Alam kong darating ang araw na ito pero alam ko ring kahit kelan hindi ako magiging handa para sa pagdating ng lintik na araw natoh" Lady Vivian, were very glad that you're finally here for this unawaited day as a real strong woman who will now ready for the responsibility to have your own blood foundation, you're own build family " madrama at mahabang introduction ng isang gurang
Tinignan ko si Tanda sa tabi ko na nakayuko parin, pilit ko mang itago ang inis at kaba ko sa mga oras na ito ay alam kong imposiblePamilya?
buong buhay ko di ko naisip na darating din ang araw na magpapakasal ako lalo na sa isang lalaki well kahit naman sa babae, dahil para sakin wala namang halaga o kwenta pa yun, lalo pa't kompleto na ang pamilya ko para sakin
Si mamang, si Tanda, sina lucas at kahit pa ang ilang tao na naninilbihan at nakikita ko sa loob ng mansyon na nakasanayan ko ng pakisamahan ng limang taon
Ayoko...
gusto kong isigaw yun sa muka ng mga matatandang ito pero alam kong walang magandang maidudulot yun, marami akong ipapahamak oras na tumutol ako lalo na ang pangalan na iniingatan ni Tanda
tulad ng pinangako ko noon ay hindi na ako magiging makasarili para ipahamak pa ang kung sinong tao na mahalaga sakin at kung ito ang tanging paraan para manatili ang kapayapaan na nararanasan ko sa ngayon ay wala akong magagawa kundi sumunod
ANG HIRAP TALAGA MAGPAKABAIT ...
kaya di nakakapagtaka na maraming nababaliw sa pagpipigil sa sarili
Ako, si tanda at ang mga gurang na council ang naririto sa loob ng isang kwarto
May inabot na papel sakin ang isang gurang at nang tignan ko ay isang Marriage Certificate ito
Nanginginig man ay nakuha ko itong kunin pero di yun ang pinaka mahirap na parte dahil sa oras ns toh ay binigyan na nila ako ng ballpen
Lihim kong pinagdarasal na sana maghimala at mawalan ng tinta itong hawak ko at mawalan sila ng extra kung sakali
" ano pang hinihintay mo Binibining Estrella " malamig na tanong sakin ng isa pang gurang
Kilala ko ang bawat letra ng mga pangalan ng bawat isa sa kanila sadyang di ko lang kayang sikmurain na banggitin dahil bawat isa rin sa kanila ay may kanya kanyang atraso din sakin at isa na toh sa pinaka malaki nilang atraso sakin
Kalayaan ...
humugot ako ng malalim na hininga saka may napagtanto
" Lady? "
" sabihin niyo, sino siya? " kumunot ang noo nila ng sabay sabay pero saglit lang yun nang mukang napagtanto ang ibig kong sabihin
Ang naguguluhan nilang ekspresyon ay napalitan ng ngisi na siyang mas kainit ng ulo ko
" bakit hindi mo basahin ang pangalan niya diyan sa papel " nagsalubong ang kilay ko dahil sa pamimilosopo ng mga kulubot na toh
anong tingin nila sakin di marunong magbasa?
Alam kong ' Helliot Cross Spadien ' ang pangalan ng alien na mapapangasawa ko kuno pero ang gusto kong malaman ay kung sino siya!
Tangna maisip ko lang ang salitang mapapangasawa ay nangingisay na ang kaluluwa ko sa pangingilabot at di ko alam sa kadahilanang parang pamilyar sakin ang apelyido niya
Spadien...
San ko nga nadinig ang pangit at mabahong apelyido na yun?
At tsaka bakit wala ang taong yun dito!Dapat ko lang na makita ng personal ang taong aagaw ng kalayaan ko ng tuluyan
" alam niyong di yun ang gusto kong ipunto rito at hindi ba kabastusan naman kung ituring kung di siya sisipot dito, kahit na may pirma na siya ay- " naputol ang pagrereklamo ko nang makadinig ng tunog ng isang makina ng motor
" don't worry lady Vivian, He's finally here too, sakto sa oras na iyong kinakailangan " nakangising turan ng gurang
Nanginginig ang buong sistema ko
Bakit ba naman kasi sinabi ko pa, mukang mas mabuti nga kung hindi ko muna makita ang muka ng taong yunNapapikit ako ng mariin at tahimik na nanalangin na sana madapa siya at mainjured at nang di na makapasok sa loob pero mukang di dininig ang panalanging yun dahil sa nadinig kong pagbukas ng pinto
" Am I too late for the main party? " kusang napadilat ang mga mata ko nang marinig ang pamilyar na boses na yun
' see you soon '
' see you soon '
' see you soon '
Anak ng!
mabilis akong lumingon para sa hinahanap kong kompirmasyon
At tulad ng dati madalas talaga akong magsisisi sa mga kilos na dapat ko munang pinag iisipanNakangisi at swabe itong bumati ng may kasamang pagyuko ng bahagya na parang totoong maginoong prinsipe pero di tulad ng mga nasa kwento imbes na puti ay isang itim na leather jacket ang suot nito na pamilyar din sakin
At tulad ng dati ang mga kasingkitang taglay ay may talim at lamig paring dulot sa sistema at syempre Takot dahil sa nakakapangilabot nitong awra na ngayon ay sumasakop sa hangin ng buong kwarto
Pakiramdam ko kahit anong oras mula ngayon mawawalan ng lakas at buhay ang katawan ko
" Long time no see, Do you miss me like how I miss you My Lady? "
BINABASA MO ANG
Ang Tigasin Kong Maria Clara ( COMPLETED )
FanfictionBihira na nalang sa panahon ngayon ang mga Maria Clara pero kahit kelan di sila nawawala Yup, may iba't ibang klase ng mga Maria Clara na nabubuhay sa henerasyon ngayon Una, ang Original Version na may mahinhin at may pagkakonserbatibong manamit na...