CHAPTER TWENTY THREE: DAD AND ANAK

362 17 0
                                    

Iniligpit ko ang damit na sinuot pa ni Calyx noong party at nilagay sa isang paper bag.

"Kita na lang tayo bukas." wika niya. Yinakap ko muna siya ng mahigpit bago magsalita.

"Mamimiss kita." hinalikan ko siya sa labi na siya namang tinugunan niya.

Bumaba na kami at saktong nasa sala si dad at nagbabasa ng libro.

"Dad alis na si Calyx."

Tinignan muna niya si Calyx ng mabuti at sunod na tumingin sakin.

"Ahmm.. Una na po ako tit-- sir Froilan." tumango lang si dad at muling nagbasa ng libro.

"Dad. Aalis na daw si Calyx." medyo irita kong sabi pero wala itong kibo.

"Dad!"

"Sige na pwede ka na lumabas." yun lang ang kaniyang sinabi at muling tinutok ang tingin sa libro.

"Tsk!" singhal ko sa kawalan.

"Ayos lang. Alis na po ako." hinatid ko na siya sa labas at saktong nasa harapan na ang kaniyang kotse.

Malungkot ang kaniyang mga mata at alam ko kung bakit ganon ang kaniyang nararamdaman.

"Kakausapin ko na lang si dad. Mag iingat ka sa daan?"

"Hindi ayos lang, pasabi na lang na nauna na ako sa kuya mo." pinasok niya sa compartment ang bitbit na paper bag at binuksan ang pinto.

"Love you babe."

"I love you too. See you tomorrow." nagnakaw muna siya ng isang smack kiss at sumakay na sa loob. Kinindatan muna niya ako bago paganahin ang makina at bumusina ng tatlong beses bago umalis.

Nilooban ko si daddy sa sala at padabog na umupo at sinadya ko talagang tamaan ang kaniyang kamay na nakahawak ng libro para maalog ito.

"What was that for?" tanong ko pero wala itong imik

"Daddy!"

"And the heck you acting this way?" bigla niyang salita pero hindi ako nagpasindak kahit kinakabahan na ako dahil seryoso ang tono ng kaniyang boses.

"Baka naoffend mo yung tao, kinakausap ka ng maayos tapos babastusin mo."

Napaka lakas niyang isinara ang libro at binato sa lamesa.

"What?"

"Ang sabi ko lang dad baka naoffend mo yung tao kasi..." sobra akong kinabahan dahil ngayon lang nag kulutong ng kilay sa akin si dad na sobrang seryoso at halatang naiinis.

"Wala akong pake sa batang yon. Ayusin mo ang tapyas ng bibig mo kung ayaw mong malintikan, naiintindihan mo?" alam kong nagpipigil lang siya ng inis sakin pero hindi naman tama yung ginawa niya kay Calyx!

"Dad bisita ko yon! Taong nagpakilala at pumasok ng bahay mo sana trinato mo ding tao at hindi kung sino sino lang!" napatayo si dad at sinipa ng malakas ang couch.

Sobra akong nagulat sa kaniyang reaksyon.

First time.

First time kong makitang magalit si daddy ng ganito.

Ano bang ginawa at nasabi kong masama sa kaniya at parang galit na galit siya sakin at kay Calyx?

Lahat ng kasambahay marahil ay nabigla din sa inakto ni dad at agad nagsialisan at may mangilan pang tumakbo at nagsara ng kwarto.

Pinatong niya ang kaniyang kanang paa sa couch at hinawakan ang baba.

"Tell me Francis, boyfriend mo?"

His Grievous Love (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon