🌹 Chapter 28 🌹

1.5K 77 0
                                    

THIRD PERSON

" Hindi! hindi nyo ito pwedeng gawin sakin! Isa akong ginagalang na tao sa bansang toh! " madidinig ang nagwawalang tinig ng isang matandang Congressman
Si Congressman Cinco

Nanlilisik ang mata nitong binalingan ang babaeng nasa gitna ng mataas na table kasama ng isang lalaki pero nakapokus ang matatalim nitong tingin sa dalaga dahil pamilyar ito sa kanya at  kaya alam niyang hindi ito ang una nilang pagkikita
marahas niyang binawi ang parehong braso mula sa pagkakahawak ng dalawang pulis at gigil na dinuro ang babae

" Oo! tama! natatandaan na kita! ikaw ang asong askal na nagtatrabaho sa isang Club diba? " nang uuyam itong tumawa saka tinaas ang parehong kamay at tinuro ang dalaga na kalmado paring pinapanood ang ginagawa ng matanda

" Ito ba! ito ba ang hahatol sakin? ang babaeng yan ay walang karapatang humatol sakin para parusahan ako dahil isa lang siyang basahan! nadinig nyo ko Isa lang siyang- " napatahimik ang matanda nang may kung anong matigas na bagay ang tumama sa ulo nya na siyang naging dahilan para mawalan ito ng malay

Saka umalingawngaw ang tunog ng pagkabagsak sa sahig ng isang matigas at tila babasaging bagay na nagmula lang naman sa isa sa mga pinaka ginagalang na tao sa buong kwarto at maging sa organisasyon

isang pares ng sandals na tumilapon sa sahig, matapos tumama sa mismong pagitan ng kilay ng Congressman

  sa maikling panahon ay nagawa nitong mapanindigan at makagawa ng pangalan sa pinasa sa kanyang posisyon ng ama

Gulat ang ibang nakasaksi pero hindi lahat , dahil hindi lang kilala ang dalaga sa pagiging  mahusay sa pagdedesisyon at pang huhusga ng may kasalanan kundi sa mga di inaasahan nitong gawain tulad na lamang ng ginawa nito ngayon ngayon lang

Di na bago sa iilan ang ginawa nga dalaga dahil Hindi ito ang unang pagkakataon na gumawa ng isang bagay na kakaiba ang dalaga na siyang nagpawindang sa lahat

Tulad nalang ng  ginawa nitong pambubugbog sa isang rapist na anak ng isang Mayor na hindi magalaw galaw dahil bukod sa malakas ang kapit sa pamahalaan ay malaking tao lalo na pagdating sa impluwensya sa mundo ng kinalakhang industriya nito at dahil hindi normal na panghuhusga ang ginagawa nila ay may kalayaang gawin ng humahatol na gawin ang nais nito oras na matapos ang pagdedesisyon na siyang naging isa sa mga dahilan bakit nagustuhan ng dalaga  ang naging trabaho niya

Pero tulad ng ordinaryong paglilitis ay masusi itong pinag aaralan at may prosesong pinagdadaanan

Mahigit limang taon narin ang nakalipas mula nang maging bago para sa kanya ang lahat na ngayon ay ordinaryong gawain na lamang
Habang gulat parin ang ilan sa mga nakasaksi  sa nangyare ay tahimik na umalis ang dalaga pabalik sa loob ng pribadong silid na para lamang sa tulad niya at nang dumapo ang mata sa isang tirang alak ay agad niya itong sinalin sa baso at tinungga lahat sa isang inuman

Bumalot ang nakakapaso at magaspang na lasa ng alak sa kanyang lalamunan

" Totoo ba? di ito ang una niyong pagkikita? " chismosong tanong ng nakatataas sa kanyang taga hatol, Si Greg, pero imbes na galangin ay nagawa pa ng dalaga na singhalan ito

" wag ka ngang chismoso " masungit na sagot ng dalaga saka hinubad ang natirang sandal na suot at hinagis sa kung saan na siyang kinailing ng binata at lumapit sa dalaga na gumegewang na

Gawain na ng dalaga na uminom ng alak bago at matapos ang paghahatol


" sinabi ko na sayo na masama ang pag inom diba? kahit kelan talaga napakatigas ng ulo mo " saway ng lalaki at inagaw mula sa pagkakahawak ng dalaga ang baso
hindi na tumutol pa ang dalaga dala narin ng hilo napahilata ito sa may kalakihang sofa

Ang Tigasin Kong Maria Clara ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon