Chapter Six: Alaala sa Kwarto ni Lui

452 24 0
                                    

"Francis? Calyx? Nasan kayo?" sigaw ng isang pamilyar na boses.

"Andito sa kwarto pre!" sigaw ni Calyx.

Bumukas ang pinto at pumasok sa loob si Lui.

"Anong nangyari dyan tol?" tanong ni Lui.

"Mukhang lasing na dre. Buti na lang naihi din ako baka natulog na ito sa banyo perwisyo pa." palusot naman ni Calyx.

"Sige tol, sunod ka na lang doon marami ka ng namiss na tagay." walang halong pagdududa sa boses ni Lui marahil alam niyang wala akong gagawing masama oh kahit anong hindi niya inaakalang magagawa ko.

"Sige tol sunod na ako." narinig ko ang pagsara ng pinto hudyat na nakaalis na si Lui.

Napabuntong hininga ako dahil muntik na kaming nakita ni Lui magkayakap.

Mabuti na lamang at mabilis nakapag bihis si Calyx at naisipan ko naman magtulog tulogan nalang.

"Labas lang muna ako. Dyan ka muna, sumunod ka na lang din kung gusto mo." tumango lang ako, tumayo na ito at nag ayos ng damit.

Pero bago ito lumabas ay muli niya akong hinalikan sa labi at kinindatan bago umalis.

Hinawakan ko ang aking labi

Hindi ako makapaniwala

Parang panaginip lahat ng nangyari

Ngunit may biglang namuong tanong sa aking isipan

'Bakit? Bakit ako hinalikan nang isang Calyx Greville?'

Makalipas lamang ang isa't kalahating oras ng pag iisip kung anong sagot sa tanong ko ay napag isipan kong lumabas ng kwarto para mahimasmasan ng kaunti.

Pagkarating sa labas ay umacting ako na bagong gising lamang.

Tuloy pa rin sila sa inuman at mukhang tipsy na silang lahat.

"Woy Francis! Ang bilis mo naman malashing!" mukhang lasing na si Alex dahil mapungay na ang talukap ng kaniyang mata at namumula na rin ang pisngi.

"Nagsuka ka raw sa banyo sabi ni Calsis! Kadiri ka talaga! Buti na lang hindi ka dito nagsuka baka tumilapon ka pabalik sa nanay mo! HAHAHAHAHAHA!" bwelta na salita ni Alex.

'Ow shocks nagsuka ba ako?'

Napatingin naman ako kay Calyx na mukhang tipsy at naka ngisi.

'Oh my?! Kung nagsuka ako kanina ibig sabihin kaninang hinalikan ako ni Calyx ay,

ay lasang suka ang aking bibig?!'

'Ewwwwwwww!'

I know naman at naaalala ko pa ang lahat ng nangyaei kanina, in detailed

Kaya imposibleng nasuka ako, baka imbento lang ni Calyx para hindi sila magduda oh magtanong ng kung ano.

Umupo ako sa tabi ulit ni Calyx at Alex.

Patay na ang videoke dahil madaling araw na.

"Francis totoo bang nagsuka ka? Hehehehehe" tanong ni Calyd.

"Hi-hindi ko a-lam." ang naisagot ko na lang.

Hindi naman pwedeng sabihin kong hindi edi napahiya si Calyx sa kasinungalingan niya lalo na't kilala ako ng dalawa, hindi ako marunong magsinungaling sa kanila.

Medyo mabagal na ang ikot ng tagay dahil tipsy na silang lahat bukod sa tatay ni Lui at syempre ako.

Habang nagcecellphone ako ay biglang may yumakap sa aking baywang.

His Grievous Love (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon