🌹 Chapter 50 🌹

1.4K 67 1
                                    

" talaga bang hindi ka sasama samim pauwi? " malungkot na dinig kong turan ni Mamang na kinalakas ng bisita ng konsensya ko

alam kong sa pinagdaanan namin ay gusto niyang magkasama kami pero ---

dumako ang pansin ko ng humigpit ang pagkakahawak nu unggoy sa kamay ko

Isa pa toh, nabaril na lahat lahat malandi pa rin, ni ayaw niyang humiwalay sakin kahit sandali, at nakonsensya ako ng malaman ko sa nanay nya  ang stress at depresyon na binigay ko dito nang mawala ako

" k-kasi Mang, kailangan kong alagaan ang asawa ko " matapos kong sabihin yun ay inatake ako ng init sa buong muka habang malakas ang kabog ng dibdib ko

dumaan ang katahimikan nang maramdaman ko ang paninigas ng katabi ko at malakas na sabay na tili ni Mamang at ang nanay ni Unggoy na talagang nakakahiya dahil sa pinagkamalan ko pa itong asawa niya

" tangna, di parin ako sanay sa mga bagong banatan mo ngayon Vince, nakakatomboy " malokong banat ni Pekto na sinundan ng malakas na batok ni Martin dito

" aray! ano ba! nakita mong nasa incoberry stigs pa ko! "

" recovery stages tukmol! " pagtatama ni Martin dito
hanggang sa dumako ang tingin ko kay Tatang na nakangiti sakin saka tinapik ng mahina ang balikat ni unggoy

" take care of her " seryoso tumango ang tukmol na akala mo eh, isang loyal na aso sa amo

hanggang sa may maalala akong gusto kong itanong na nakalimutan kong itanong nung nakaraan na nag usap kami ni Tatang

" Tang, gusto ko lang malaman kung bakit siya ang napili " ramdam ko ang taimtim na atensyon ng katabi ko

" what are you saying wife, are regretting that I became your hus- " bago pa tuluyang magtampo ito ay minabuti kong tapalan ang bibit nito gamit ang daliri ko

" huwag ka munang Epal, gusto ko lang malinawan kasi nasabi sakin ni Greg na kasama siya sa huling pinagpilian na tatlo at si Lucas, anak siya ng founder ng organisasyon pero bakit hindi siya ang napili " curious na tanong ko

malawak na ngumisi si Tanda habang nakatuon ang pansin kay unggoy

" it's because-- "

" Im tired, we need to go home ... now " pagputol ni unggoy na kinasalubong ng kilay ko pero nawala agad ang inis ko nang hawakan nito ang braso nito na may benda

ilang araw palang malamang nananakit pa iyong sugat niya

" sige po, uuwi na kami " bineso ako nina mamang at hawak ni G ang lahat ng gamit

" thank you for loving our son, Vivian " naiilang akong tumango at ngumiti sa nanay nito lalo na sa asawa nito na tulad ni Elle ay halatang may dugong halimaw at halos di marunong ngumiti

" Elle, make sure to work for your church wedding " maawtoridad nitong sabi o mas magandang sabihing utos nito sa anak na mabilis namang kinatango ni Unggoy

napapansin kong parang ang amo amo niya atah pag iba anh kausap niya pero pag kaming dalawa, wala siyang ginawa kundi inisin at bully'hin ako

" dahan dahan Vivian ah, baka mapasobra sa hilot ang asawa mo " nakangising sabi ni Elena na kinakunot ng noo ko

" ano? " nagtawanan ang lahat maliban sakin na gulong gulo at sa papa ni Elle

" can't wait to see my future grandson at granddaughter " dinig kong sabi ng nanay ni Elle

at matapos ang mahabang pag uusap at pamamaalam ay natagpuan ko nalang ang sarili ko na lulan ng sasakyan habang katabi si Unggoy na walang humpay sa kakahaplos at kakahalik sa braso at lantad na balat sa leeg ko

" you look bothered " biglang ani nito, habang nakasandal ako sa dibdib nito

" di ko lang talaga maintindihan ang mama mo at si mamang, kasi sabi nila-- "

" don't mind them " putol ulit nito na kinainis ko, humiwalay ako rito at hinarap

" anong don't mind them eh, excited pa sila na makita ang future apo nila samantalang wala pa namang asawa o anak si Kuto at sa pagkakaalam ko kayo lang naman ang anak nila kaya paanong may future apo na sila? " kumunot ang noo ko nang tumawa ang tukmol saka mabilis na nagnakaw ng halik sa labi at dahil di ko inasahan yun ay hindi man lang ako nakakibo

" what a slow wife, of course they will see their future grandKIDS ... soon " at sumilay na naman ang ngisi nito na tila ay may masamang balak

Slow daw ako?

nagmagaling na naman ang tukmol, napabaling na naman ako dito nang sunod sunod na nagnakaw ng halik ang unggoy at mukang sinaniban na naman ako ng marupok na espirito dahil hindi man lang ako makapalag

" ano ba! ang lantod mo! nakita mong nandito si G at isa pa di ka pa nagtotoothbrush noh! " pagsusungit ko rito at di man lang tinablan ng hiya sa katawan si unggoy at talagang nakaw na mabilis na halik ang kinuha at tuluyang kinain ang labi ko gamit ang labi nito

at hinihingal nitong pinakawalan ang labi ko at mayabang na ngumisi " come on wife, pumalag ka naman " at nagawa pang humalakhak ng g*go

" Pasalamat ka at ibalido ka ngayon dahil makakatikim ka talaga sakin! " banta ko rito habang pilit na pinagsasRRalubong ang kilay ko dahil T nakakangisay na kilig na nararamdaman sa panlalandi nito

" I'm not going invalid and you can fight back wife especially in our bed battle " tuluyan na akong tinakasan ng puting kulay sa labis na pamumula dahil sa nakakahiyang lumalabas sa bibig nito

" b-bwisit kang manyakis ka! talagang nagagawa mo pang lumandi sa kalagayan mo! " nagawa pang tumawa ng unggoy

" wait til we go home, I'll show you what can a --- " dahil sa malisyosong lumalabas sa bibig nito ay minabuti ko nang busalan ang bibig nito at kita ko sa rear mirror ang pangisi ngisi nito

" behave " mariin at pabulong kong sabi rito at kinatuwa ko ang pagiging tahimik nito habang nasa byahe kahit na napapadalas ang pananantsing na matsing

halos para akong lasing sa kakaalalay sa kingkong, sa kaartehan eh nagpumilit na ako mismo kuno ang umalalay sa kanya at dahil sa side effects ng gamot nito ay para itong lasing at dahil sa napakamasunurin ni G eh talagang hindi ako tinulungan

Hooo!

napaupo ako nang maihiga ko ang tulog na tulog na tukmol, parang wala akong iniinda

napailing nalang ako dahil sa kung minsan para itong bata kung umasta

" Im glad that you finally back... Mistress " napalingon ako sa parang model na nakasandal pa ngunit imbes na magalit at mainis nakuha ko pang ngumiti

" salamat G " saka binalingan ang tulog na tulog na unggoy sa kama

" ako na ang- " di ko na natuloy ang sinasabi ko ng makitang nawala na ito na parang bula

" bahala " napailing iling akong pinagpatuloy ang sasabihin ko sana kanina

Dahil na nagdesisyon ang mga magulang ni Unggoy na isama si Kuto sa kanila ay kami ni unggoy, G at ang ilang tauhan nalang ang nasa bahay

umupo ako katabi nito at natagpuan ko nalang ang sarili na nakatitig rito

" walang hiya, kahit di ko gusto at madalas kitang kamuhian noon, inaamin kong namiss kita... my boggymonkey "

Ang Tigasin Kong Maria Clara ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon