🌹Chapter 12🌹

1.9K 93 1
                                    


Di ko mapigilang mag alala lalo pa nang malaman ko ang mga bagay na sinabi sakin ni Lucas nitong huli naming pagkikita, kung pwede nga lang na magkakasama kami na lutasin ang gulo gaya nalang ng nakasanayan na namin

pero iba na ang sitwasyon ngayon at mas malala na dahil -

May isang baliw na unggoy ang humahunting sakin

Napatingala ako sa bughaw na kalangitan saka napapikit nalang habang inaalala ang mga napag usapan namin

( Flashback )

" Nak ng! bakit ngayon mo lang sinabi toh Vince! " sikmat sakin ni Pekto na ngayon ay namumula sa inis at dahil moreno mas nagmumuka syang nangingitim

" akala ko ba gulo ng isa Gulo ng lahat! " panenermon ni Martin habang salubong ang kilay samantalang si Lucas... Tahimik na salungat sa inaasahan ko, akala sisigawan o pagagalitan nya ako matapos kong sabihin ang lahat pero nanatiling tahimik ito

" u-umm ayoko naman kasing madamay pa ka- "

" well huli na para dun " pagpapatuloy ni Pekto sa sinasabi ko

" muntik lang naman magkabutas butas ang katawan namin sa pag ulan ng bala " pagpapa alala pa ni Martin na mas kinabagabag ng konsensya ko

" Sorry kasi- " napa angat ako ng tingin nang tumayo si Lucas

" normal na sa kanya ang mang angkin ng mga taong nakakakuha ng interes nya para sa pansariling libangan " ani ni Lucas habang matiim na nakatitig sakin

" a-ano? " naguguluhang ani ko

" ang pangalan ng taong yun ay Elle, di tulad ng mga taong nasa matatas na posisyon sa lipunan ay hindi nya hinahayaan na maexpose ang tulad nya sa publiko pero sa underground society kilalang kilala ang taong yun, at di lang sya kilala sa pagiging maimpluwensya kundi sa kakaibang nakahiligan nyang mang angkin ng tao na nakakakuha ng interes nya... gaya mo " mahabang paliwanag nya kaya unti unti ko ng naiintidihan

Ibig sabihin, hindi ito ang unang pagkakataon na nang angkin sya ng tulad ko

Tama nga ang hinala ko sa taong yun... Baliw sya

" k-kung ganun, anong g-gagawin ko? " bumuntong hininga ito saka tinapik tapik ang ulo ko na nakahiligan nya naring gawin

" wala " anang nito na syang mas kinabuhol buhol ng kilay ko sa sagot nya

" a-anong w-wala? Lucas may siraulong unggoy humahunting sakin tapos sasabihin mong wala akong gawin? " sarkastikong ani ko pero imbes na mainis sa sinabi ko ay ngumiti lang ito at kinurot ang kaliwang pisngi ko kaya tinabig ko ito saka sinamaan sya ng tingin

" didito kalang hanggang sa magsawa sya at mawala ka sa isip nya " kibit balikat nitong sabi saka akmang aalis nang hilain ko ang braso nito

" ikaw anong balak mo " curious na tanong ko rito na syang kinakunot ng noo nya " anong ibig mong sabihin " maang maangan nito, kahit na matagal kaming di nagkita ay kilala ko parin sya, kilalang kilala dahil matagal narin kaming nagkasama kaya alam kong may binabalak syang gawin

" anong binabalak mo sa kanya ngayon na nalaman mo ng sya ang pumatay kay Grem " seryosong kong tanong ko rito

Hindi man lang nawala ang ngiti nito sa labi pero hindi ako malilinlang ng mga mata nitong nagliliyab sa galit

hindi ko na sya hinintay pang magsalita dahil alam kong tama naman sya, marapat lang siguro talaga akong sumunod at magpakabait muna dahil di magtatagal ay tatantanan na ko ng unggoy na yun at magsasawa rin yun at may mahahanap na namang malas na tao na makakakuha ng interes nito

Ang Tigasin Kong Maria Clara ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon