🌹Chapter 8🌹

2K 94 4
                                    


MERCEDES

 
" nakita nyo ba si Vivian? kagabi pa sya wala " nag aalala kong tanong sa mga kaibigang yagit ng anak ko

Kung ako ang tatanungin mas gugustuhin kong wala na lang syang kaibigan, wag lang ang mga takaw gulong mga ito at dahil sa kadidikit sa mga ito ay mas lalo lang naging tigasin ang nene ko


" Aling Mercedes baka may ginawa raket lang yun, alam nyo naman yun daig pa si Superman at Darna kung maghanap ng raket para may pambayad sa mga utang nyo " mahabang lintanya ni Pekto habang humihigop ng taho na halatang almusal nito sa umaga


" Oo nga Aling Mercedes, kumakayod yun lalo pa't ayaw na nun na may pupunta na naman sa inyo gaya nung mga armadong lalaki nung nakaraang linggo " gatong nung Martin na kumakain ng Lugaw sa mismong harap ng tindahan ni Bebang

Ang Nene ko talagang yun, masyadong matigas ang Ulo, pero talagang napakabait at maaasahan

Napabuntong hininga nalang ako saka bumalik sa bahay

Tama masyado lang siguro akong nag aalala, babalik din yun



' tok tok tok '

mabilis akong bumaba para tignan kung si Vivian na yun

Mabuti nalang at mukang nakauwi na, Nang buksan ko ay nawala bigla ang ngiti ko dahil di sya ang inaasahan ko


" Mercedes "

mabilis ko syang pinagsarhan ng pinto pero mabilis ang gunggong at napigilan nito ang pagsarado ko ng pinto


" umalis ka rito! hindi ba sinabi kong wag ka ng babalik! " inis kong bulyaw ko rito


Ang kapal ng apog ng Gurang natoh at tumapak pa sa teritoryo ko !

" pinagbigyan na kita ng ilang linggo pero di ibig sabihin nun ay titigil na ko, Mercedes bumalik na kayo sakin " pakikiusap nito

Akala mo kung sinong maamong tupa kung magsalita samantalang kelan lang ay halos ipagtabuyan  ako... Kami, para sa kapangyarihan at posisyon na gusto nya, mas pinili nyang sundin ang walang kwentang TRADISYON na yun kesa samin

Matagal ko ng kinalimutan ang walang kwentang lalaking toh! Hindi sya tunay na lalaki dahil wala syang paninindigan



" bumalik? Teka lang Paulo, baka nakakalimot ka kasal ka diba? kinasal ka sa babaeng gusto ng ama mo para sayo kaya anong magiging posisyon namin ng anak mo sa buhay mo? sampid? "

akmang hahawakan ako nito pero mabilis ko syang tinulak na halatang di nagustuhan ng mga tauhan nyang tukmol


" makinig ka muna, Mercedes, di naman natuloy ang kasal namin ni Vella maniwala ka man sa hindi, pinag laban kita pero huli na kasi umalis ka...Umalis kayo " Di ako madadala ng tunog pagmamakaawa nya, dahil matagal ko ng alam na Tuso ang gurang na toh, kaya nyang magpa ikot ng tao para lang mangyare ang gusto at wala syang pakialam kahit makasakit sya Basta matupad ang plano nya

Natawa ako ng pagak saka nginitian sya " Alam mo Mr. Estrella, pasensya na kasi baka nakakalimot kayo, di ako kasal sayo at di mo anak si Vivian " kita ko ang pag igting ng panga nito sa galit



Tama yan

Ipakita mo kung ano ang totoo mong kulay


" Di man tayo kasal, anak ko si Vivian! " sikmat nito na syang kinalakas ng halakhak ko


" anak mo? gaano ka naman nakakasiguro? dahil ikaw ang nakauna sakin ganun ba? " pang uuyam ko rito na syang mas kinakuyom nito sa galit



Ang Tigasin Kong Maria Clara ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon