CHAPTER THIRTY

239 12 2
                                    

Shit ka Francis.

Wala po akong ginagawang masama >.<

Wala na nga siya sa mood tapos urgh!!!

"May problema ba lods?" tanong ni Kiko.

"Wa-wala. Mag start na tayo." sagot ko.

I hate this feeling. Yung tipong may tampo na nga yung tao sakin tapos mas lalo ko pang binibigyan ng dahilan para magtampo.

Pero kasi naman, nakiinom lang naman ako ng tubig.

Hayst.

CALYX ARTINEI'S POV

Kanina ko pa tinatawagan si Francis pero unattended ang phone ko.

Nakalimutan niya nanaman mag charge panigurado.

"Sabay ka?" tanong ni Calyd.

"Oo sige."

"Akala ko susunduin mo si Francis?"

"Hindi na muna, baka nasa school na yon."

"Sabagay, masyadong punctual. Tara." sumakay na kaming dalawa sa kotse at umalis na ng bahay.

Pagkarating sa school ay napaka raming naghintay sa labas para abangan ang pagpasok namin para batiin ng 'happy new year.'

Pagkarating sa classroom ay nawalan lalo ako ng gana nang makitang bakante ang upuan ng taong gusto kong makita.

'Taena dapat pala sinundo ko na'

Sinuot ko na lang ang headphone ko at nagsukob sa mesa.

May ilang minuto ako sa ganoong posisyon ng may kumalabit sa aking likuran.

"Wuyy pare. Happy new year." salita ko kay Lui na bagong dating lang.

"Happy new year din mga pare. Saan sila?" tanong niya.

"Wala pa." iyon lang ang sinabi ko at muling nagsubsob.

"Hanap mo ko?" biglang sulpot ni Alex. Boses pa lang alam na alam ko na.

"Hindi na natuloy tuloy yung pagpunta sa bahay ampunan tapos nag text sa akin si Mrs. President na this week na gawin." Lui

"Sasama pa ba kami? Tagal na nung nagalit si mam samin baka nakalimutan na niya yon hahahahahaha!" bulalas ng mokong kong kapatid.

"Yun na nga, kahit nakalimutan na nung teacher natin na sobrang terror, gusto ni Mrs. President na kasama kayo. Syempre alam niyo na non kung bakit." wika ni Lui.

"So ano na?" Alex

"Samahan niyo nga ako pumunta sa ssg room." Lui

"Tara." Alex

"Sama ako." naisipan ko na baka makita ko si Francis sa daan kaya sasamahan ko na lang sila.

Lumabas na kami at pumunta ng jhs department, hindi nga ako nabigo na makita si Francis. Makitang may kasamang iba at masayang masayang naglalakad kasama ang kutong lupa na yon!

Pesteng panira ng araw!

Minadali ko na lang ang paglalakad hanggang sa makapunta kami sa ssg room at kausapin kung sino man yung Mrs. President.

Badtrip! Umagang umaga nakakawalang ganang pumasok.

"Anong problema mo? Kanina pa nakasibangot yang mukha mo?" Alex

Hindi ko siya pinansin at deretso lang sa paglakad, uuwi na sana ako kaso nga lang ay saktong nakasabay namin ang first subject teacher namin.

Pagkapasok ay nandoon na siya at nagbabasa ng libro. Umupo ako sa kaniyang likuran at agad nagsimula ang discussion.

His Grievous Love (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon