Chapter Twenty: Unexpectedly

381 24 0
                                    

CALYX'S POV

"Are you ready sons?" tanong ni dad

"Ready on what dad?" tanong ko.

Kasalukuyan kaming nag hahapunan ngayon at sama samang kumakain.

"Paulit ulit ba tayo dito Calyx?" sagot ni lolo.

"Di ko naman alam? Ano ba yon lolo dad?" inosente kong tanong pero nakatingin lang silang lahat sa akin na parang kasalanan ko talagang hindi ko narinig.

Seriously? Hindi ko naman alam kung anong meron next week!

"Kuya may year end business party si lolo dad at daddy, hindi ka kasi nakikinig." buti pa itong bunso namin may alam pero ako wala.

"Oh tapos?" tanong ko pa.

"My gad son! Of course it is a business party which means we will attend!" pasigaw na sagot ni mommy.

"Galit na galit." bulong ko.

"I want everyones eye be on you." lolo dad.

"Yearly naman ata sinasabi niyo yan lolo dad." bulong ko ulit pero mukhang narinig niya.

"Of course apo. Ayaw mo bang maging son oh man of the night?" proud niyang tanong.

"Tsk. Oo na, sige na po." para matapos na lang ang usapan.

Bakasyon na ngayon at last day of class kahapon. Buti na lang dahil tinatamad akong umasang makita ulit si Francis. Ilang araw din siyang hindi pumasok mukhang sinagad na ang bakasyon.

Natapos ang chapter one namin, salamat talaga sa kanya. Actually wala na nga kaming ginawa eh. Tinapos niya na.

Gusto ko siyang makausap sa personal kaso hindi siya pumasok dahil nilagnat ito. Nahihiya akong itext siya baka naka block na ang number namin sa kaniya.

Hindi din siya active sa lahat ng kaniyang social media accounts.

Putanginang buhay to.

Namimiss na kita Francis!

Kingina!

Dumaan pa ang ilang araw at dito lang ako sa kwarto nakakulong. Tinatamad lumabas ng bahay. Ang bigat bigat ng pakiramdam parang may malaking bakal sa likuran ko.

Yakap yakap ko ang mga unan na ginamit ni Francis noong natulog siya dito mismo sa kwarto ko pero tangina lang, mas lalong tumitindi ang pangungulila ko sa kaniya!

Napipikon ako at naiinis! Gusto kong sugurin ang hinayupak kong kakambal sa kwarto at bugbugin hanggang mamatay!

*knock

*knock

*knock

"Hoy tukmol ito yung damit mo!" sigaw ni kuya sa labas.

"Di ako sasama!!" sigaw ko rin.

"Bobo ka ba men?!" napikon ako sa sinabing iyon ni kuya at padabog na buksan ng pinto.

"Di nga ako sasama!" sigaw ko sa harapan niya.

Kahapon ko pa sinabing hindi ako pupunta sa year end party na yon, paulit ulit ang bulbol ng mga taong to!

"Gago maligo ka na. Wala kang allowance pag di ka sumama." ito nanaman po sila! Sa paganyan ganyan nila ako laging nadadakip!

"Nasan ba yung putanginang damit ko? Kanina ko pa kasi hinihintay! Tangina!" hinagis ni kuya Clayne ang damit sa akin at dumiretso ako ng banyo at naligo.

His Grievous Love (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon