Chapter Fifteen: Regla

445 19 2
                                    

FRANCIS'S POV

4:00 am akong gumising, nag prepare para sa division contest.

This is it!

5:00 am nasa school na ako at mukhang ako pa ang nalate dahil lahat sila ay nakasakay na sa van at ako na lang ang hinihintay.

"Aga mo Francis." bungad sa akin ni Alex.

"Oo nga eh, sobrang aga." sagot ko naman.

Nagbyahe na kami papuntang host school, may kalayuan din ang university kaya naman buong byahe ay puro pahinga lang.

Ako ang nasa pinaka dulong bahagi ng sasakyan sa likuran at katabi ko si Calyx. As usual ang manyakis, may pahaplos sa aking hita.

Itinutok niya sa amin ang ac at niyakap ako patagilid.

"Calyx baka makita nila tayo." bulong ko sa kaniya.

"The hell I care." hinigpitan niya lalo ang yakap sakin at siniksik ang mukha niya sa leeg ko.

"Ang lamig!!" pasigaw niyang sabi at kunwaring giniginaw.

"Pre chansing ka ha!" sigaw ni Lui.

Pilit kong tinanggal ang mga kamay niya at ulo pero wala. Mapilit talaga.

Dapat magmukha tayong conservative para hindi halata ano ba Calyx!

"Walang basagan ng trip. Kung gusto mo gumaya ka, yakapin mo din si Calyd oh kaya si Alex." sagot naman ng balasubas na si Calyx.

"Tsk." reklamo naman ni Calyd at nagsuot ng headphone.

"Yuckkkk." anas ni Alex.

"Arte." sagot naman ni Calyx kay Alex.

Napatawa ako dahil naalala ko ang unang araw ng training namin, nagbabangayan silang dalawa kung sino ang feature writer.

Hanggang sa pinagpalit niya kami ng pwesto. Siya naman ang yakap ko ngayon.

"Ano ba Calyx!" anas ko.

"Tsk! Nilalamig ako eh!" hawak hawak niya ang dalawa kong kamay at pinulupot sa kaniyang katawan at hinila ang katawan ko palapit sa tabi.

"Francis. Ehem! Chansing!" pang iinusulto ni Alex.

"Duhh!!" inirapan ko lang siya habang tatawa tawa pa.

Wala ng sumunod pang panunukso at hindi na binigyang malisya ang yakap ko kay Calyx dahil ang galing umarte nitong mokong na to na kunwari giniginaw.

Buong biyahe ay yakap yakap ko si Calyx at kapag may napapatingin sa gawi namin ay umaakto itong parang lalagnatin. Bago bumaba ng sasakyan dahil nasa dulo kami ay humalik muna ito ng mabilis, smack lang at bumaba agad ng sasakyan.

Damn it Calyx!

Tirador ka talaga ng nakaw na halik!

Pagkadating sa host school ay agad kaming inasikaso ng mga CAT officers papuntang auditorium ng university.

Habang naglalakad sa hallway ay ramdam ko ang pag-iba ng mood ni Calyd.

"Wuyy napano ka?" tanong ko sa kaniya.

Mukhang narinig naman niya ako dahil tinanggal nito ang kaniyang headphone.

"Wala." sagot niya na hindi man lang tumingin sakin.

"Sus! Ano nga?" pangungulit ko pero patuloy lang siya sa paglalakad.

Medyo nauna na ang mga kasama namin sa paglalakad dahil sinasadya niyang bagalan ang paglalakad.

His Grievous Love (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon