Chapter Sixteen: Kiss Mark

420 17 1
                                    

FRANCIS'S POV

Pagkatapos ng momentous event ay nagkanya kanya na kami ng uwi dahil may sariling terminal ang university.

Pagkarating sa bahay ay agad kong kinwento kay manang ang nangyari kanina except yung napaka init na pangyayari sa aming dalawa ni Calyx. Baka himatayin si manang kapag naikwento ko sa kanya lahat HAHAHAHAHAHAHA!

'namiss ko tuloy si Calyx.'

"Ang galing talaga ng alaga ko! Kinaya mo na dati, ngayon pa ba? Tara kumain na tayo at niluto ko ang favorite mong adobo!" bigla akong ginutom sa adobo ni manang. Favorite ko yung sweet sour and spicy adobo niya, ang sarap kasi.

Pagkababa ay nasa sala ang magkakapatid at nagkukwentuhan. Nakahiga si Kyle habang nakataas ang paa at inunan ang dalawang kamay, naka sando lang siya kaya kitang kita ko ang kili kili niyang wala pang halos buhok at braso habang naka upo naman magkabilaan sa gilid ng bewang ang dalawang kapatid.

"Mukhang seryoso ang usapan niyo ha? Pashare naman." dumuko ako sa harapan ni Kyle at ngayon at magkatitigan kami.

"Medyo lang, pinagsasabihan ko lang itong dalawa bakit?" sagot naman niya habang kagat kagat ang kwintas na pang army.

"Wala lang. Tara kain na tayo?" biglang tumayo si Kyle kaya nagkauntugan kaming dalawa.

"Aray!" parang nabunggo ang ulo ko sa pader, ang tigas ng bungo ni Kyle!

"Hahahahahahaha!" tawa ng dalawang bata.

"Kuya Francis thank you po sa cookies na madami! Sa uulitin po!" masayang salita ni Mike.

"Basta magtoothbrush kayo after okay? Para iwas cavities." paalala ko.

Nag hapunan na kami at pagkatapos kumain ay nagpahinga muna ako sa aking kwarto at nagmuni muni.

Naalala ko si Calyx, syempre makakaya ko bang makalimutan siya?

Naalala ko ang nangyari sa headquarter between us. Yung maalab na halikan, yung matipunong katawan ni Calyx, mga malalaking biceps at triceps, yung dibdib niyang sobrang tigas at puting puti, mga pandesal sa tyan na mukhang artificial sa ganda pati yung batuta niyang sobrang haba at tigas na first time kong hawakan.

Ow shit na malagkit!!

'Francis malandi ka na talaga!'

Pati yung yakapan naming dalawa.

'I like you'

Hindi ko inexpect na sasabihin niya ang mga salitang yon!

Kahit loko loko at pilyo si Calyx kapag seryoso siya, mararamdaman mo talagang sincere at hindi siya nagjojoke, at iyon ang naramdaman ko kanina.

Ramdam na ramdam ko yung purity at sincerity niya kanina nang binanggit niyang gusto niya ako.

Napaka sarap sa feeling na magconfess siya sakin kasi iba yung satisfaction na dulot nang pag amin niya.

'Yung pakiramdam na nacrushback! Yun yon!'

Masyadong mabilis ang mga pangyayari parang kelan lang nung sigaw sigawan niya ako at sindakin sa sobrang inis tapos ngayon nagka feelings siya sakin.

Kinikilig tuloy ako sa sarili kong imagination. Ehe!

Makalabas na nga muna! Baka sumabog na ako sa sobrang kilig dito!

Dumiretso ako sa pool at hindi inaasahang nandoon ulit si Kyle sa bermuda grass at nakaunan ang dalawang kamay. Nakatalikod ito sa akin kaya may naisip akong magandang idea.

His Grievous Love (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon