🌹Chapter 7🌹

2.1K 90 0
                                    


" Wake up "

Kelan pa naging Englishera ang nanay ko?

ano toh? para sosyal ang dating?

ang dami talagang trip ng nanay ko sa buhay


' Splassshh '


Anak Ng!

napabalikwas ako ng bangon sa gulat at lamig


" good thing you're finally awake " anang ng babaeng nakauniform ng isang maid

Nanlalaki ang mata ko habang tinitignan sya


" sino ka? " wala sa sariling sabi ko

bored nya akong tinignan saka tinuro ang pinto ng isang... Banyo?


" take a bath and please make it quick, Boss is not a man with full of patience " walang ekspresyon parin nitong sabi ako iniwan ng walang sabi

Ano daw?

Teka nasan ba ako?

At pano ako napunta-

Napasinghap ako nang magflashback sakin ang lahat ng nangyare kagabi


S-si Unggoy!

wala sa sarili akong kumilos para sundin ang sinabi nung babae at pagbukas ng pinto ay bumagsak agad ang panga ko ng... Literal

Banyo ba toh? eh mas malaki pa toh sa bahay namin eh

Hayysst tama na nga! kesa humanga ay mas dapat kong isipin kung paano ako makakauwi

Mamang...

paniguradong nag aalala na sakin yun at wala sa sariling napahawak sa magkabila kong pisngi

Mamasa na naman ito panigurado, oras na makauwi na ko

Mabilis kong hinubad ang T-shirt at pantalon ns suot ko saka naligo gaya ng inutos ng masungit na babaeng yun saka kinuha ang isang robe na nakasampay matapos kong isuot yun ay lumabas na ko at sumalubong sakin ang

Isa... Dalawa... tatlong babae na nakamaid uniform kasama na dun ang babaeng gumising sakin kanina

At pare pareho silang Walang imik


" a-ahmm " inabot nila sakin ang isang puting bestida


" ano yan " nagtinginan silang tatlo saka hinatak ang roba ko at syempre di ako nagpatalo pero napahinto ako sa pakikipag hilahan nang tutukan ako ng baril ng Isa


Bwisit!

kaya wala akong nagawa nang sila na mismo ang nagbihis, nagsuklay sakin at sapilitang inupo sa harap ng isang salamin

" teka nga! dahan dahan naman! harassment na toh! " reklamo ko na halatang di naman nila binigyang pansin

may binuksan silang kabinet at bumungad sakin ang mga iba't ibang pintura at gamit na nakikita ko lang kay Elena


" sandali! pwede naman sigurong- " nginitian ako ng mga ito ng... Nakakaasar

kung kanina nagrereklamo ako na wala man lang silang ekspresyon ay mas gusto ko na yun ngayon


" Mas maganda kung sumunod ka nalang di ka pwedeng humarap kay boss nang muka kang basahan " pang iinsulto ng Isa


Hayup tong mga baknitang toh!

Ang Tigasin Kong Maria Clara ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon