VIVIAN
" Vivian, kailangan mong matutong magpasensya lalo na at darating ang araw na makakapag asawa ka din " maasim kong tinignan si mamang
" nagpapatawa ka mang noh? kung ang tinutukoy niyo na naman ay ang pag pikot ko kay lucas eh, mukang di ko kailangan nun " walang ganang turan ko rito na sinagot niya lang ng tawa
simula nang pumayag ako ay akala ko mananahimik na siya pero mas lalo siyang naging makulit, na para bang sigurado siyang si Lucas ang mapapangsawa ko
" Vivian, ang pag aasawa kailangan ng pasensya at syempre susuportahan yun ng pagmamahal ng mag asawa, Isa pa responsibilidad ng babae na pangalagaan ang asawa para hindi maghanap ng pag aalaga sa iba " pikit mata ko siyang hinarap at mariing sumagot
" Kung mag aasawa nga ako, ayokong matulad sa inyo " madilim ako nitong tinignan
Patay...
" Mang ang Ibig kong sabihin-- "" hindi kami kinasal dahil nilayasan ko ang ama mo pero may karapat dapat na rason kung bakit nangyare yun, isa pa pareho kaming nagkulang at magiging iba ang mangyayare sayo... Kaya kung sakali wag mong gawin ang ginawa ko "
" Mang ano bang--- "
" Wag mong sukuan ang asawa mo "
( Present )
' tok tok tok '
Nagising ako bigla sa pagkatok ng kung sino nang akalain kong si G ay binuksan ko pero si Kuto ang bumungad sakin
Halukipkip ko itong hinarap " anong ginagawa mo dito Kuto? "
Hindi ko ugaling makisama sa tao pero dahil sa utos ni tanda nagawa kong makipag plastikan pero hindi sa pagkakataong ito
Nginisian ako nito at kunot noo ko siyang tinignan nang pumasok ito ng walang warning sa kwarto saka umupo sa kama
" ano ba talaga gusto mo ha Kuto " walang ganang tanong ko
" Stop calling me that and by the way, Im just here to talk to you " seryosong ani nito na kinasarado ko ng pinto
Teka ito na ba ang portion ng Son and step mother conversation?
Peste! nakakapangilabot isipin!" ano ba yun? " diretso ako nitong tinignan sa mata saka nagsalita
" do you know what kind of man is your husband " inirapan ko ito
Ni hindi ko nga tinuturing na tao yun eh
" Diretsuhin mo nalang ako pwede? " pakiramdam ko matanda na din itong kausap ko at masasabi kong pati ang mabigat na awra at presensya ni Unggoy nakuha niya
" hindi kita gusto para kay ku--- "
' tok tok tok '
Lihim akong napa irap nang may bago na namang istorbo
" Misstress, tumawag na si Boss " ani ng isa sa mga tauhan ni unggoy, hindi ko alam pero mas mabilis pa sa alas kwatro akong lumabas, nang makita ko si G na may katawagan
" TEKA SI UNGGOY BA YAN? " at kahit kabastusan ay hinablot ko ang cellphone na hawak niya
" alam kong kasal kana pero we all know that we as man have a right for more privilege to enjoy ourselves also " napakunot ang noo ko sa narinig at sigurado akong hindi boses ni unggoy ang nadidinig ko, saka ko nadinig ang isang matinis na boses
" Hi there Mr. Spadien, don't worry everything that will happen will stay at this place, I can make you feel good or better than that your wife can do " naramdaman ko nalang ang pagsabog ng kung ano sakin saka naalala ang sinabi dati ni mamang
BINABASA MO ANG
Ang Tigasin Kong Maria Clara ( COMPLETED )
FanfictionBihira na nalang sa panahon ngayon ang mga Maria Clara pero kahit kelan di sila nawawala Yup, may iba't ibang klase ng mga Maria Clara na nabubuhay sa henerasyon ngayon Una, ang Original Version na may mahinhin at may pagkakonserbatibong manamit na...