CHAPTER THIRTY NINE

177 12 0
                                    

CALYX'S POV

Isang linggo na ang nakalipas pero walang anino ni Francis ang nagpakita.

Hindi namin alam kung ano na ang nangyayari.

Pinagbawalan na rin kami ni dad at tito Froilan bumisita sa mansyon ng mga Dy.

Walang gabi na hindi ko inisip ang kaniyang kalagayan.

Walang oras na hindi ko siya inalala.

Nangungulila ako sa bawat tawa, halakhak at ngiti sa kaniyang mata.

Hanggang aalala na lang yata ang mga masasayang pinag samahan namin...

Mas mabigat sa kalooban ko na bago mangyari ang lahat ng ito ay hindi kami nagkasundo, nagkalabuan at hindi nagkaintindihan.

"Kung nasaan man ngayon si Francis siguradong iniisip niya rin tayo." tinapik ni Calyd ang aking balikat.

Nasa classroom kami ngayon at lahat ay malungkot sa nangyari. Buong school ay nalulungkot sa nangyari kaya naman mas lalong hinigpitan ang patakaran at seguridad.

"Alam niyo, nag abot ng cheke si tito Froilan sa amin ng 450,000 pesos pambayad sa utang ni nanay. Tinawagan daw ni Francis si tito bago siya mawala. Nung inabot ni tito ang cheke talagang gulat na gulat ako, sino ba ang hindi, lalo na at hindi na ako humingi pa ng karagdadang tulong sa kaniya. Kahit kailan napaka buti talaga niyang kaibigan, lagi niya akong tinutulungan sa lahat ng bagay at paraan." napangiti ng mapait si Lui.

Isa siya sa mga taong sobrang malapit kay Francis, masasabi kong sobrang strong ng kanilang friendship mula noon hanggang ngayon. Maraming memories na ang kanilang nabuo at napagdaanan.

"Lagi niya akong nililibre ng palamig at siomai sa labas, laging inaabutan ng chocolate, binibigyan ng kung ano anong abubot sa kwarto, lagi nga akong kumokopya sa kaniya ng assignments kapag di ko nagawa--"

"Hindi mo talaga ginagawa assignments mo Alex, asa." Calyd.

"Pssh! Nagdadrama ako leche ka." tumulo na lang ang luha sa kaniyang mata.

"Kahit gaano kataas ang estado niya sa buhay hindi ko siya kinakitaan ng kahambugan at nung araw na nalaman kong napaka yaman niya, doon ko napatunayan na isa siya sa naging totoong kaibigan sa akin kahit nasa alapaap ang kaniyang buhay hindi niya ako hinusgaan pati ang pamilya ko ng pambabatikos. Napaka swerte ko dahil tinuring niya akong  kaibigan, sister at partner in crime."

"Ako ang partner in crime niya. Same category kami noong grade 7 to 8 remember?" Lui.

"Ano ba?! Pwede bang pagbigyan niyo akong mag emote?!" garalgal niyang reklamo.

Maswerte silang dalawa dahil matagal na nilang nakasama si Francis.

Samantalang kami nag uumpisa pa lang bumuo ng memories pero ganito na agad. Ni hindi pa nga namin naranasan ang mag anniversary.

"Siya na lang ata ang kilala kong ubod ng yaman pero mas pinipiling magmukhang mahirap at normal. Kung tutuusin kayang kaya niya tayong bilhin, pero mahal ang bayad sakin mga 10X straight, pwera pa one night stand." Calyd.

Inirapan ko lang ang kaniyang sinabi, alam ko namang gusto niyang ienlighten ang mood pero hindi kasado dahil walang makakapag pabago sa nararamdaman namin.

Nakikinig lang ako sa kanilang kwentuhan, inaalala lahat ng kaniyang mabuting ginawa. Sa pangspoil niya sa amin ng kung ano ano, mga cute and sweet moments.

"May balita na ba kay Francis?" tanong ng aming president.

Umiling lang kami bilang sagot.

Tumahimik ang paligid at talagang napaka bigat ng aking pakiramdam.

His Grievous Love (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon