🌹 Chapter 39 🌹

1.2K 63 0
                                    

" hindi pa siya umuuwi? " pareho parehong nagsitango ang mga ito kaya napabaling ako kay G  na nasa likod ko

" kadalasan po talagang umuwi ng late si Boss, Mistress " buntong hininga akong naglakad paakyat sa kwarto

Ano pa nga bang aasahan ko dun lalo pa't lagi namang madaling araw ang uwi ng isang yun

Busy...

pero di pa ako tuluyang nakakaakyat nang lingonin ko muli si G
" sigurado kaba " walang reaksyon ulit itong sumagot

" Mistress " naguguluhang tanong nito sa sinabi ko, kung naguguluhan nga siya kug wala man lang akong makitang ekspresyon sa muka niya

" Ibig kong sabihin talagang bang trabaho ang dahilan kaya siya--- " naputol ang pagsasalita ko ng may biglang nagsalita sa kung saan

" he's been very busy these days siguro dahil hindi mo napupunan ang pangangailangan niya kaya naghanap siya ng iba " inis na nilingon ko ang siraulong nagsabi doon at bumungad sakin ang kutong nasa gilid pala, hindi ko man lang napansin

" anong sinasabi mo " banas kong tanong rito
Alam kong hindi niya yun gagawin kasi...
Teka ano nga bang pakialam ko? pabor nga yun sakin kung magkataon na yun nga ang ginagawa niya

Pero sa kabilang banda may kung anong parte sakin na di matanggap ang katarantaduhan niya, siguro dahil pride at kabastusan sakin ang ginagawa niya!
Hindi man lang nahiya! Sana naisip niya na may asawa este kasama siyang naghihintay sa bahay!
May pa I miss you pa siyang nalalaman! Ang hayup na may rabbies na yun!

" Mistress " tawag pansin sakin ni G pero imbes na siya ang balingan ko ay si Kuto ang hinarap ko ng may banas na ekspresyon

" bakit ka ba nagsisinungaling, alam mo bang di na tumatangkad ang mga sinungaling! " busangot ako nitong sinagot

" Im not child to be fool Dog! " sikmat nito

Aba! Aba!
manang mana sa ama!
Nginitian ko ito ng matamis saka sinagot " ilang taon kana ha? " natigilan ito ng ilang sandali habang nakatitig sakin at parang wala sa sariling sumagot
" Ten " lihim akong napahanga dahil sa tangkad nito ay akala ko nasa edad 15 na ito at masasabi kong magaganda talaga ang lahi ni Unggoy, sadyang hindi lang sila pinagpala sa kagandahang asal

" See? I thought you're just 5 or 6 six years old with that cute height " pagsisinungaling ko na akala ko ay hindi gagana pero nang makita ko ang pamumula ni tisoy ay lihim akong napahalakhak

" You! how dare you to insult me! samantalang ikaw nga tong mukang hukluban na! No wonder why he seek more fresh and young woman unlike his old wrinkle wife " napahinto ako sa paglalakad sa nadinig
Dati rati naman hindi ako naaapektuhan sa kahit anong panlalait sa itsura ko dahil wala akong pakialam doon pero sa hindi ko malamang dahilan ay kumukulo ang dugo sa lahat ng binitawan niyang salita

25 palang ako! at...

" peste kang kuto ka " mahina pero mariing ani ko at akala ko wala nakadinig pero nang narinig ko ang biglang nakawalang tawa ni G ay nakaramdam ako ng hiya
Tinignan ko ng matalim ng tingin si Kuto at tinaas ang dalawang daliri saka tinapat sa mata ko at sa kanya para sabihing hindi pa kami tapos

Nang sa wakas ay makapasok ako sa kwarto ay dumiretso ako sa banyo at bumungad sakin ang human size na salamin at saka ko naalala ang sinabi ni Kuto

Ewan ko ba kung bakit inaalala ko pa ang walang kwenta niyang sinasabi, hindi ko asawa ang unggoy na yun at wala akong responsibilidad para punan ang lahat ng pangangailangan niya

Biglang nagpop sakin ang imaheng nakikipaghalikan sa ibang babae ang unggoy at may kung anong gustong sumabog sa loob ko

" MAPAPATAY KO TALAGA ANG BOGGY MONKEY NA YUUUNNN  "

Ang Tigasin Kong Maria Clara ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon