Chapter Nineteen: Research & Versa

370 21 2
                                    

Mukhang nagdilang anghel ang utak ko at nilagnat nga ako ngayon.

Shit.

Kailangan kong pumasok dahil dapat matapos ang chapter one bago mag christmas break at nag text si maam na hindi pa rin siya makakapasok kaya ako ulit ang magtuturo sa iba pang classes.

"Pasok na po ako." ayaw pa akong papasukin ni daddy dahil nilalagnat ako pero mapilit talaga ako at pursigido akong pumasok ngayon kaya wala na rin silang nagawa pa.

Pagpasok sa classroom ay agad naming sinimulan ang aming chapter one.

Mabuti na lang at hindi matanong at may alam ang mga kagrupo ko kaya hindi ako masyadong napagod.

Pero pakiramdam ko ay hapon na kahit umaga pa lang.

Nag start ang aming first subject at nabawasan kahit papano ang mga nagtatanong at mukhang nakatulong ang pag rereview ko sa kanila kahapon.

Pagkatapos na pagkatapos ay agad akong lumabas ng classroom at dumiretso sa susunod kong klase.

"Good morning class."

"Good morning Francis!"

"Good morning lods!" napatingin ako sa taong nagsalita, si Kiko, ito pala ang class nila.

Mukhang mapapa sabak ako sa kanilang magbabarkada neto.

"Umpisahan na natin. Sorry kung medyo namamaos ako, ngayon. Makinig na lang kayo ng mabuti. Tas abante na din kayo sa harap para dinig hanggang likuran." wika ko.

Maligalig silang nakinig sa akin at buti naman may isang salita sila. Baka mabato ko sila ng chalk at eraser kung mangungulit pa sila at mang aasar.

"Ang pogi mo talaga Francis." bulong ng nasa harapan ko.

"Ahm. Thanks. Anyw------"

"Lods pwedeng tama na muna sa discussion? Bukas na lang natin ituloy!"

"Oo nga lods! May sched din naman tayo bukas."

"Pagbigyan mo na kami Francis!"

"Wu-wuyy malapit na matapos itong chapter one konti na lang." pinakita ko pa sa kanila ang iilang pahina ng libro.

"Bukas na lodi wala ng pumapasok sa utak ko. Puro ikaw na ang nasa isip ko."

"Ayiihhhhh!!"

"Luh parang baliw to." ako.

"Totoo yon lods! Teka papicture muna ako!" isa isa silang nagsilapitan sa akin at umisa ng picture.

"Teka lang hindi ako makapose ng maayos ang lilikot ninyo!"

"Oh isa lang ang pila! Mauna ka na, tas sunod ka! Huli na ako." salita ni Kiko sa tabi ko at nagpa pogi sign sakin.

Sorry Kiko ha, mas bagay ka talaga kay Alex. Hahahahaha!

Marami pang natitirang oras at nanghihinayang ako doon dahil imbes na matuto sila ay puros selfie ang inaatupag nila.

Hanggang sa pinakahuling tao ang nagpa picture, ang magbabarkada kasama si Kiko.

Siniksikan nila akong pito at napipitpit ako.

"Henri yung relos mo nagagasgasan ako." tanda ko pa ang kaniyang pangalan dahil pinakilala na siya sa akin ni Kiko dati.

"Wooaahhhh!!!!!!"

"Lods tanda mo pa pala ang pangalan ko!"

"Wooaahhhh!!!!!!" parang mga timang ang mga to.

His Grievous Love (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon