Chapter 2: Paa ng Manok

738 30 1
                                    

Kinabukasan ay may kirot pa rin sa mga ngipin ko pero hindi na ganon kasakit dahil may gamot na akong ininom.

Habang nagka-klase ay biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang kambal.

"Good morning mga iho! Ang aga niyo naman masyado para sa next subject!" nakapamewang na tugon ng aming adviser ngunit wala silang imik at diretso lang sa kanilang upuan.

Mga naka poker face.

Tinuloy na lang ni mam ang discussion dahil napansin siguro niya na wala sa mood ang dalawa makipag biruan.

............................


Naglipas ang ilang buwan at nag start na ang season training para sa campus journalism. Isa akong layout artist ng aming school.

Dahil kakagraduate lang ng 1st batch of senior high ay may apat ding umalis sa aming team, lahat sila ay writer.

Saang lupalop ng St. Paul High ako hahanap agad?! Kailangan kong makahanap ng apat na myembro para magsimula na rin kaming mag training. Hindi pwedeng mahuli kami baka cluster level pa lang laglag na agad.

"Guys I badly need your help. Kulang ako ng apat na members, kailangan ko ng apat na writer! Sali na kayo pleaseeee!" hinawakan ko ang kamay ni Alex at Lui at nagmakaawa na sumali sila sa aking team.

"No way! Ayoko! Natrauma na ako dyan! Tama na dahil ang minsan ay magpakailanman!" at inaktong ekis ang kamay ni Alex.

"Alex naman eh! Parang wala tayong pinagsamahan sa training noong junior high! Sino yung naghatid sayo nung hinimatay ka sa contest? Hindi ko na hinintay yung category kong matawag para lang sayo dahil alalang alala ak----" hindi ko natapos ang sasabihin ko at mukhang effective ang pangongonsensya ko.

"Grabe ka naman kung makasumbat ah! Akala mo naman.... Pag iisipan ko. Pero past is past okay? Yung mga nakaraan hindi na dapat pag usapan pa, ha?" inirapan niya ako at natuwa ako sa inasta niya.

Hindi ko makalimutan ang kaniyang karanasan noon habang awarding, bigla siyang hinimatay noong matawag ang pangalan niya at pasok sa top 8.

Sunod ko namang kinausap si Lui.

"Lui nong mga panahon na hindi mo natatapos yung mga article na sinusulat mo, diba may isang taong tumatapos para sayo? Yung halos hindi na siya makapagtraining ng maayos magawan ka lang ng paraan par-----"

"Oo na! Oo na! Sumbatero ka talaga. Titignan ko kung hindi busy sa org." salita nito at inayos ang aming kakainin.

"Yeheyy!!" kumain na kami ng lunch at pagkatapos ay bumili kami ng ice cream sa labas. Pagbalik sa classroom ay kumpol kumpol ang mga estudyante sa harap ng building namin.

"Oo sige mamaya tayo magpipicture picture galit na itong kasama ko. Okay? Padaanin niyo muna kami." sigaw ng isang pamilyar na boses.

"Kuya isang picture lang po!"

"Please po!"

"Pahug na lang po kuya!"

"Ang gwapo niyo po huhuhuhuhu!"

Nagkatinginan kaming tatlo dahil sa naririnig at nakikita namin.

Pinagkakaguluhan sina Calyx at Calyd sa labas ng mga junior at ibang senior high!

Tumawag ng guard si Alex at Lui para mapatigil ang mga estudyanteng nagkukumpulan na parang may anghel na bumaba sa lupa.

Bigla na lang may pumito sa likuran ko.

"Mga bata anong kaguluhan yan?!" sigaw ng guard.

Biglang nagsitakbuhan ang ibang mga estudyante pero may mga makukulit pa rin ang nagpapapicture.

His Grievous Love (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon