Chapter 3

5 1 0
                                    

Chapter 3

Bago ako natulog kagabi tinawagan ko si Tita about sa Enchanted Kingdom na pinag usapan kahapon sa bahay nila.

Pumayag naman daw yung mga parents namin pero hindi daw sila sasama kasi mga busy sila sa trabaho nila kaya sila Tita Mary lang ang kasama naming matanda. Okay na din yun para may bantay kami kahit papaano.

So today, nag reready na ako para mamaya. It's already 6 in the morning eh ang usapan is dapat by 8am nandun na kami sa Subdivision nila Tita kaya gumising talaga ako ng maaga. Ewan ko lang si Mijoy, masilip nga yun.

Kumatok muna ako sa kwarto nya at pumasok na, sanay naman sya kasi kaming dalawa lang ang nandito. "Mijoy?", hindi ko pa sya makita kasi nakapatay pa ang ilaw pero pagkabukas ko ginulat nya ako kaya napaatras ako.

"Mijoy naman eh!", sabi ko sa kanya sabay sabunot pero hindi naman gaano kalakasan.

"Hahahaha I love you na, ready ka na ba para mamaya?", tanong nya at tumango naman ako.

"Kain na tayo sa baba", pagyaya nya kaya bumaba na kami.

Nagluluto sya habang ako naghihintay sa living room.

Nag ring ang phone ko at nakita kong tumatawag si Kai kaya sinagot ko

"Hello! Good morning!", masiglang bati ko sa kanya.

"Hi, good morning din Hon. Kumain ka na?", tanong nya.

"Hindi pa eh, nagluluto pa si Mijoy", sabi ko.

"Sunduin ko ba kayo dyan or diretso na lang kayo dito?"

"Uhm, hindi ko pa alam eh. Tanong ko si Mijoy, hold on.", sabi ko at tinabi muna ang phone para matanong si Mijoy.

"Sis! Papasundo pa ba tayo kay Lucian?", tanong ko kay Mijoy, tumango sya.

Binalik ko na sa tainga ko yung phone, "Oo daw Ney, sunduin mo daw kami dito.", sabi ko kay Kai.

"Oh okay then punta na ba ako dyan? Kumain na din naman ako eh."

"Sige pasabi kay Tita Mary na ready na kami ni Mijoy para mamaya."

"Sige Kei, paalam na ako see you I love you."

"Sige ingat ka I love you too.", sabi ko then I end the call.

"Breakfast is ready sis!", sabi sa akin ni Mijoy at pumunta na ako sa dining area at kumain na kami.

Sinabi ko kay Mijoy na ilang oras lang nandito na si Kai kaya umakyat na muna ako sa kwarto para magpahinga saglit, parang feel ko kasi kulang pa tulog ko eh.

May narinig akong kumakatok kaya nagising ako at pinagbuksan kung sino man yun at nagulat ako ng bumungad sa akin si Kai. Niyakap ko sya ng sobrang higpit.

"Anong oras na ba?", tanong ko habang ang mga kamay ko ay nasa leeg nya habang ang kamay nya naman ay nasa bewang ko.

"It's already 7:30am kaya halika na alis na tayo.", sabi nya sabay halik sa noo ko.

Tumango ako at sinabing hintayin na lang ako sa baba.

Nagpunta muna ako sa banyo tapos naghilamos then naglagay ng light make up or should I say na powder lang tsaka lip balm basta ayun lang.

Kinuha ko na yung mga gamit ko then bumaba na pero chineck ko muna kung dala ko ba yung susi and okay naman na so bumaba na ako.

"Tara na baka mainip sila Tita kakahintay sa atin.", sabi ko sa kanila at lumabas na kaming tatlo para pumuntang parking.

Desperate for LoveWhere stories live. Discover now