CHAPTER THIRTY FOUR

209 12 0
                                    

Kinagabihan pagkatapos mag dinner ay kaniya kaniya kaming balik sa kwarto. Nauna na akong pumanik at binalikan ang mga naiwang paperwork at module na babasahin.

Hindi biro ang magbasa ng 400 pages na module kaya kailangan ko ng magsimula sa lalong madaling panahon dahil nanghihinayang ako sa oras.

Nagsuot ako ng headphone at nagplay ng peaceful at calm full na loop sounds.

"Better." wika ko.

10:30 pm ng maramdaman kong maiihi ako kaya tumayo ako at dumiretso sa cr. Hindi ko inaasahan na may tao pala sa loob at sabay naming binuksan ang pinto.

Si Calyd pala.

Nag hilamos na rin ako ng mukha baka makalimutan ko pa. Mahirap na baka tubuan ng pimple.

Pagbukas ng pinto ay naka abang si Calyx sa labas at hinarangan ang dadaanan ko.

"Tabi." ako

"No." Calyx

"Tabi." ako

"No." Calyx

Huminga muna ako ng malalim bago magsalita.

"Tabi sa dinadaanan." salita ko.

"No. Way." at mas lalo pang lumapit sa pintuan.

"Tabi sabi eh." marahas kong tinulak ang kaliwa niyang kamay dahilan para matanggal ito sa pagkakaharang at makadaan ako.

Deretso lang ako sa paglakad at umupo sa dati kong pwesto at sinuot muli ang headphone.

*bogsh!!

Bago ko pa maiplay ang music ay narinig ko ang sobrang lakas na pagsara ng pintuan.

"Tss."

Naiinis na napipikon at the same time guilty ako Calyx, wag ngayon.

Tinuloy ko na lang ang nasimulan kong layout.

***************

"Umamin ka nga sakin, bakla ka ba Calyx?" seryoso at direct to the point na tanong ni Calyd. Nakaramdam ako ng ibayong kaba.

"What?!" halatang nagulat din siya sa tanong. Kahit ako hindi ko inexpect na itatanong iyon ni Calyd sa kapatid niya.

"Oo at hindi lang ang sagot." seryoso niya pa ring salita.

"Anong klaseng tanong ba yan?!" naiirita niyang sagot.

"Tangina umamin ka na!" biglang sinuntok na malakas ni Calyd si Calyx.

Nagulat kaming lahat sa ginawa ni Calyd at parang kinalampag na malakas ang puso ko dahil sa nakakasindak niyang mga mata na parang naglalagablab na apoy.

Napahiga si Calyx at sobra akong nag alala dahil dumugo ang kaniyang ilong at pumutok ang ibabang labi.

"Calyd tangina mo!" mariin na sabi ni Calyx habang hawak ang ilong at labi.

Nakaramdam ako ng awa sa kaniya dahil patuloy sa pagpatak ang dugo sa ilong ni Calyx pero hindi ako makalapit dahil inupuan ni Calyd at kwinelyuhan.

"Ang baboy niyong dalawa!" sabay pakawala pa ng malakas na suntok sa kapatid.

Bigla akong nakaramdam ng hiya sa sarili ko.

Baboy? Bakit? May ginagawa ba kaming masama para sabihin niya kaming baboy? Madungis ba at marumi ang tingin niya sa akin? Sa aming dalawa?

Tiningan ko si Alex at Lui pero parehong kulutong ang kilay at halatang gulat din sa ginawa ni Calyd.

Patuloy lang sa pagsuntok si Calyd sa kaniyang kakambal hanggang sa inawat na rin ni Lui baka mapuruhan pa ang kaniyang kakambal.

His Grievous Love (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon