Chapter Five: Pendant

501 29 0
                                    

FRANCIS'S POV

Lumipas ang isang linggo at back to normal ang lahat. Mas naging close kaming lahat pagkatapos manalo sa cluster level!

Grabe ang sarap pa rin sa feeling manalo kahit pang apat na beses ko na itong panalo sa CSSPC!

Naging close na rin kami sa kambal at sumasama na sila sa amin paminsan minsan, madalas ay silang dalawa lang pero kahit papaano ay nakiki-halubilo na sila.

Lagi na rin silang nakamask at cap dahil sa mga estudyanteng gustong kumuha ng picture sa kanila dahil alam na rin ng lahat na galing sila sa Don Mackley Academy kaya mas lalong dumami ang may gustong magpapicture sa kanila.

Hindi na laging out of place si Lui kapag nag uusap kami ni Alex dahil may Calyd at Calyx na siyang nakakausap ng lalaki sa lalaki.

Minsan ay kasama namin silang nagfofoodtrip at gumagala.

"Guys birthday ng kapatid ko sa sabado. Punta kayo merong maliit na salo salo sa bahay." aya ni Lui.

"Tignan ko baka may lakad ako ng sabado." Alex

"Ako rin." saad ng kambal.

"Sige punta ako." wala din naman akong gagawin sa bahay kaya naman pumayag na ako.

***

Araw ng sabado at dumiretso kaming dalawa ni Alex sa bahay ni Lui. Medyo malapit lang ang kanilang bahay sa school kaya madaling puntahan.

Sa harap ay may tarpaulin na nakasabit na bunsong kapatid ni Lui na may naka lagay na 'Happy 7th Birthday'

Pagpasok namin sa loob ay makikita na agad ang handaan.

"Happy birthday Leny!" niyakap ko ang kapatid ni Lui at ibinigay ang aking regalo.

"Thank you po kuya Francis!" maligalig nitong pasasalamat. May hawig ito sa kaniyang kuya na si Lui at parang siya ang girl version nito.

"Naku Leny sa susunod na lang yung gift ni ate Alex ha? Wala pa akong pambili eh. Hehehehe. Happy Birthday baby Leny!" sunod na niyakap nito ang bata ng sobrang higpit.

"Ayos lang ate Alexandria! Tara na kain na po kayo!" kumalas na ito sa pagkakayakap kaya naman dumiretso na kami sa hapag kainan at kumain.

Kilala na kami ng pamilya ni Lui dahil minsan dito namin naiisipang tumambay at mag review.

Nandito din ang mga iilang bata at magulang pati ang kasama ni Lui sa school organization ay kumpleto. Kasama namin sila at medyo close naman kami sa isa't isa.

Biglang nagvibrate ang aking phone at pagtingin ko doon ay may message mula kay Calyx.

'Babae ba kapatid ni Lui?'

'Oo bakit?'

Pagkalipas pa ng isang oras ay may biglang sumigaw sa labas ng bahay.

"May artista kayong bisita Amelia!!!!"

"Napaka gwapong mga binata! Anong pakay ninyo rito mga pogi!!!"

"Kuya papicture naman!!!!"

Nagkatinginan kami ni Alex at pareho kaming nagkaintidihan.

Mukhang andito na ang kambal

"Pasensya na nalate kami nang dating." pambungad nilang dalawa.

Pareho sila ng suot na damit at kulay ng cap nagkaiba lang sa kulay ng sapatos, humalimuyak ang kanilang pabango sa loob ng bahay na parang nang aakit sa bango.

His Grievous Love (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon