Chapter Seventeen: Twin Revelation

436 15 2
                                    

Happy new year everyone!

Sending love and smile❤️

Enjoy!

*****************************

"Papa malapit na ang selebrasyon. Anong gagawin natin?"

"Wala. Mag eenjoy lang tayo basta siguraduhin mo anak na makakausap mo silang dalawa."

"Yes papa. Mukhang magiging son of the night ang mga anak ko."

"Malabo ata yan anak. Mukhang isasama niya ang alas niya sa maraming tao."

"Hu? Imposible. Nakausap ko siya papa, ang sabi niya silang dalawa lang ng anak niya ang pupunta."

"Who knows, masyadong matunog ang kaniyang bunsong anak sa media."

************************

FRANCIS'S POV

Pagkatapos namin kumain sa ihawan sunod kaming pumunta sa gitna ng plaza dahil may live band sakto at kasisimula pa lang.

"Samahan?" Calyx.

"Saan?" kararating lang namin dito nag aaya na siyang umalis. Busog pa naman ako kaya nakakatamad mag lakad.

"Doon lang." wala na akong nagawa pa dahil hinila niya ang kamay ko.

"Saan kayo pupunta aber?" tanong ni Alex na nakapamewang pa.

"Dyan lang bakit, aangal ka?" matikas na sagot ni Calyx na animoy kakainin ng buhay si Alex.

"Hinde, sige umalis na kayo." agad kaming naglakad papunta sa likuran ng plaza.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" pakonti ng pakonti ang mga ilaw sa likuran ng plaza at halos wala na rin tao.

"Itutuloy lang natin kung ano ang naudlot kanina." hinila niya ng mariin ang aking katawan at sinandal sa pader sabay pinaunlakan muli ng halik.

"Baka may makakita satin dito Calyx." natatakot ako baka may makakita sa amin.

"Walang makakakita basta tumahimik ka lang." at sinunggaban niya ang aking labi.

Ayoko man gawin ito dahil natatakot akong may makakita sa amin pero hindi ko mapigilan ang aking sarili na sagutin ang galaw ng ritmo sa aking labi at dila.

Kinikiskis niya ang kaniyang matigas na kargada sa akin kaya mas lalo akong nag init. Pakiramdam ko hindi na ako yung dating Francis na inosente at walang alam sa kamunduhan, eh hindi ko nga alam kung paano humalik at kung ano ang feeling na nag aalab ang loob ko sa kakaibang sensasyong hatid noon eh, pero hindi na ngayon.

Nangangatog ang aking tuhod sa naghalong takot at sarap.

Nasasanay na ako sa kaniya. Nakakabisado ko na kung paano niya igalaw ang kaniyang labi at dila sa akin. Kabisado na rin niya kung paano paglaruan ang aking braces sa ngipin at madalas niyang puntirya ang mga iyon kaya madalas akong mag toothbrush at mouthwash, mahirap na baka may tinga na natira. Wala ng ilang at komportable na ako ngayon hindi tulad noon na para akong machine at siya lang ang umaandar pero ngayon, sabay namin pinagsasaluhan ang tawag ng halikan.

Pagkatapos niya akong halikan ay nagsiputukan ang mga fireworks sa kalangitan, tanda ito na tapos na ang prosisyon.

Napatingin ako sa itaas at pinanood ang kagandahan ng kalangitan.

Natutuwa ako ngayon dahil sabay namin pinapanood ni Calyx ang fireworks display.

Napaka sweet and romantic ng sandaling ito. Salamat sa timing ng fireworks.

His Grievous Love (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon