CHAPTER THIRTY TWO

251 12 1
                                    

"Nak, it's time to make some play."

"What do you mean papa?"

May ipinakitang dalawang litrato ang ama.

"Who we'll start then?"

"Hu? I-I don't get it papa."

"Tss. Anak, soon you'll get it. Pinag iisipan ko pa rin kung sino ang una nating tatargetin for first move."

"Hmm? Francis or Freed?"

"I think I know papa sino ang uunahin natin. I will call my black men to do the job."

Napangisi ang dalawa sa kanilang masamang pinaplano.

****************

Araw ng biyernes, ngayon ang punta namin sa bahay ampunan, excited na ako dahil first time ko ito.

"Ready?" tanong ng ssg president.

Tumango lamang kaming lahat bilang sagot at umalis na ang sinasakyan naming van.

Since hindi naman kami mga officers at representatives kaya nasa likuran kaming apat ni Alex at kambal samantalang nasa harapan naman si Lui.

As usual katabi ko si Calyx. Nakasalpak ang isang airpods sa kanan niyang tenga samantalang nasa kaliwang tenga ko naman ang isa.

Nakatingin sa labas at nakapatong ang ulo niya sa kamay pero nakahawak naman ang isa sa akin. Kaya napag desisyunan kong kuhanan siya ng litrato.

Pagkapindot ko ay saktong may liwanag na sumilip kaya naman litaw na litaw ang kapogian ni Calyx. Naging light brown ang kaniyang natural na dark eye color at medyo blonde ang buhok.

Ginawa kong lock screen ang kaniyang picture at ini-story na rin sa IG. Hahayaan ko na lang makita niya iyon.

Katabi ko sa kabila si Calyd na nagsosolo sa kaniyang headphone at nakapikit ang mata. Mukhang napansin niya ako kaya nagtanggal ito ng headphone.

"Bakit?" tanong niya.

"Wala lang. Masama bang mapatingin?"

"Hindi naman." nag ayos ito ng upo.

Nag usap kaming dalawa, yung sakto lang para hindi marinig ng iba tungkol sa buhay niya at buhay nilang mag kambal.

"Birthday ng bunso namin bukas, punta ka. Hihintayin ka ni Chloe."

"Oo naman ako pa. Bibili muna ako ng regalo mamaya oh kaya bukas pagkahatid ko kina daddy." biglang lumungkot at pakiramdam ko.

Akala ko hindi na ako sobrang malulungkot na aalis sila pero hindi ko pala talaga kayang aalis sila.

Bakit ganon? Feeling ko matagal bago sila uuwi?

Inakbayan ako ni Calyd at hinaplos ang balikat ko.

"Ayos lang yan. Sasamahan ka naman ni Calyx bukas sa airport." hindi na ako nagsalita pa.

Napansin kong nakatulog na pala si Calyx sa bintana kaya ang ginawa ko ay inayos ko ang kaniyang ulo at nilagay sa balikat ko.

Tinanggal ko ang suot niyang earpods at tinago. Dahil may katangkaran siya ang ending ay nakasubsob ang kaniyang mukha sa aking leeg.

"Anong meron bakit puyat na puyat ito?" tanong ko kay Calyd

"Ewan, akala ko nga magkausap kayo kagabi kaya puyat." sagot niya.

"Hindi, maaga akong nagpaalam na matutulog para maaga akong magising tas sabi niya matutulog na rin siya." napaisip tuloy ako kung anong ginawa niya.

His Grievous Love (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon