Chapter Ten: Kyle

396 23 0
                                    

"Kapag tumibok ang puso wala ka nang magagawa kundi sundin ito! Kapag tumibok ang puso lagot ka na, siguradong huli ka!" kanta ni manang habang bitbit ang pinggan.

"Good morning manang!" bati ko.

"Hijo andyan ka na pala. Pasensya ka na at narinig mo pa akong pakanta kanta. Heto at kumain ka na." nginitian ko lang si manang bilang sagot at umupo na sa usual kong upuan, umalis na si manang pagkatapos ilapag ang aking plato at nagsimula na akong kumain.

'Kapag tumibok ang puso wala ka nang magagawa kundi sundin ito'

Naisip ko bigla si Calyx. Totoo ba? Na kapag tumibok ang puso wala ng choice kung hindi ang sundin ang sinasabi nito? Ibig sabihin wala akong choice kung hindi ang patuloy na mahalin si Calyx?

Wow mahal agad Francis? Hindi ba pwedeng crush lang or infatuation?

OA ko rin.

Sumabay na rin ang ibang kumain sa hapag kainan at nagkwetuhan kami ng kung ano ano at nagtawanan.

"Nga pala, bago ko makalimutan. Francis, hijo." tinignan ko si manang na katabi ko lang at uminom ng tubig.

"Yes po manang?" pinunasan nito ang kaniyang bibig at ngumiti ng mapait.

"May pakiusap sana ako sa inyo ng papa mo kung pwede dito muna tumira ang tatlo kong apo dahil naospital ang anak ko at walang magbabantay sa mga apo ko doon sa Bulacan." parang nangilid ang mga luha ni manang kaya hinawakan ko ang kaniyang kamay at pinakalma muna namin siya sabay pinainom na rin ng tubig.

"Wala naman pong problema don manang, sabihin ko na lang po kay daddy at siya na po ang bahala." tugon ko.

"Maraming salamat anak, napaka buti mo talaga, manang mana ka sa papa at kuya mo." yinakap ko si manang ng sobrang higpit.

"Walang ano man po iyon manang. Maliit na bagay lang naman po iyong hinihiling niyo atsaka saktong sakto walang katao tao itong mansyon, ng magkaroon naman ng sigla ang bahay." kumalas na ako sa pagkakayakap kay manang at pinunasan ang kaniyang nangilid na luha.

"Pasendya na kung late ko na nasabi sayo apo eh maya maya na ang dating ng tatlo kong apo. Sana ay makasundo mo sila at tiyak na masisiyahan ka roon sa panganay sa magkapatid dahil magkasing edad lang kayo." mukhang excited si manang na makita ang kaniyang apo dahil bakas sa kaniyang mukha ang labis na galak. 

Pagkatapos mag almusal ay agad akong nagbyahe papuntang school. Habang nagbabyahe tinawagan ko si dad at sinabi sa kaniya ang hiling ni manang at syempre ayos lang daw kaya pagkatapos naming magusap ay agad kong pinaalam kay manang.

Mukhang napaaga ata ako masyado sa pagpasok dahil ako pa lang ang tao sa sci lab kaya naman naisipan kong lumabas at bumili ng abubot sa bag.

Habang naglalakad palabas ng school ay may natanaw akong dalawang estudyante di kalayuan sa daan na nakasandal pareho sa malaking puno at naninigarilyo.

Si Calyd at Calyx pala.

"San ang punta mo?" tanong ni Calyd sabay tapon ng sigarilyo kung saan.

"Dyan lang sa tabi tabi, hahanap ng may mabibilhan." sagot ko.

"Ah sige. Ingat." tugon ni Calyd.

Tuloy lang sa paninigarilyo si Calyx at hindi man lang tumingin sa akin kaya hinayaan ko na lang at dumiretso na sa tindahan.

Hayst. Parang tinusok ng maliit ang puso ko.

Nakakita ako ng maliliit ng aesthetic key chains kaya bumili ako ng marami para bigyan sina Alex dahil panigurado magugustuhan nila ito.

His Grievous Love (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon