CHAPTER FORTY

212 12 0
                                    

Sumemplang ako sa sahig ng may mabunggo akong tao.

"Aray!!" unang tumama ang pwet ko sa magaspang na daan.

"Francis??!!!!!!!!" napatingin ako sa taong tumawag sa pangalan ko. Nanlaki ang mata ko sa aking nakikita.

"K-Kyle?!" biglang nag unahang tumulo ang mga luha ko dahil sa wakas, nakahanap na ako ng pag asa.

"Salamat sa Diyos buhay at ligtas ka! Anong ginagawa mo dito sa Bulacan?" sinuri niya ang katawan ko at agad na tinulungang makatayo.

"Andami mong sugat at pasa." nag aalala niyang wika.

"Kyle, umalis na tayo dito baka makita pa tayo ni Fernando at ang mga tuta niya." garalgal na ang boses ko dahil natatakot pa rin ako baka madakip kami ni Fernando at muling ibalik sa nakakatakot na bahay na yon.

"Lowbat pa naman ako! Malas! Pero tara sumakay ka sa likuran ko." lumuhod ito sa daan kaya naman sumakay na ako sa kaniyang likod at mabilis siyang tumakbo.

Buti na lamang malaki at malakas ang kaniyang katawan kaya naman kayang kaya niya akong bitbitin.

"Salamat sa Diyos Kyle. Salamat ikaw ang nakita ko." patuloy lang ako sa pag iyak kahit palayo na kami sa lugar kung saan ko nakita at nakadaupang palad si kamatayan.

Marami na ang mga bahay pero sarado lahat ng ito.

"A-anong oras na Kyle?" nagtataka lang ako bakit lahat ng bahay ay sarado na.

"Ala una na ng madaling araw." medyo hinihingal na siya dahil malayo na rin ang naitakbo niya kaya naman ay bumagal ang kaniyang pagtakbo.

"Anong ginagawa mo sa ganitong disoras ng gabi?" tanong ko.

"Nag hahanap kasi ako ng trabaho, pang extra income, eh birthday nung dati kong kaklase sa elementary nag ayang mag inuman dahil naglalakad lang ako pauwi. Ayon nakitagay lang ako." salita niya.

Tignan mo nga naman ang kapalaran, talagang maswerte ako dahil nagkrus ang landas namin.

"Hindi ko lubos akalain na mabubuhay pa ako, ang akala ko mamamatay na talaga ako. Takot na takot ako." naubos na ata ang mga luha dahil wala ng lumalabas pa.

"Sshhhhh. Ligtas ka na." napaka sarap pakinggan na ligtas na ako. Napawi lahat ng pangamba at takot.

"Di'ba nangako ako sayo na ibabalik ko ang lahat ng tulong na binigay mo sa akin? Baka ito ang plinano ng Diyos para maibalik ko ang lahat sa iyo Francis. Hindi mo deserve ang lahat ng paghihirap na ito. Napaka buti mong tao. Wag kang mag alala dadalhin kita sa ligtas na lugar." gumaan ang pakiramdam ko sa kaniyang mga sinabi.

*beep!!

*beep!!

*beep!!

"Kyle andyan na sila!!!!!!" tila nanumbalik lahat ng takot at pangamba sa akin dahil nakarinig ako ng busina.

Kumabog ng mabilis ang puso ko. Nanginig ang buo kong katawan.

Ayoko ng bumalik sa bahay na yon!

"Te-teka lang." salita niya.

His Grievous Love (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon