🌹 Chapter 45 🌹

1.2K 70 0
                                    


Hindi ako makapaniwala na ang katarungan na ipinapatupad bg organisasyon ay isa lang palang ilusyon dahil ang mismong mga taong nandun ay ang siya ring lumalabag, pero ang ipinagtataka ko ay kung Si Mr. Heidi ( ama ni Lucas ) ang founder nun ay bakit di niya nagawang si Lucas ang mapili para maging asawa ko

" pasensya na anak, siguro kung hindi ako ang naging mama mo, siguro hindi ganito ang--- " nginitian ko ito para ipakita ang pagtutol sa sinasabi niya

" kung hindi kayo ang naging mamang ko magagalit talaga ako kay San Pedro, wag kayong mag alala pag nakaalis tayo rito sisiguruhin kong kasabay ng pag alis natin ang pagkawala ng koneksyon natin sa lahat maging sa organisasyon na yun " pangako ko rito saka niyakap

Mag Ina nga kami dahil lahat ng lumalabas sa bibig nito ay siya ring sinusundan ko

Aalis kami, ano mang mangyare

" san ka pupunta? " nagtatakang tanong ni Mamang na siyang kinangisi ko

Kanina ko pa gustong gawin ito sadyang hinintay kong munang magpalipas ng oras para masiguro na makampante sila na hindi kami aalis dito

sinukat ko ang taas ng kwarto kung nasan kami sa pagtingin sa bintanang nakalock at dahil sa pag aaral ko nun kung paano nakapasok ang mga bulaklak na pinapadala pala ni Lucas ay nakadiskubre ako ng limitadong kaalaman sa mga advance security lock kahit na Voice  lock pa ang gamit

Umatras ako sandali para bumwelo " Vivian ano bang--- " pwersahan kong tinadyakan ang device nito para masira ang motion detector nito kung sakaling maalis ko na ang lock, matapos kong masira ang motion detector ay alam ko na ang sunod nito ay mag aalarm na ito kaya kinuha ko ang hinanda kong tubig para mashort circuit ang daluyan ng kuryente at kusang mawala ang alarm system nito at kusa naring nabuksan ang lock dahil sa malfunction na nangyare

Bagsak ang panga ni Mamang sa nasaksihan

Hindi nadin pala ganun kasama ang kalokohang ginawa ni Lucas pero hindi ibig sabihin nun ay kalilimutan ko na ang atraso nila sakin, Sila ng Ama niya

Mabait akong kaibigan pero masama akong kaaway

tinanaw ko mula sa taas kung may bantay at mukang naging pabor samin ang oras at lugar dahil natatakpan na ang araw at nasa mataas kaming lugar tanaw ko ang bawat pwesto ng gwardya

" Mang itali niyo ang kumot sa ilalim ng kama " mabilis itong tumango at ginawa ang sinabi ko, nang unti unti kaming makababa ay una ko nang inatake ng tahimik ang pinaka malapit na tao samin

" Vivian! kelan mo pa natutunang manakit ng kapwa mo ah! " mariin pero pabulong nitong saway na kinaikot ng mata ko

" matagal na Mang, matagal na " napasinghap ako nang may makitang tao na hahablot sana kay Mamang kaya mabilis kong hinila ito, kasabay nun ay ang pagbigay ng malakas na tadyak sa panga nito na kinasadlak nito sa sahig habang walang malay

hinila ko si Mamang para tumakbo at nang madaanan namin ang hardin ay minabuti kong iwan mo na si mama sa isang halamanan para magtago at saka dahan dahang tinungo ang bantay na dalawa at pinatumba

" Mang --- " natigilan ako nang makita kong hawak si Mamang ng isa sa mga tauhan ni Lucas habang nakangising nakaharap sa akin si Alice

" where do you think you're going Lady? " malamig nitong tanong na kinakuyom ng kamao ko.

Hindi na ko magtataka kung maya maya lang ay napapalibutan na kami dahil mukang inalerto nya narin ang Iba

" please Alice, hayaan mo na kaming umalis " wala itong sinagot kundi isang matinding atake

bawat galaw niya ay pwersado at hindi patumpik tumpik

" bakit ba napakatigas ng Ulo niyo Lady " nakangisi at hinihingal nitong turan matapos ng ilang atake na nadedepensahan ko

Ang Tigasin Kong Maria Clara ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon