CHAPTER TWENTY NINE: TAMPO

258 13 1
                                    

Dahil sa sobrang kasabikan na makita ko si Calyx noong pasko hindi ko nabigay sa kaniya ang regalo ko, bukas na lang siguro sa classroom, better late than never. Hindi rin naman kami nagkita noong new year dahil busy din kami sa sarili naming pamilya.

Hawak ko ngayon ang kwintas at singsing na ibibigay ko sa kanya bukas, naamaze lang ako sa ganda at pagkakaukit ng buo kong pangalan. Tandang tanda ko pa noong araw na tinulungan niya akong mamili ng mga regalo at nagsusukat siya ng singsing kaya tinandaan ko ang size ng kaniyang daliri.

'Francis Vergara Dy'

Ang ganda!!!

Binalik ko na sa lalagyan at nilagay sa loob ng aking bag para hindi ko na makalimutan pa.

____________

Kinabukasan ay nalate ako ng gising at nagmadaling gumayak. Nakalimutan kong mag alarm at mag charge ng phone kaya naman hindi ako agad nagising. Sa susunod bibili na talaga ako ng sandamakmak na alarm clock para hindi ako nahuhuli sa klase at mga lakad.

Hindi na ako nag almusal pa at nagmadaling sumakay sa kotse dahil nagpahatid na ako kay kuya dahil kung magcocommute pa ako baka umabot na lang ako sa break time.

"Ayan! Puros kasi videocall kay Calyx, anong napala mo? Nalate ka. Ako nga noong nag aaral ako never akong nalate sa klase." panenermon ni kuya.

"Oo na kuya, late na nga ako inaaway mo pa ako." pagrereklamo ko.

"Aba dapat lang!"

Pagkarating ay halos takbuhin ko na ang daan para lang makaabot dahil kapag sinarado na ang gate ay makukuhanan nanaman ako ng id at pahirapan sa pagkuha non.

"Wait lang po!" sigaw ko sa guard na isasara na dapat ang gate.

"Naku! Ikaw bata ka kahit kailan, buti na lang nakaabot ka pa. Oh siya pasok ka na. Pasalamat ka at close tayo." sita ni manong guard.

"Hehehehehehehe salamat po. Happy new year!" pumasok na ako sa loob at naglakad papuntang classroom.

Since lowbat ang cellphone ni Calyx ay hinanap ko sa aking bag kung nadala ko ang powerbank para icharge ang phone niya baka kasi may text si Calyx sa akin at hindi ko nanaman mareplyan dahil sa katamaran kong mag charge.

"Asan na ba yo- aray!" nabunggo ako sa isang tao. Buti na lang hindi nahulog ang mga gamit ko.

"Sorry Francis! Hindi ko sinasadya." napasapo ako sa noo ko dahil iyon ang unang tumama sa semento ata yon dahil ang tigas eh.

Pagtingin ko sa taong nagsalita ay si Kiko pala.

"Uy Kiko, sorry din. Hindi kasi ako nakatingin sa dinadaanan." wika ko.

"Ayos lang. Masakit ba pagkakabunggo mo?" Kiko.

"Hindi naman, nabigla lang."

"Sabay na tayong maglakad, pupunta sana ako sa labas kaso sarado na pala. Nadaanan ko yung classroom niyo kanina wala pa yung teacher niyo." parang nakahinga ako ng sobrang luwag dahil sa sinabi niyang iyon.

"Sige. Happy new year nga pala sayo." salita ko.

Matagal bago ito makasagot at namula ang kaniyang mukha at napangiti ng sobrang lapad.

"Happy new year din sayo crush este Francis. Hehehehehe!" nagkamot siya ng ulo na parang nahiya sa kaniyang sinabi. Napatawa ako sa reaksyon ng kaniyang mukha dahil para siyang kuting sa itsura niya.

"May nakakatawa ba sa itsura ko?" inosente niyang tanong.

"Wala naman. Mukha ka lang pusa hahahahahaha!" tugon ko.

His Grievous Love (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon