makapagdemand itong si Tanda eh kaya kong pigilan ang traffic sa pilipinas, bakit naman kasi kelangan pa ako dun?

Bihira at halos bilang ko lang sa daliri ko ang pagkakataon na nakakapunta ako sa Main Firm o mga tahanan ng mga gurang na hindi alam ang bagay na kung tawagin ay ' chillness '

Tuwing pupunta ako dun palaging masamang balita ang hatid nila, sana naman ngayon ay hindi pero duda ako dun

Baka mamaya ay may reklamo na naman sila sa kinikilos ko, bakit ba naman kasi hindi nalang si gurang ang kausapin nila tutal nandun na siya

" Lady! " humahangos na turan ni Alice ng sagutin ko sa wakas ang tawag niya

" what " walang interes na tanong ko

" Lady you need to be here, the - "

" Traffic " di ko naman gustong palaging putulin siya kaso wala namang magagawa kung makompleto man niya o hindi ang sinasabi niya dahil di kami nun maiaalis sa kalbaryo na kinakaharap namin

" ipapadala po ng Master ang isa sa mga helicopter para sunduin kayo " agaran niyang sagot na siyang kinabuntong hininga ko, dahil inaasahan ko naman na mareresolba nila toh, sadyang pinatatagal ko lang dahil sa pagbabakasakali na mabored at tubuan sila ng ugat sa paghihintay at magpasya na hindi na ako patuluyin pero mukang sa haba ng pasensya ni Tanda ngayon eh napaka importante ang pag uusapan

Ilang sandali pa ay nadinig ko na ang ingay ng sasakyan mula sa himpapawid

Nagtinginan sina Lucas at kita ko ang pagsilay ng ngisi ni Pekto, mula sa itaas ay bumaba ang isang tao na tauhan ni tanda, si David

" Lady ako na po ang bahala sa sasakyan niyo " tumango ako pero hahawakan ko palang ang hagdan na gawa sa lubid ay naramdaman ko ang paghawak ng kung sino sa bewang ko

Sasapukin ko sana pero nang makitang kong si Lucas yun ay napatigil ako

" Mag iingat kayo Lady " pairap akong umakyat at dahil sa pesteng skirt ay hirap akong umakyat nf di nasisilipan lalo pa't lahat ng atensyon ay nasamin

Hindi nakakapagtaka dahil hindi ka palaging makakakita ng helicopter na malapit na sa lupa lalo nasa Edsa

Nang makaakyat ako ay agad na nakaakyat yung tatlo, hanggang sa tuluyan na umakyat muli ang helicopter paitaas

" nakakalula, mamatay kaya tayo pag nalaglag tayo mula sa ganitong taas" ani ni Pekto habang nakangiti na siyang kinaiwas ko ng tingin
Kahit kelan talaga at isa pa sa rason bakit ginawa ko yun ay ang walang palyang ilang minutong titig sakin ni Lucas

" Nandito na po tayo Lady " nakahinga ako ng maluwag nang sa wakas ay baba na kami at maiaalis ko na sakin ang mga mata nung tukmol

" Hayyy Lady, Im really glad that you're finally here " humahangos paring turan ni Alice

Well sana nga hindi na eh

Matapos masalubong ko si Alice ay agad na sumunod si tanda at hindi ko gusto ang gusot sa matagal ng gusot niyang muka

" what do you think are you doing, you make them wait more than 3 hours " mariin niyang sambit na tila ay galit na galit

" ano bang kinaiinit ng ulo niyo, nandito na ko " halata sa muka niya na hindi nagustuhan ang lumabas sa bibig ko

Mabilis niya akong inakay papasok at dun bumungad sakin ang nakabagsak na muka ng mga matatanda doon, nang makita nila ako ay agaran silang tumayo na siyang kinayuko bahagya ni Tanda at dahil no choice ay ginawa ko rin

" Finally you're here now to start your judgement " natigilan ako nang madinig ang mga salitang yun

Naguguluhan akong tinignan sila lahat, nak ng! sandali! Parurusahan ba nila ako dahil sa pinaghintay ko sila ng ilang oras yun ba?

" Sandali anong judgement ko? " saka dumako ang mata ko kay Tanda

" ano toh " inaamin kong inatake ako ng kaba dahil sa lahat ng hindi ko gusto ko ay yung wala akong ideya o alam sa kahahantungan ng isang bagay pero nang madinig ko ang dalawang salita na lumabas sa bibig ni Tanda ay mabilis ko ring naintindihan ang lahat at ganun din ako kabilis inatake ng biglaang takot

" Oras na "

Ang Tigasin Kong Maria Clara ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon