🌹 Chapter 29 🌹

1.4K 78 0
                                    


' time is gold but even time can't handle your price as my long awaited prize '

Inis kong tinapon ang rosas at note sa basurahan

Peste! Bakit ba ang hihilig ng kung sino maglagay ng basura sa table ko at talaga napakalakas ng loob nito para pasukin ang pribadong lugar ko ng walang permiso

Matagal ko ng gustong hulihin ang siraulong ilang taon ng patuloy sa pang iinis sakin

" the new security protocol system is trash as always " gigil kong turan
Hinarap ko si Alice  na nakayuko nf bahagya

" My apology My Lady, I will gonna-- " banas na banas kong tinuro ang pinto na mabilis nitong sinunod at nang ako nalang ang matira s loob ng opisina at kulong dugo kong binalingan ang basurang tinapon ko sa basurahan

Oras na mahuli kita, ikaw na mismo ang ilalagay ko sa basurahan at hindi nalang ang mga basurang mula sayo
Hindi siya ang nag iisang tukmol na nagtangka  na utuin ako na tinuruan ko ng di nila malilimutang   leksyon at ang isang toh lang ang nag iisang nakakaliligtas pero magbabago yun oras na malasin siya at magharap na kami

Huminga ako ng malalim ng paulit ulit hanggang sa kumalma ako at akmang magsisimula ng magtrabaho nang mag ring ang phone ko at nang tignan ko kung sino ang tumatawag ay dumami ang gatla sa noo ko nang makitang unregistered number ito

Di ko mapigilang alalahanin ang huling beses kong makatanggap ng unregistered number dahil naka automatic ang system sa phone ko na oras na wala sa contacts ko ay hindi ako makokontak ng kahit sinong ponchio pilatong di ko kilala kaya paanong nakontak ako ng taong toh

Dala ng kuryosidad ay sinagot ko
" Who's this " hindi uso sakin ang pagbati lalo na kung di ko kilala
Pero lumipas ang ilang sandali pa ay katahimikan lamang ang naghari sa pagitan namin matapos kong sabihin ang mga salitang yun na siyang kinapatid ng mahabang pasensya ko  at akmang papatayin nang may magsalita at binalot ako ng di maipaliwanag ng kaba di lang dahil sa sinabi nito kundi dahil sa pamilyar na boses nito

" See you soon "

Kusang nalaglag sa kamay ko ang cellphone na hawak ko

Anak ng!

mabilis kong dinampot ang phone sa sahig at habang patuloy ang panginginig ay nagawa ko pang pindutin ang numero ni Lucas sa contact ko

Iisang tao lang kayang magbigay ng matinding kilabot sakin at hindi ako pwedeng magkamali

" Lady -- "

" sunduin mo na ko, uuwi na ko " tumayo na ako para iligpit ang gamit na kalalapag ko lang sa mesa ko
yung bangungot na yun!

Totoo yun! sigurado akong si unggoy talaga ang nakita ko nung gabing yun!

" Vivian okay kalang ba? " natigilan ako nang sa madinig ko muli ang dati kong kinakainisan na pangalan pero ngayon dahil siya ang nagsabi ay parang may kung anong bagay ang nagpalinaw ng pandinig ko
" a-ahh o-oo basta sunduin mo ko nga- " di ko pa natatapos ang sinasabi ko nang may madinig akong mga pamilyar na tinig sa kabilang linya

" Teka? Uuwi na agad siya? ano toh lokohan eh Hindi pa nga nag iinit ang puwet ko sa-- " maktol ni Pekto, nawala pansamantala ang kaba na nararamdaman ko nang maisip na paniguradong si Martin ang nagpatahimik dito

" nasa parking lot pa kami " mabilis kong pinatay ang cellphone at nang buksan ko ang pinto ay bunungad sakin si Alice na nakangiti na madalas nitong gawin

Isa pa toh... such a creep creature

Binigay ko sa kanya ang mga files na dapat kong reviewhin kasama na ang market sales in this whole year
" Lady? " Ngumiti ako rito na siyang kinamilog ng mata nito sa di ko malamang dahilan

Ang Tigasin Kong Maria Clara ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon