Chapter Eighteen: Paglayo

341 19 0
                                    

"Confused pa ako ngayon pero isa lang ang sigurado ako." nakatingin siya sa langit habang binibigkas ang mga katagang iyon.

Konting konti na lang sasabog na talaga ako.

"Mahal kita."

Confused pala ha? Hayst.

Bakit ngayon lang nag loading sa akin ang sinabi niya kagabi sa likod ng plaza?

Ngayon I found out nowhere to go sa sinabi niyang mahal niya ako.

Wala. Parang nawala yung kilig at saya noong sinabi niyang mahal niya ako. Kagabi lang iyon na napakasarap balikan pero sa tuwing naaalala ko si Calyd, everything's suddenly fade away.

Ang sakit sakit. Parang sinibak ang puso ko. Pasalamat na lang ako dahil pinauwi na kami dahil hindi pa tapos ang meeting.

'Umamin ka nga sakin, bakla ka ba Calyx?'

Hayst. Parang dinudurog ang puso ko.

*tok

*tok

*tok

Bumukas ang pinto at pumasok si manang.

"Anong meron sa alaga ko ngayon? Kanina lang napaka sigla tapos ngayon nagmumukmok ka riyan. May problema ba?" nag aalalang tanong niya.

"Wala po manang. Gusto ko lang mapag isa ngayon." para akong maluluha dahil ito nanaman yung kirot.

"Oh siya. Bukas ng gabi ang uwi ng papa at kuya mo." lumabas na si manang at nilock ang pinto.

Alam na alam niya talaga kapag gusto kong mapag isa at walang gustong kausapin.

********************

"Daddy! Kuya!" masayang bati ko sa dalawang lalaki ng buhay ko.

"Ohow! My prince!" sinalubungan ako ni daddy ng isang mahigpit na yakap.

I missed him so much!

"Kuya!" sunod na yumakap si kuya at binuhat pa ako.

"Tangkad mo na talaga!" ginulo niya ang buhok ko at kinurot ang pisngi ko.

"Mga apo, mag mano kayo kay ser, siya ang daddy at kuya ni kuya Francis." nagtatago sa likod ni manang ang dalawang bata samantalang nag buhat ng bagahe si Kyle.

"Ito na ba mga apo mo Mercedes?" tanong ni dad.

"Opo ser, sila nga po. Magmano kayo." sumunod ang dalawang kapatid ni Kyle at nagmano kay daddy.

"Awww. Ang cu-cute!" salita ni kuya at pinisil pa ang pisngi ng dalawa.

Sinamahan ko ihatid sa mga kwarto nila at doon kami nagkita ni Kyle sa kwarto ni daddy.

"Good evening po sir." napa atras pa siya ng makita niya si dad.

"Sino naman itong binatang to?" nagmano rin siya agad kay daddy at nakipag kamay kay kuya na kasusunod lang.

"Apo din ni manang dad. Panganay sa magkakapatid." paliwanag ko.

"Sige po mga sir una na po ako." lumabas na ng kwarto si Kyle na iika ika pang naglakad. Mukhang hindi pa magaling ang natapilok niyang paa.

Pagkatapos ay sama sama kaming nag hapunan.

Parang kelan lang nang huling bisita nila dito sa bahay at ngayon nandito nanaman sila.

Kahit papaano nadidivert ang utak ko sa maraming bagay at nakalimutan ang sakit.

Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan habang masayang kumakain.

His Grievous Love (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon