Chapter Twelve: Rapist

443 20 0
                                    

"Maybe we should double our time to negotiate with him, the most powerful and richest business man sailing in the sea."

"Yes son, please, I cant take any criticisms again because of our failure. We can use them to rank up. Go son, do it right now."

"Yes papa, I will."

*******************************

FRANCIS'S POV

Natapos na ang lunch time at nag start na ulit kami mag training.

"Anyare sa kapatid mo? Bakit ang tamlay niya ngayon?" nagtataka na talaga ako dahil kanina pa siya walang kibo at kanina pa wala sa wisyo kaya nababahala na ako as a leader and as a friend.

"Ewan. Baka may hangover pa rin." kung sabagay, may point si Calyx, baka nakarami nga sya ng inom kagabi kaya masakit pa rin ang ulo.

"Maya maya lang dadating dito ang mga tropa namin galing Don Mackley." wika ni Calyx.

Napatingin kaming lahat sa kaniya habang nagsusulat pa rin siya.

"Hu? Bakit naman?" itinigil niya ang kaniyang sinusulat at inayos ang uniporme.

Ang cute!!!!!!!

Shit.

"Di ko alam. Baka namiss lang kami. On their way na sila papunta dito. Nakalimutan kong sabihin kanina." inilapit niya ang kaniyang ulo at ipinatong sa balikat ko.

"Para makilala mo na rin ang mga kaibigan ko simula junior high." kinilig naman ako sa ideang sinabi niya.

Ayokong mag assume nanaman pero why he wanted to meet their friends to me with that ahhmmmm shallow reason? Hu? Answer me? If merong deep reason then what is that?

As usual hindi magka mayaw dahil excited si Alex na makilala ang mga kaibigan nilang dalawa at makakita in person ng mga students from Don Mackley Academy na nakasuot ng class A type uniform.

2:30 may nag text kay Calyd na andyan na daw sila sa open field kaya naman pinuntahan namin para sunduin.

Naipagpaalam na rin ni Lui sa guard ang pagpunta nila dito sa St. Paul at hindi sila makatanggi dahil students from Don Mackley ba naman na dekotse at 4 wheels ang pupunta dito? Aarte pa ba sila? Chor.

Isa isang nagsibabaan ang mga naggagandahan at nagwagwapuhang kaibigan ng kambal.

Labas na labas ang kanilang napaka sophisticated aura lalong lalo na sa uniform nila at kotseng dala.

Parang tanga naman si Alex na nakanganga ng makita ang apat na bumaba sa kotse.

"Hi twins! I missed you so much!" naglakad ang isa sa mga babaeng may dalang Hermes bag.

"Hello Trix." sagot ng dalawa at nakipag beso beso.

"Anyways, these are our friends from DMA this is Trix, Phoebe, Vandorph and Steve." pagpapakilala ni Calyd sa kanila kaya nakipag shake hands kami at nagpakilala na rin.

Maganda at sobrang gwapo ng kaibigan nilang dalawa, daig pa ang celebrity sa ganda ng kutis at perpektong hulma ng mukha. Obvious na galing sa private at mamahalin school sa kanilang tikas at dating.

"Hello Im Francis, nice meeting you all."

"Its hot naman pala here, can we go to a classroom kasi ang init, i cant take it longer." wika ni Phoebe at inalabas ang rechargable fan galing sa kaniyang mamahaling Chanel bag.

Habang naglalakad ay halos maglabasan ang mga estudyante sa kanilang classroom. Lahat nagtataka kung bakit may apat na estudyante galing Don Mackley Academy ang nandito sa aming paaralan at hindi makapaniwala sa nakikita nila. Pero obvious naman siguro na dahil nandito sila ay may dalawang gwapong binata na ang nag aaral sa school na ito.

His Grievous Love (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon