Chapter Eight: I'm Starting To Like It

419 19 1
                                    

"Tagu taguan maliwanag ang buwan. Wala sa likod, wala sa harap!

Isa!

Dalawa!

Tatlo!

Apat!

Lima!

Anim!

Pito!

Walo!

Siyam!

Sampu!

Bang Jesie!

Bang Carl!

Bang Mike!

Lahat sila ay nagtago sa 3rd floor at nasa 2nd floor ang base. Nag unahan kaming makababa at hindi inaasahang natapilok ako.

*************

Naalimpungatan ako dahil napanaginipan ko nanaman ang aksidente noong bata pa lang ako.

Napalingon ako sa paligid.

Hindi ko ito kwarto!

"Gising ka na pala." boses ng isang lalaki.

"S-sino ka?" medyo malabo pa ang aking paningin at hindi maaninag ng maayos ang mukha ng lalaking nagsalita at patay din ang ilaw.

"Kumusta na ang pakiramdam mo? May masakit ba?" pagbabalewala nito sa tanong ko.

"Sino ka nga sabi." binuksan nito ang lampshade sa sidetable at doon sumilip ang marikit na liwanag sa paligid.

Sabog na sabog ang buhok, pupungas pungas na mata at suray suray ang katawan,

pero gwapo pa rin.

Shit!

"Calyyyyyyyyyy?"

"Calyx." sagot nito.

"Nandito ka sa kwarto ko dahil nawalan ka ng malay kanina." nag unat ito ng kamay at inayos ang upo.

Kaya pala.

Biglang kumirot ang aking sentido.

"Anong masakit? Ikukuha na ba kita ng gamot?" natataranta nitong tanong.

"Wag na. Hindi mo naman alam ang gamot ko." napatawa na lang ako sa kaniya.

Masyadong pabibo.

"Hilutin ko na lang ang ulo mo." hindi na ako pumalag at umupo ito sa bandang ulunan ko.

Inumpisahan niya ang pagmamasahe sa aking sintido. Sunod ang ulo at huli sa bandang noo.

"Ang sarap. Pakituloy." mungkahi ko.

Magaling mag masahe itong si Calyx at unti unting nawawala kahit papaano ang kirot.

"Dyan banda, ayan dyan medyo may kirot. Aray ko konting hina lang sa part na yan." sinusunod niya naman ang aking mga inuutos at hindi nagrereklamo.

"Bakit ka nga pala biglang nawalan ng malay kanina? Ang sabi sa amin nina Lui kapag may familiar na bagay o tao sa past kang nakikita na nakalimutan sumasakit yang ulo mo?"pagtatanong niya.

"Oo, totoo yon. Bata pa lang ako noong maaksidente ako at nahulog sa hagdan, nauna yung ulo ko and as a result may mga nalimutan akong alaala at kapag may familiar akong nakikita na naging parte ng past ko bigla na lang magfaflashback sa isip ko tapos kumikirot ang ulo ko." patuloy lang siya sa pagmamasahe. Minulat ko ang aking mata at nakita ko ang hubad nitong katawan.

His Grievous Love (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon